Tungkol sa mga feature sa pag-bid sa mga Display campaign

Kapag nag-a-advertise ka gamit ang Mga Display Campaign, puwede mong itakda ang iyong mga bid sa iba't ibang paraan sa campaign mo. Ginagamit ng Google Ads ang iyong mga bid sa ad auction para matulungan kang masulit ang iyong mga ad.

Kapag kwalipikadong lumabas ang iyong ad, inaalam ng Google Ads kung gusto mong gumamit ng mga custom na bid o gamitin ang default na bid, at kung mayroon kang anumang pagsasaayos ng bid.

  • Mga default na bid: Kung wala kang custom na bid kapag lumabas ang iyong ad sa isang placement na tumutugma sa pag-target mo, gagamitin ng Google Ads ang iyong default na bid sa ad group.
  • Mga custom na bid: Kung na-enable mo ang mga custom na bid para sa iisang paraan ng pag-target, halimbawa, mga paksa, gagamitin ng Google Ads ang naturang bid kapag lumabas ang iyong mga ad sa mga website na may kaugnayan sa paksang iyon.
  • Mga pagsasaayos ng bid: Para sa higit na kontrol kung kailan at saan ipinapakita ang iyong ad, puwede kang magtakda ng mga pagsasaayos ng bid sa antas ng campaign at ad group.

Ipinapaliwanag ng artikulong ito ang mga pagkakaiba ng mga feature sa pag-bid na available sa mga Display campaign at kung paano pumipili ang Google Ads ng opsyon sa pag-bid na gagamitin sa iyong mga ad.

Paano gumagana ang mga feature sa pag-bid

Mga default na bid

Kung gumagamit ka ng manual na pag-bid, nakapagtakda ka na ng bid sa antas ng ad group. Kung gumagamit ka ng mga diskarte sa portfolio, nakapagtakda ka na ng bid sa antas ng portfolio. Kapag wala kang na-enable na mga custom na bid (o hindi nalalapat ang iyong mga custom na bid sa kung saan ipinapakita ang ad mo), ginagamit ng Google Ads ang iyong default na bid. Makukuha ang iyong default na bid mula sa bid sa ad group o bid sa portfolio mo.

Halimbawa, kung nagtakda ka ng bid sa ad group na Php50, at hindi mo na-enable ang mga custom na bid, ipapakita sa iyong column na “Default na Max. CPC” ang halaga ng iyong bid sa ad group, at hindi mo mae-edit ang bid na ito mula sa talahanayan ng mga istatistika.

Mga custom na bid

Kung gusto mong magtakda ng mga bid para sa isang indibidwal na paraan ng pag-target sa iyong ad group, puwede kang gumamit ng mga custom na bid. Ito ang mga max. CPC (o max. vCPM) na bid na itatakda mo.

Halimbawa, kung papaganahin mo ang mga custom na bid para sa mga placement, makakapagtakda ka ng mga max. CPC na bid sa mga indibidwal na placement na idaragdag mo. Kapag na-enable mo ang mga custom na bid para sa isang paraan ng pag-target, gagamitin namin ang mga bid na ito sa Display Network.

Mahalaga: Maaari kang magtakda ng mga custom na bid sa isang paraan lang ng pag-target sa bawat ad group.

Mga pagsasaayos ng bid

Nagbibigay-daan ang mga pagsasaayos ng bid na mapataas o mapababa mo ang halaga ng bid na ginagamit namin para higit mong makontrol kung kailan at saan lumalabas ang iyong ad.

Kumakatawan sa porsyentong pagbabago sa iyong mga bid ang mga pagsasaayos ng bid. Inilalapat ang mga ito sa itaas ng mga bid na ginagamit ng Google Ads para ipakita ang iyong ad: sa iyong mga custom na bid o sa bid sa ad group, kung walang nakatakdang mga custom na bid. Puwedeng itakda mula -90% hanggang +900% ang mga pagsasaayos ng bid para sa anumang paraan ng pag-target sa antas ng ad group.

Puwede kang magtakda ng mga pagsasaayos ng bid sa antas ng campaign (para sa mga oras, araw, at lokasyon), at sa antas ng ad group para sa mga indibidwal na paraan ng pag-target. Gayunpaman, hindi ka maaaring magkaroon ng mga pagsasaayos ng bid at custom na bid para sa parehong paraan ng pag-target. Available ang mga pagsasaayos ng bid sa device sa antas ng campaign at ad group.

Kung gagawa ka ng maraming pagsasaayos sa iisang campaign, imu-multiply nang sama-sama ang lahat ng pagsasaayos ng bid upang malaman kung magkano ang itataas o ibababa ng iyong bid. Matuto pa Tungkol sa mga pagsasaayos ng bid.

Hindi ka makakapagtakda ng mga pagsasaayos ng bid sa mga keyword, anuman ang uri ng iyong campaign. Puwede kang magtakda ng mga custom na bid sa mga keyword, o puwedeng gamitin ng mga keyword ang iyong mga default na bid.

Smart pricing

Kung gumagamit ka ng Pinahusay na cost-per-click (enhanced cost-per-click o ECPC) sa manual na pag-bid, puwedeng isaayos ng smart pricing ang iyong mga cost-per-click (CPC) na bid para sa mga Display campaign o mga Search campaign na may Expansion sa Display. Makakatipid ka rito ng oras at pagod dahil tinatantya nito ang halaga ng mga pag-click at awtomatikong isinasaayos ang mga bid, para pahusayin ang performance at maabot ang iyong mga layunin.

Sa smart pricing, kung ipinapakita ng data ng Google Ads na ang pag-click mula sa isang web page ay malamang na hindi humantong sa isang mahalagang resulta para sa negosyo (tulad ng online na benta, pagpaparehistro, tawag sa telepono, o pag-sign up sa newsletter), puwedeng bawasan ng Google Ads ang bid para sa web page na iyon. Maraming salik ang isinasaalang-alang, tulad ng mga listahan o konsepto ng keyword na nag-trigger sa ad, at ang uri ng web page o app kung saan inihatid ang ad.

Paano tinutukoy ng Google Ads ang mga opsyon sa pag-bid para sa iyong ad

Kapag kwalipikadong lumabas sa Display Network ang iyong ad, custom na bid ang unang hahanapin ng Google Ads. Kung mayroon kang nakatakdang may kaugnayang custom na bid para sa isang paraan ng pag-target, gagamitin ang bid na ito sa ad auction. Kung wala kang nakatakdang may kaugnayang custom na bid, hahanapin ng Google Ads ang default na bid. Ginagamit bilang default na bid ang bid ng ad group.

lnilalapat ang mga pagsasaayos ng bid pagkatapos mong itakda ang paunang bid. Kung nauugnay ang isa sa iyong mga pagsasaayos ng bid. Halimbawa, may tumitingin ng content sa isang mobile device at nag-set up ka ng pagsasaayos ng bid sa mobile device, idaragdag ang pagsasaayos na ito sa piniling bid sa unang hakbang (custom o default).

Bilang karagdagan sa pagtatakda ng mga pagsasaayos ng bid sa kabuuan ng iyong campaign, maaari mo ring itakda ang mga iyon para sa mga mobile device at paraan ng pagta-target tulad ng mga paksa o placement sa isang ad group. Imu-multiply ang mga pagsasaayos na ito sa iyong default o custom na bid at sa anumang mga pagsasaayos ng bid na iyong itinakda para sa iyong buong campaign.

Halimbawa

Sabihin natin na para sa iyong Display campaign, nagtakda ka ng custom na bid na Php50 para sa affinity audience na "Mga tagahanga ng basketball," isang pagsasaayos ng bid na +20% para sa demograpikong "Lalaki," at pagsasaayos ng bid sa lokasyon sa antas ng campaign na +10% para sa mga tao sa Pilipinas. Gagamitin ng Google Ads ang iyong custom na bid na Php50.00 sa tuwing ipapakita ang iyong ad sa mga taong nauugnay sa napiling interes. Kung ipapakita ang ad sa sinumang may demograpikong "Lalaki," idaragdag namin ang +20% ng iyong custom na bid sa CPC na bid mo, para gawin itong Php60 kapag ipinakita ang iyong ad sa mga taong ito. At kung ang mga taong ito ay nasa Pilipinas, idaragdag namin ang +10% ng iyong custom na bid na imu-multiply sa pagsasaayos ng demograpikong bid mo, para gawing Php66.00 ang iyong max. CPC na bid.

Ganito ang kalkulasyon: Custom na bid: Php50 Pagsasaayos ng demograpikong bid: Php50 x (+20%) = Php60 Pagsasaayos ng bid sa lokasyon: Php60 x (+10%) = Php66 Kabuuang bid para sa lalaking tagahanga ng basketball sa Pilipinas: Php66

Paano i-enable ang mga bid sa ad group, custom na bid, at pagsasaayos ng bid para sa iyong mga ad group

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
6712067275550844016
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false