Mag-set up ng mga naka-automate na panuntunan

Nagbibigay-daan sa iyo ang mga naka-automate na panuntunan na awtomatikong gumawa ng mga pagbabago sa iyong account, batay sa mga setting at kundisyong pipiliin mo. Puwede mong baguhin ang status ng iyong ad, badyet, mga bid, at marami pa. Halimbawa, kung gusto mong pahusayin ang bid sa iyong keyword anumang oras na mawala ang iyong ad sa unang pahina ng mga resulta, makakapagtakda ka ng panuntunan para doon. Bukod pa rito, puwede kang gumamit ng mga naka-automate na panuntunan para mag-trigger ng mga email, nang hindi gumagawa ng anumang iba pang pagkilos, kapag may naganap na mga partikular na kundisyon.

Makakatipid ka ng oras sa paggamit ng mga naka-automate na panuntunan sa pamamagitan ng pagbabawas sa pangangailangang subaybayan ang mga campaign at gumawa ng mga madalas at manual na pagbabago.

Nagpapakita sa iyo ang artikulong ito ng halimbawa ng kung paano mag-set up ng naka-automate na panuntunan.

Tandaan: Kapag nag-iiskedyul ka ng panuntunan para tumakbo ito sa isang partikular na oras, mahalagang tandaan na ang turnaround time para sa pagtakbo ng mga panuntunan ay sa loob ng 2 oras pagkatapos ma-trigger ang mga kundisyon. Halimbawa, kung nakaiskedyul ang isang panuntunan para sa 9 a.m., puwede itong tumakbo anumang oras sa pagitan ng 9 a.m. at 11 a.m.

Mga Tagubilin

Tandaan: Ang mga tagubilin sa ibaba ay bahagi ng bagong disenyo para sa experience ng user sa Google Ads. Para gamitin ang dating disenyo, i-click ang icon ng "Hitsura," at piliin ang Gamitin ang dating disenyo. Kung ginagamit mo ang dating bersyon ng Google Ads, suriin ang Quick reference na mapa o gamitin ang Search bar sa panel ng navigation sa itaas ng Google Ads para makita ang page na hinahanap mo.
Narito ang isang halimbawa ng kung paano gumawa ng panuntunan para taasan ang iyong badyet para sa mga campaign:
  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon na Mga Campaign Campaigns Icon.
  2. Pumunta sa page na Mga Campaign, Mga ad group, o Mga keyword sa paghahanap.
  3. I-click ang 3-dot icon sa itaas ng talahanayan ng mga istatistika.
  4. Piliin ang Gumawa ng naka-automate na panuntunan.
  5. Piliin ang Baguhin ang mga badyet mula sa drop-down na “Uri ng panuntunan.”
  6. Piliin kung aling mga campaign ang babaguhin ang mga badyet (Lahat ng naka-enable na campaign, Lahat ng naka-enable at naka-pause na campaign, o Pumili ng mga campaign).
  7. Sa ilalim ng drop-down na “Pagkilos,” piliin ang pagkilos na gusto mong ma-trigger para sa iyong mga campaign. Mapipili mong taasan ang iyong badyet ayon sa porsyento o partikular na halaga. Kung gusto mong matiyak na hindi lalampas ang iyong badyet sa isang partikular na halaga para sa panahon ng pagsingil, puwede kang magtakda ng opsyonal na mas mataas na limitasyon sa badyet.
  8. Pumili ng kundisyon mula sa drop-down na "Pumili ng kundisyon."
  9. I-click ang Idagdag.
    Tandaan: Ulitin ang mga hakbang 6–9 kung gusto mong magdagdag ng maraming pagkilos sa iyong naka-automate na panuntunan.
  10. Tukuyin ang dalas ng iyong panuntunan.
  11. Piliin ang uri ng mga update sa email na gusto mong matanggap tungkol sa mga isyung nakakaapekto sa iyong panuntunan.
  12. Pangalanan ang iyong panuntunan.
  13. I-click ang I-preview para matiyak na na-set up mo ang iyong panuntunan sa paraang gusto mo. Ang pag-preview ay para lang sa pag-verify at hindi gumagawa ng anumang permanenteng pagbabago sa iyong account.
  14. Kapag tapos ka na, i-click ang I-save ang panuntunan.
Mga tip at gabay sa paggamit ng mga naka-automate na panuntunan

Mga pangkalahatang tip

Gumamit ng mga limitasyon

  • Magtakda ng minimum at maximum na mga limitasyon para sa iyong mga bid at badyet para hindi masyadong tumaas o bumaba ang mga ito. Puwedeng humantong sa hindi kinakailangang matataas na CPC ang patuloy na pagpapataas sa mga bid, habang ang patuloy na mga pagpapababa naman ay puwedeng masyadong magpababa sa iyong trapiko.

Gumamit ng sapat na data para makapagpasya ka nang mahusay

  • Para matiyak na nagagawa ang mga pagbabago batay sa sapat na data, inirerekomenda naming gumamit ng timeframe na sapat ang haba o magdagdag ng karagdagang kinakailangan gaya ng "mga impression > X" sa iyong panuntunan.

I-preview

  • I-preview ang iyong mga panuntunan bago i-save ang mga ito para maunawaan mo kung paano makakaapekto ang mga ito sa iyong mga campaign. Depende sa iyong mga kinakailangan at setting, puwedeng gumagawa ka ng mga kapansin-pansing pagbabago sa isang malaking bahagi ng iyong account, kaya mahalagang mag-double check.

Maging alisto

  • Subukang magpatupad ng panuntunan gamit ang dalas na "isang beses" para masubaybayan ang aktwal na epekto. Kapag kumportable ka na sa kung paano tumatakbo ang iyong mga panuntunan, puwede mong itakda ang mga ito na tumakbo sa umuulit na iskedyul (halimbawa, araw-araw o linggo-linggo).

Mag-configure ng mga panuntunang naaangkop sa iyong negosyo

  • Tandaan ang mga trend sa loob ng araw at linggo (halimbawa, puwedeng magkaiba ang trapiko sa mga abalang oras o tuwing Lunes hanggang Biyernes, at ang trapiko sa mga hindi abalang oras o tuwing Sabado at Linggo). Tandaan din kung gaano ka kalayo sa iyong mga layunin kapag nagtatakda ng mga laki ng mga pagbabago (halimbawa, mga unti-unting 5% dagdag kapag mas malapit ka sa iyong layunin at mga malakihang 20% dagdag naman kung hindi). Matutugunan ang lahat ng isyung ito sa pamamagitan ng paggamit ng maraming panuntunan kasama ng iba pa.

Maging matalino kapag nag-iiskedyul ng 2 panuntunan na nakakaapekto sa parehong mga item

  • Ano ang mangyayari kung mayroon kang 2 panuntunan na nakakaapekto sa parehong mga item na nakaiskedyul na tumakbo nang sabay? Hindi kaya ng mga panuntunan na bigyang-priyoridad ang sarili nila, kaya kahit na may 2 kang panuntunang nakatakdang magsagawa ng magkakasabay na pagbabago sa parehong mga entity, tatakbo ang parehong panuntunan at gagawin ng mga ito ang mga tinukoy na pagbabago sa lahat ng entity. Inirerekomenda namin na huwag kang mag-iskedyul ng maraming panuntunan nang sabay-sabay kung maaapektuhan ng mga ito ang parehong hanay ng data. Sa halip, kung gusto mong magkaroon ng 2 o higit pang panuntunan na magsasagawa ng mga pagbabago sa iisang bahagi ng iyong campaign, iminumungkahi naming pumili ka ng magkakaibang oras ng araw kung kailan tatakbo ang mga panuntunan.

Kung magkakasabay na nakaiskedyul ang maraming panuntunan sa parehong mga entity, gagawin ng aming system ang lahat ng makakaya nito para patakbuhin ang lahat ng ito, pero puwede itong magresulta sa ilang error dahil sa pagtatangkang gumawa ng magkakasalungat na pagbabago nang sabay-sabay. Ang pagtatakda ng iba't ibang oras sa iyong mga panuntunan ay hindi lang makakatulong na maiwasan ang mga error na ito, magiging paraan din ito na mabigyan mo ng priyoridad ang iyong mga panuntunan, para ang pinakaunang nakaiskedyul ang unang tatakbo.

Mga tip para sa mga panuntunang nakakaapekto sa mga bid sa keyword

Puwedeng maging kumplikado ang pag-set up ng mga nauulit na panuntunan sa pag-bid na gumagana sa kabuuan ng mga account o campaign. Kung naaangkop ang mga ito sa iyong mga pangangailangan, puwede mong subukan ang awtomatikong pag-bid at Conversion Optimizer para matulungan kang pamahalaan ang iyong mga bid at badyet. Narito ang ilang tip para tulungan kang i-configure ang mga naka-automate na panuntunang bumabago sa mga bid sa keyword at tumatakbo nang regular.

Pagbabago ng mga bid batay sa data ng conversion

  • Ang pagsukat sa conversion ay mas mahabang proseso kumpara sa pagsukat sa pag-click o impression. Puwedeng mangyari ang isang conversion maraming araw pagkatapos ng isang pag-click, at itinatala lang ito kapag nangyari ito sa loob ng napili mong palugit ng conversion. Mas madalang ding magkaroon ng mga conversion kaysa sa mga pag-click o impression. Kung gagawa ka ng anumang panuntunan batay sa mga conversion, inirerekomenda naming gumamit ka ng mas mahahabang hanay ng panahon ng "gumagamit ng data mula" para makuha nang maayos ang iyong mga conversion.

Pagbabago ng mga bid batay sa clickthrough rate (CTR)

  • Nakadepende ang CTR ng iyong ad sa posisyon nito sa pahina. Kung gagawa ka ng panuntunan na nagpapababa sa iyong bid kung mababa ang CTR, puwede itong magdulot ng negatibong epekto kung saan lalo pang bababa ang mga ad sa page at bababa ang iyong CTR nang naaayon.

Magdagdag ng mga naka-automate na panuntunan para sa mga Performance Max campaign

Tandaan: Ang mga tagubilin sa ibaba ay bahagi ng bagong disenyo para sa experience ng user sa Google Ads. Para gamitin ang dating disenyo, i-click ang icon ng "Hitsura," at piliin ang Gamitin ang dating disenyo. Kung ginagamit mo ang dating bersyon ng Google Ads, suriin ang Quick reference na mapa o gamitin ang Search bar sa panel ng navigation sa itaas ng Google Ads para makita ang page na hinahanap mo.

Sa pamamagitan ng tab na Mga grupo ng asset

  1. Sa iyong Google Ads account, pumili ng Performance Max campaign.
  2. I-click ang icon ng Mga Campaign Campaigns Icon.
  3. I-click ang drop down na Mga Campaign sa menu ng seksyon.
  4. I-click ang Mga grupo ng asset.
  5. Sa page na “Mga grupo ng asset,” i-click ang icon ng talahanayan Image of table icon.
  6. Pumili ng kahit man lang isang grupo ng asset at i-click ang I-edit sa menu sa itaas ng screen.
  7. I-click ang Gumawa ng naka-automate na panuntunan.
  8. Punan ang nauugnay na impormason sa slideout drawer, kasama ang Pangalan, May-ari, Pagkilos, I-apply sa (mga napiling grupo ng asset), Mga Kundisyon, Dalas at mga resulta sa Email.
  9. I-click ang I-save ang panuntunan.

Sa pamamagitan ng mga maramihang pagkilos

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang Tools icon Tools Icon.
  2. I-click ang drop down na Mga maramihang pagkilos sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Mga Panuntunan.
  4. I-click ang plus button at piliin ang + Mga panuntunan ng grupo ng asset.
  5. Ilagay ang lahat ng kinakailangang detalye at i-click ang I-save ang panuntunan.

Magdagdag ng mga naka-automate na panuntunan para sa mga App campaign

Tandaan: Ang mga tagubilin sa ibaba ay bahagi ng bagong disenyo para sa experience ng user sa Google Ads. Para gamitin ang dating disenyo, i-click ang icon ng "Hitsura," at piliin ang Gamitin ang dating disenyo. Kung ginagamit mo ang dating bersyon ng Google Ads, suriin ang Quick reference na mapa o gamitin ang Search bar sa panel ng navigation sa itaas ng Google Ads para makita ang page na hinahanap mo.

Sa pamamagitan ng tab na Mga ad group

  1. Sa iyong Google Ads account, pumili ng App campaign.
  2. I-click ang icon ng Mga Campaign Campaigns Icon.
  3. I-click ang drop down na Mga Campaign sa menu ng seksyon.
  4. I-click ang Mga ad group.
  5. Pumili ng kahit isa lang na Ad group at i-click ang I-edit sa itaas ng talahanayan.
  6. Piliin ang Gumawa ng naka-automate na panuntunan sa drop-down na menu.
  7. Punan ang nauugnay na impormasyon kabilang ang “Pangalan,” “Pagkilos (Ilapat sa, Mga Kundisyon, Pagkilos),” “Dalas,” at “Mga resulta sa email.”
  8. I-click ang I-save ang panuntunan.

Tandaan: Kapag gumawa ka ng naka-automate na panuntunan sa Ad group, mga App campaign para sa engagement (ACe) lang ang subtype ng app campaign na sumusuporta sa “Baguhin ang mga bid sa ad group” sa drop-down na menu sa “Pagkilos.”

Kung ang subtype ng iyong campaign ay mga App campaign para sa mga pag-install (ACi) o mga App campaign para sa pre-registration (ACPre), at sinusubukan mong magtakda ng partikular na bid o baguhin ang bid ayon sa partikular na porsyento, gagana ang naka-automate na panuntunan mo pero posibleng ganito ang magiging mga resulta nito:

  • Walang pagbabago
  • Natapos nang may mga error

Sa pamamagitan ng mga maramihang pagkilos

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang Tools icon Tools Icon.
  2. I-click ang drop down na Mga maramihang pagkilos sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Mga Panuntunan.
  4. I-click ang plus button at piliin ang + Mga panuntunan ng ad group.
  5. Punan ang nauugnay na impormasyon kabilang ang “Pangalan,” “Pagkilos (Ilapat sa, Mga Kundisyon, Pagkilos),” “Dalas,” at “Mga resulta sa email.”
  6. I-click ang I-save ang panuntunan.

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17568548523546337725
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false