Pag-unawa sa mga basic na kaalaman sa pag-bid

Nagbibigay sa iyo ang Google Ads ng ilang paraan para mag-bid para sa mga ad mo, depende sa kung ano ang pinakamahalaga sa iyo at sa negosyo mo. Tumutuon ang karamihan sa mga advertiser sa mga pag-click, impression, conversion, o panonood (para sa mga video ad).

Ngayong nag-a-advertise ka na sa Google Ads, malamang na mayroon kang malinaw na layunin na iniisip para sa iyong mga ad. Kung nagbebenta ka ng kape, maaaring gusto mong mas maraming tao ang bumisita sa iyong shop. Kung nagpapatakbo ka ng hiking club, posibleng nilalayon mong makapagpa-sign up ng mas maraming tao para sa iyong newsletter. At iba pa.

Kapag alam mo kung ano ang gusto mong gawin ng mga ad mo, makakatulong ito sa iyong magpasya sa kung paano mag-bid.

Tip

Nagpapatakbo ang Google Ads ng isang auction sa bawat pagkakataong mayroon itong available na espasyo para sa ad -- sa isang resulta ng paghahanap, o sa isang blog, site ng balita, o iba pang page. Nagpapasya ang bawat auction kung aling mga ad ang ipapakita sa sandaling iyon sa espasyong iyon. Inilalagay ka ng iyong bid sa auction.

Maaari kang tumuon sa iba't ibang mga bagay-bagay kapag nag-bid ka: mga pag-click, impression, conversion, panonood o pakikipag-ugnayan, depende sa uri ng iyong campaign. Alin ang pipiliin mo? Tingnan natin nang mas malapitan ang mga ito.

Tumuon sa mga pag-click (para sa mga Search at Display ad)

Kung ang iyong pangunahing layunin ay ang mabisita ng mga tao ang website mo, isang mahusay na simula ang paghimok ng mga pag-click. Sa paggamit ng pag-bid na cost-per-click (CPC), magbabayad ka lang kapag may aktwal na nag-click sa iyong ad at pumunta sa site mo.

Halimbawa

Kung nagpapatakbo ka ng hiking club sa Pulag, posibleng gusto mong mag-bid nang higit pa para sa mga keyword na eksakto tulad ng "hiking sa Pulag" at ng ibang halaga para sa mga mas malawak na keyword tulad ng "mga mapa para sa hiking."

Pagtuunan ang mga impression

Kung Search Network lang ang tina-target ng iyong campaign at ang pangunahin mong layunin ay ang mapataas ang visibility ng brand mo, pag-isipang gamitin ang Target na Bahagi ng Impression. Sa diskarte sa pag-bid na ito, awtomatikong itatakda ng Google Ads ang mga bid mo para makatulong sa pag-abot sa iyong layunin sa Bahagi ng Impression. Halimbawa, kung pipiliin mo ang target na Bahagi ng Impression na 65% sa pinakataas ng page, awtomatikong itatakda ng Google Ads ang iyong mga bid para makatulong na ipakita ang mga ad mo sa pinakataas ng page nang 65% kasinggdalas ng kabuuang posibleng dami ng beses na puwedeng lumabas ang mga ito.

Kung Display Network lang ang tina-target ng iyong campaign, sa halip na magbayad ayon sa pag-click, puwede kang magbayad ayon sa dami ng beses na lumabas ang ad mo sa paraang matitingnan ito. Tinatawag iyon na pag-bid na cost-per-thousand na mga natitingnang impression (cost-per-thousand viewable impression o vCPM), dahil nagbabayad ka sa bawat 1,000 beses na lumalabas ang iyong ad at natitingnan. Kung interesado kang ipakita ang iyong pangalan o logo sa maraming tao, isa itong magaling na opsyon. Matutunan kung paano sinusukat bilang natitingnan ang mga ad.

Nagbibigay-daan sa iyo ang pag-bid na viewable CPM, tulad ng manual na pag-bid na CPC, na magtakda ng mga bid sa antas ng ad group, o para sa mga indibidwal na placement.

Tumuon sa mga conversion (para sa mga Search at Display ad)

Gamit ang advanced na paraan ng pag-bid na ito, sinasabi mo sa Google ang halagang handa mong bayaran para sa isang conversion, o cost per action (CPA). Ang conversion (minsan ay tinatawag na pagkuha) ay isang partikular na pagkilos na gusto mong mangyari sa iyong website. Kadalasan ay isa itong benta, pero puwede itong maging pag-sign up sa email o iba pang pagkilos. Magbabayad ka para sa bawat engaged na panonood at pag-click sa mga Display ad, pero awtomatikong itatakda ng Google Ads ang mga bid mo para sa iyo para subukang makakuha ng pinakamaraming conversion na posible sa tinukoy mong cost-per-action.

Para magamit ang CPA na pag-bid, na-on mo dapat ang pagsubaybay sa conversion, kasama ang iba pa, kaya naaangkop ang CPA na pag-bid sa mga intermediate at advanced na user ng Google Ads.

Tumuon sa mga panonood (para sa mga video ad lang)

Kung ang iyong pangunahing layunin ay ang suriin kung gaano nakikipag-ugnayan ang mga manonood sa content ng video mo, kung saan nila piniling panoorin ang iyong mga video, at kapag dumalang ang kanilang panonood ng content mo, gagamitin mo ang cost-per-view (CPV) na pag-bid. Sa CPV na bid, magbabayad ka para sa mga panonood ng video at iba pang pakikipag-ugnayan ng video tulad ng mga pag-click sa overlay ng mga call-to-action (CTA), card, at kasamang banner.

Upang itakda ang isang CPV na bid, ilalagay mo ang pinakamataas na presyong gusto mong bayaran para sa isang panonood habang sine-set up ang iyong TrueView na video campaign. Ang iyong bid ay tinatawag na iyong maximum na CPV na bid o "max CPV." Nalalapat ang bid na ito sa antas ng campaign, pero puwede ka ring mag-set up ng CPV na bid sa bawat format ng ad.

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
8929215931701527564
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false