Tingnan ang performance (Google Ads mobile app)

Tingnan ang isang snapshot ng performance para sa iyong account, campaign, o ad group

Madali mong masusuri ang mga sukatan ng performance sa snapshot ng performance sa itaas ng page ng Pangkalahatang-ideya.

  1. Mag-navigate papunta sa isang account, campaign, o ad group.
  2. I-tap ang page na Pangkalahatang-ideya sa navigation bar sa ibaba, at tingnan ang snapshot ng performance sa itaas ng page.
  3. Mag-tap ng chip ng sukatan para makita ang sukatan sa isang detalyadong chart.
  4. Mag-tap kahit saan sa chart para makakita ng mga detalyadong value.

Magdagdag pa ng mga sukatan

  1. Mag-swipe papunta sa kanan ng snapshot ng performance.
  2. I-tap ang 3-dot icon Higit pa para buksan ang listahan ng mga sukatan.
  3. Mag-tap sa mga sukatang gusto mong makita. Ang mga napiling sukatan ay magkakaroon ng checkmark sa kanan ng sukatan. Dapat pumili ng kahit man lang 4 na sukatan. Para baguhin ang pagkakasunud-sunod ng mga chip ng sukatan, i-tap at i-drag ang handle sa tabi ng anumang pangalan ng column para baguhin ang posisyon.
  4. I-tap ang I-save para makita ang iyong mga na-update na sukatan sa snapshot ng performance.

Isaayos ang hanay ng petsa

  1. I-tap ang icon na kalendaryo Ipakita ang kalendaryo.
  2. I-tap ang hanay ng petsa na gusto mo.
  3. O i-tap ang Custom at piliin ang eksaktong hanay ng petsa na gusto mong makita.
  4. I-tap ang I-save.

Tingnan ang isang talahanayang may mga sukatan ng performance para sa iyong mga campaign, ad group, keyword, o ad

Para makakita ng talahanayang may mga sukatan ng performance para sa iyong mga campaign, i-tap ang Mga Campaign sa navigation bar sa ibaba. Para makita ang Mga ad group, Keyword, o Ad, i-tap ang Higit pa sa navigation bar sa ibaba.

Baguhin ang mga column

  • Para baguhin kung aling mga column ang ipapakita, i-tap ang icon na mga column Columns, i-tap ang switch Switch (enabled or on) para piliin ang mga column na gusto mong ipakita, pagkatapos ay i-tap ang I-save.
  • Para baguhin ang pagkakasunod-sunod ng mga column, i-tap ang icon na mga column Columns, i-tap at i-drag ang handle sa tabi ng anumang column para baguhin ang posisyon nito, pagkatapos ay i-tap ang I-save.

Isaayos ang hanay ng petsa

  1. I-tap ang icon na kalendaryo Ipakita ang kalendaryo.
  2. I-tap ang hanay ng petsa na gusto mo.
  3. O i-tap ang Custom at piliin ang eksaktong hanay ng petsa na gusto mong makita.
  4. I-tap ang I-save.

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

true
Achieve your advertising goals today!

Attend our Performance Max Masterclass, a livestream workshop session bringing together industry and Google ads PMax experts.

Register now

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15461869494522467302
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false