I-edit ang iyong mga bid

Puwede mong i-edit ang iyong bid para sa isang buong ad group o para sa mga indibidwal na keyword. Ang pag-edit sa iyong mga bid batay sa performance ng mga campaign mo ay puwedeng makaimpluwensya sa dami ng trapikong natatanggap ng iyong mga ad, at sa return-on-investment (ROI) na nakukuha mo.

Ipinapaliwanag ng artikulong ito kung paano i-edit ang iyong mga cost-per-click (CPC) na bid at ang mga cost-per-thousand viewable impressions (viewable CPM) na bid mo.

Sa page na ito


Mga Tagubilin

Tandaan: Ang mga tagubilin sa ibaba ay bahagi ng bagong disenyo para sa experience ng user sa Google Ads. Para gamitin ang dating disenyo, i-click ang icon ng "Hitsura," at piliin ang Gamitin ang dating disenyo. Kung ginagamit mo ang dating bersyon ng Google Ads, suriin ang Quick reference na mapa o gamitin ang Search bar sa panel ng navigation sa itaas ng Google Ads para makita ang page na hinahanap mo.
I-edit ang default na bid sa ad group para sa isang ad group
  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Mga Campaign Campaigns Icon.
  2. I-click ang drop down na menu na Mga Campaign , pagkatapos ay i-click ang Mga ad group.
  3. Piliin ang naangkop na ad group mula sa listahan.
  4. I-click ang button na lapis I-edit sa column na “Default na max. CPC na bid.”
  5. Maglagay ng bagong halaga.
  6. I-click ang I-save.

Ipinapakita ng animation na ito kung paano i-edit ang iyong mga max. CPC na bid para sa iisang ad group sa Google Ads account mo.

I-edit ang iyong bid para sa maraming ad group
  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Mga Campaign Campaigns Icon.
  2. I-click ang drop down na menu na Mga Campaign , pagkatapos ay i-click ang Mga ad group.
  3. Piliin ang mga ad group na gusto mong i-edit sa pamamagitan ng pagmamarka sa checkbox sa kaliwa.
  4. I-click ang drop down na I-edit. Puwede mong piliing baguhin ang iyong strategy sa pag-bid, mga template ng pagsubaybay, o mga custom parameter.

Ipinapakita ng animation na ito kung paano i-edit ang iyong mga max. CPC na bid para sa maraming ad group sa Google Ads account mo.

Paano i-edit ang iyong bid para sa mga indibidwal na keyword o iba pang paraan ng pag-target

Kung gumagamit ang iyong mga campaign ng manual na pag-bid, puwede kang magtakda ng sarili mong halaga ng maximum CPC na bid. Gagamitin ito sa halip na ang default na bid sa ad group sa tuwing mati-trigger ng isang partikular na keyword, placement, o iba pang paraan ng pag-target ang iyong ad.

Tandaan na para makapagtakda ng max. CPC para sa isang partikular na paraan ng pag-target, itinakda mo dapat ang iyong custom na bid sa paraan ng pag-target ding iyon. Halimbawa, kung gusto mong magtakda ng partikular na bid para sa website na example.com, kailangan mong itakda ang iyong mga custom na bid sa mga placement. Alamin kung Paano i-enable ang mga bid sa ad group, custom na bid, at adjustment ng bid para sa iyong mga ad group.

Tip: Kung gumagamit ka ng naka-automate na strategy sa pag-bid maliban sa Pinahusay na CPC, hindi mo mae-edit ang iyong default na bid sa ad group.

Mag-edit ng mga indibidwal na bid sa keyword
  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Mga Campaign Campaigns Icon.
  2. I-click ang Mga audience, mga keyword, at content, pagkatapos ay i-click ang Mga keyword sa paghahanap.
  3. Piliin ang uri ng keyword, gaya ng mga keyword sa paghahanap o negatibong keyword.
  4. Ngayon, pumili ng isa o higit pang keyword na gusto mong baguhin ang bid.
  5. I-click ang drop down na I-edit, at piliin ang Baguhin ang mga max. CPC na bid.
  6. Sa bubukas na page, puwede kang magtakda ng bagong bid, puwede mong taasan o babaan ang iyong bid, at puwede mong taasan ang mga bid hanggang sa CPC para sa unang page o pinakaitaas ng page. Kung gusto mong gamitin ang default na bid sa ad group, hayaang blangko ang halaga.
  7. I-click ang Ilapat.
Ipinapakita ng animation na ito kung paano i-edit ang iyong mga max. CPC na bid para sa mga indibidwal na keyword sa Google Ads account mo.

Tip: Para ibalik sa default na bid sa ad group ang bid para sa isang indibidwal na keyword, placement, o iba pang mga paraan ng pag-target, i-click ang indibidwal na bid sa paraan ng pag-target at i-delete ang text, at hayaang blangko ang field.

Mag-edit ng mga bid para sa mga paraan ng pag-target
 
  1. Sa iyong Google Ads account, mula sa bar ng Mga View, piliin ang Mga Search o Display campaign
Tandaan: Kung mas gusto mong gamitin ang panel ng navigation sa kaliwa, i-click ang Baguhin ang view sa kaliwang bahagi sa itaas ng iyong Google Ads account.
  1. I-click ang icon ng Mga Campaign icon Campaigns Icon, pagkatapos ay i-click ang drop down na menu na Mga Campaign .
  2. I-click ang Mga Setting, pagkatapos ay i-click ang drop down na Mga karagdagang setting.
  3. PIliin ang Custom na bid at paraan ng URL.
  4. Pagpili ng paraan ng pag-target sa dropdown.
  5. I-click ang I-save.
  6. Piliin ang Pag-bid.
  7. Ilagay ang bago mong bid at i-click ang I-save.

Tip: Narito ang ilan pang ibang opsyon sa pag-bid na baka hindi mo alam:

  • Maaari kang magtakda ng mga pagsasaayos ng bid para sa mas mahusay na kontrol sa kung saan at kailan lalabas ang iyong ad. Magagamit ang mga ito para mag-bid para sa mga mobile device, lokasyon, araw, at oras sa paraang mas makakasabay sa kumpetisyon. Matuto pa Tungkol sa mga adjustment ng bid.
  • Nag-aalok din ang Google Ads ng mga naka-automate na strategy sa pag-bid na puwedeng magtakda ng mga CPC na bid para sa iyo. Matuto pa Tungkol sa naka-automate na pag-bid.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
9608681529208421729
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false