Mga pag-click sa mga ad na hindi resulta ng tunay na interes ng user, kasama ang sinasadyang mapanlokong trapiko at aksidente o duplicate na mga pag-click.
Umaasa ang Google sa multi-layered na diskarte para protektahan ang mga advertiser mula sa invalid na trapiko. Matuto pa tungkol sa Pamamahala ng invalid na trapiko.
Narito ang ilang halimbawa ng mga puwedeng ituring ng Google na mga invalid na pag-click:
- Mga manual na pag-click na naglalayong palakihin ang iyong mga gastusin sa pag-advertise o pataasin ang kita ng mga may-ari ng website na nagho-host sa iyong mga ad
- Mga pag-click ng mga tool sa naka-automate na pag-click, robot, o iba pang mapanlinlang na software
- Mga hindi sinasadyang pag-click na hindi nagbibigay ng halaga sa advertiser, tulad ng pangalawang pag-click sa pag-double click
Hindi sisingilin sa iyo ang mga invalid na pag-click o impression dahil maliit ang halaga o walang halaga ang mga ito. Kung nag-aalala ka tungkol sa mga invalid na pag-click sa iyong mga ad, puwedeng ikaw mismo ang tumugon sa mga isyu. Matuto pa tungkol sa Pamamahala ng invalid na trapiko.