Isang address sa web na binili pero hindi ganap na na-develop. Ang webpage na ito ay karaniwang may kaunti o walang content dahil ang page ay dine-develop pa o naghihintay ng bagong may-ari, bilang halimbawa.
- Posibleng may mga site ng Naka-park na domain sa network ng partner sa paghahanap ng Google. Bilang bahagi ng network ng partner sa paghahanap, puwedeng gamitin ang site ng Naka-park na Domain para magpakita ng mga kaugnay na termino para sa paghahanap na nauugnay sa URL o anumang content na posibleng nasa page. Kapag nag-click sa kaugnay na paghahanap, hahantong ito sa isang page na may mga sponsored na search ad. Gaya ng lahat ng search ad sa network ng partner sa paghahanap ng Google, sisingilin ka lang kapag may user na nag-click sa iyong ad.
- Puwedeng gamitin ang mga site ng naka-park na domain sa iba't ibang dahilan: para magreserba ng address sa web para sa hinaharap, magbigay ng ilang content sa page na blangko sana dahil nag-expire na ang pagpaparehistro nito, o iba pang katulad na dahilan.
- Puwede mong gamitin ang aming mga tool sa pagbubukod ng site at kategorya para mapigilang lumabas ang mga ad kung saan hindi nakakatugon ang mga ito sa iyong mga pangangailangan sa pag-advertise.
Para sa mga advertiser na may mga naka-park na domain
- Hindi pinapayagan ng patakaran sa Google Ads ang mga ad na mag-link sa mga site ng naka-park na domain na mga listing at link ng pag-advertise lang ang ipinapakita, at hindi nagbibigay sa user ng natatangi at mahalagang content sa domain ng landing page.
Tandaan: Simula sa Oktubre 2024, awtomatiko nang io-opt out ang mga Google Ads account sa paghahatid ng mga ad sa mga naka-park na domain. Ang ibig sabihin nito ay hindi lalabas sa mga naka-park na domain bilang default ang iyong mga campaign sa mga bagong account na naka-opt in sa Network ng Partner sa Paghahanap ng Google. Kung gusto mong lumabas ang mga ad mo sa mga naka-park na domain, pumunta lang sa mga setting ng pagiging angkop ng content sa bago mong account at mag-opt in.