Ipinapakita ng iyong bid sa keyword kung magkano ang handa mong bayaran kapag may nag-click sa iyong ad. Ito ang halaga ng maximum cost-per-click (max CPC) na bid ng iyong keyword.
Isaayos ang bid ng isang keyword
- Sa screen ng Pangkalahatang-ideya ng account, i-tap ang Higit Pa, pagkatapos ay piliin ang Mga Keyword mula sa menu.
- I-tap ang keyword na gusto mong baguhin ang bid.
- I-tap ang icon na lapis
- Ilagay ang iyong bagong bid.
- I-tap ang I-save.
Pagbukud-bukurin ang mga keyword para mas mabilis mong mahanap ang mga ito
- Hanapin ang mga header ng column sa screen ng Mga Keyword.
- I-tap ang alinman sa mga header ng column na ito para pagbukud-bukurin ang iyong mga keyword.
Baguhin ang mga column
- Para baguhin kung aling mga column ang ipapakita, i-tap ang icon na mga column , i-tap ang switch para piliin ang mga column na gusto mong ipakita, pagkatapos ay i-tap ang I-save.
- Para baguhin ang pagkakasunod-sunod ng mga column, i-tap ang icon na mga column , i-tap at i-drag ang handle sa tabi ng anumang pangalan ng column para baguhin ang posisyon nito, pagkatapos ay i-tap ang I-save.