Pahusayin ang iyong mga keyword para sa Search Network

Panahon na para tukuyin ang mga keyword na hindi mahusay ang performance at gawing mas epektibo ang mga ito para sa iyo. Gugustuhin mong gawing mas may kaugnayan ang iyong mga keyword upang makatulong na pataasin ang Mga Marka ng Kalidad ng mga iyon, baguhin ang mga uri ng pagtutugma para sa mga keyword na hindi nakakatulong sa iyong maabot ang iyong mga layunin sa pag-a-advertise, o kaya ay i-delete ang mga duplicate na keyword sa iyong account. Ipinapakita sa iyo ng artikulong ito kung paano hanapin ang mga keyword na hindi maganda ang performance at makakatulong ito sa iyong maunawaan kung paano aayusin ang mga iyon.

Bago ka magsimula

Kapag alam mo na kung paano maghanap ng data para sa iyong mga keyword, handa ka nang pahusayin ang mga ito. Isang magandang paraan para magsimula ay sa pamamagitan ng paghahanap at pag-aalis ng mga duplicate na keyword.

Gawing mas may kaugnayan ang iyong mga keyword

Makakabuti sa iyong tiyaking may kaugnayan ang mga keyword mo sa iyong produkto o serbisyo. Sa paraang iyon, mas malamang na iki-click ng mga customer ang iyong ad habang naghahanap sila ng mga partikular na termino, na makatutulong na pataasin ang iyong clickthrough rate (CTR) at Marka ng Kalidad. Isipin mo: kung nagpapatakbo ka ng negosyo sa pagwa-wax ng sahig, malamang na hindi mo gustong ipakita ang iyong ad sa mga taong naghahanap ng mga salon para sa pagwa-wax ng buhok. Narito ang ilang paraang magagamit mo para gawing mas may kaugnayan ang iyong mga keyword:

  • Subukang palitan ng mga termino o parirala ang keyword na may isang salita. Gumamit ng mga keyword na may dalawa o tatlong salta na malamang na gamitin ng mga potensyal na customer para ilarawan ang iyong produkto o serbisyo. Sa ilang sitwasyon, ang ibig sabihin nito ay mas mainam para sa iyong gawing mas partikular ang mga keyword na masyadong pangkalahatan.
    Pangkalahatang keyword Partikular na keyword
    pagwa-wax pagwa-wax ng kahoy na sahig
    mga sahig mga serbisyo sa pagwa-wax ng sahig
    paglilinis mga serbisyo sa paglilinis ng sahig
  • Tiyaking may kaugnayan ang iyong mga keyword sa mga ad sa mga ad group mo. Ipagpalagay natin na ang mga ad sa iyong ad group ay tungkol sa mga serbisyong partikular mong ibinibigay para sa pagwa-wax ng pine wood na sahig. Baka mainam para sa iyong isama sa mga keyword sa ad group na iyon ang terminong pine wood. Puwede mong subukang gumamit ng paglalagay ng keyword para i-update ang iyong ad text sa dynamic na paraan para isama ang isa sa mga keyword mo na tumutugma sa mga termino para sa paghahanap ng isang customer.
  • Pagpangkatin ang mga keyword mo ayon sa mga tema batay sa iyong produkto o serbisyo. At tiyaking tungkol sa mga tema ng iyong keyword ang iyong mga ad. Sa ganoong paraan, makakapagpakita kami ng mga mas may kaugnayang ad sa mga potensyal na customer kapag naghahanap sila ng partikular na produkto o serbisyo. Puwede mo ring tingnan ang layout ng website ng iyong kumpanya para magkaroon ng ideya tungkol sa pagpapangkat ng mga keyword mo.

Tingnan kung aling mga termino para sa paghahanap ang nag-trigger sa iyong mga ad

Kapag nakaipon na ng mga impression at pag-click ang iyong mga keyword, tingnan kung ano ang aktwal na hinanap ng mga taong nakakita sa mga ad mo sa ulat ng "mga termino para sa paghahanap." Matuto pa tungkol sa ulat ng mga termino para sa paghahanap.

Narito ang ilang tip sa paggamit sa impormasyon sa ulat:

  • Tumingin ng mga pagkakataon sa pag-optimize. Puwedeng ma-trigger ang iyong mga ad ng mga terminong hindi mo naisip. Pag-isipang magdagdag o mag-update ng copy ng ad at content ng landing page para mas makahimok sa mga paghahanap na ito.
  • Kumuha ng mga ideya sa negatibong keyword. Kung nati-trigger ang iyong mga ad sa mga termino para sa paghahanap na ayaw mo, idagdag ang mga terminong iyon bilang mga negatibong keyword.

Gumamit ng mga filter para pahusayin ang iyong mga keyword

Ang mga filter ay mabilis na paraan para mapagbukod-bukod ang data ng performance ng iyong keyword at matukoy ang mga keyword na hindi mahusay ang performance. Maaari mong i-filter ang data ng iyong keyword ayon sa Status upang makita kung aling mga keyword ang may mababang bilang ng paghahanap, o maaaring ang mga hindi nagpapakita ng iyong mga ad dahil hindi naaprubahan ang mga ito. Pagkatapos, maaari mong baguhin ang iyong keyword na may mababang dami ng paghahanap at gawin itong mas pangkalahatan upang makatulong na pataasin ang iyong trapiko. O kaya, sundin ang aming mga patakaran sa pag-advertise para ayusin ang anumang hindi naaprubahang keyword. Narito ang ilan pang filter na magagamit mo para makita ang mga keyword na hindi mahusay ang performance:

  • Subukang gamitin ang filter na Marka ng Kalidad upang makita kung aling mga keyword ang may mababang Marka ng Kalidad. Halimbawa, mapipili mong makita ang mga keyword na may Marka ng Kalidad na mas mababa kaysa sa 3. Pagkatapos, puwede kang gumawa ng mga pagbabago sa iyong mga keyword, halimbawa, puwede mong gawing mas may kaugnayan sa mga keyword mo ang iyong mga ad o landing page, para mapataas ang mga Marka ng Kalidad ng mga keyword mo.
  • I-filter ang iyong mga keyword ayon sa clickthrough rate (CTR) para malaman kung aling mga keyword ang nagbibigay sa iyo ng maraming impression, pero kaunting pag-click. Halimbawa, puwede kang mag-filter ng mga keyword na may clickthrough rate na mas mababa kaysa sa 1%, at pagkatapos ay gumawa ng mga pagbabago sa mga keyword na iyon para maging mas may kaugnayan ang mga ito sa iyong mga ad.
  • I-filter ang mga keyword mo para malaman kung alin ang mas mababa kaysa sa iyong tantyang bid sa unang page. Pagkatapos, maaari mong taasan ang mga cost-per-click (CPC) na bid para sa keyword na hindi nagpapakita ng mga ad sa unang page ng mga resulta ng paghahanap sa Google batay sa iyong tinantyang bid sa unang page. Subukang gumamit ng mga naka-automate na panuntunan para awtomatikong taasan ang mga bid mo sa keyword kapag mas mababa ang mga iyon kaysa sa iyong tantyang bid sa unang page.

Pinakamahuhusay na kagawian: Icon na check mark Pinakamahuhusay na kagawian

Basahin ang gabay na Pinakamahuhusay na Kagawian sa Google tungkol sa epektibong pamamahala sa iyong mga keyword sa Google Ads. Kabilang sa mga paksa ang mga sumusunod:

  • Pamahalaan ang mga uri ng pagtutugma para sa paglago at kontrol
  • Palawakin ang abot ng mga kasalukuyang keyword
  • Pinuhin ang iyong trapiko gamit ang mga negatibong keyword

Pagpili sa Mga Tamang Keyword: Pinakamahuhusay na Kagawian sa Google

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
10658593358007044820
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false