Kung paano gumagana ang Google Ad Manager sa Google Ads

Ang Google Ad Manager ay isang real-time na marketplace na nakikipag-partner sa Google Display Network para sa pagbili at pagbebenta ng pag-advertise. Kinakatawan nito ang isa pang market para makapag-bid ang mga advertiser sa display advertising sa buong Internet. Kapag mayroon kang campaign na nagta-target sa Display Network, awtomatiko kang may access sa mga site ng publisher sa Ad Manager na sumusunod sa mga alituntunin ng Google Ads.

Kung manghuhuli ka ng tutubi sa kasagsagan ng tag-init, kapag mas malaki ang iyong panghuli ng tutubi, mas maraming tutubi ang mahuhuli mo. Ganito rin ang sitwasyon sa iyong mga customer: kung gagamit ka ng mas malawak na net, puwede kang makakuha ng mga customer mula sa mga bahagi ng web na may mataas na trapiko na dating hindi available sa iyo. Kaya naman ang pagpapakita ng mga ad mo sa mga site ng publisher sa Ad Manager ay makakatulong sa iyong magkaroon ng mga bagong customer na hindi mo naaabot noon.

Ganito ito gumagana:

  • Hangga't tina-target mo ang Display Network para sa iyong campaign, puwedeng lumabas ang mga ad mo sa mga site ng publisher sa Ad Manager, bukod pa sa mga available na site sa pamamagitan ng Google AdSense .
  • Bagama't lumalawak ang iyong potensyal na abot sa mga karagdagang site ng publisher, hindi magbabago ang pag-target, pag-uulat, at iba pang proseso sa account ng Google Ads na pamilyar na sa iyo.
  • Dapat sumunod sa mga patakaran ng programa ng Google AdSense ang mga publisher sa Ad Manager na gustong magpakita ng mga Google ad.

Tungkol sa proseso ng auction

Nagsasagawa ang Google ng ilang hakbang para matiyak na pare-pareho ang proseso ng auction para patas na maihambing ang mga bid sa Google Ads sa mga bid mula sa iba pang ad network.

  • Kapag nag-alok ng imbentaryo ang isang publisher sa Ad Manager, nagpapagana ang Google Ads ng sarili nitong auction at binubuo nito ang pinakamahusay na unit ng ad, gaya ng ad na may buong slot o isang grupo ng mga text ad. Pagkatapos, kakalkulahin ng Google Ads ang naaangkop na bid sa Ad Manager para sa unit ng ad sa pamamagitan ng pagkuha sa mga bid ng mga ad at paglalapat sa bahagi ng kita ng Google Ads.
  • Ikinukumpara ang bid na ito sa iba pang bid ng advertiser sa Ad Manager at sa anumang kontrol na itinakda ng mga publisher, tulad ng mga minimum na CPM. Binabalewala ang mga bid na hindi nakakatugon sa mga kontrol na ito ng publisher.
  • Pagkatapos, kukunin ng Ad Manager ang lahat ng kwalipikadong bid at magpapagana ito ng auction. Kung mananalo ang Google Ads sa auction, magbabayad ang (mga) advertiser sa nanalong unit ng ad ng hindi lalampas sa kinakailangan para magkaroon ng mas mataas na rank kaysa sa susunod na advertiser, batay sa CPC, kapag may user na nag-click sa ad o kumumpleto ng isa pang valid na event kaugnay ng ad. Ibabayad sa publisher kung alin ang mas mataas, ang pinakamataas na halaga ng net bid sa auction sa Ad Manager o ang minimum na CPM.

Kapag inalisan ng pagkakakilanlan ang isang unit ng ad, hindi puwedeng subukan ng advertiser (direkta man o sa pamamagitan ng isang third party) na tukuyin ang pagkakakilanlan ng publisher, ang pangalan ng site, o anumang iba pang nauugnay na impormasyong nagbibigay ng pagkakakilanlan sa pamamagitan ng anumang paraan, kahit na hindi sinasadyang tinutukoy ng mga ito ang nagbebenta.

Susunod na hakbang

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3339974371885796413
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false