Para sa bawat campaign ng ad na gaggawin mo, puwede mong kontrolin kung magkano ang handa mong gastusin sa mga pag-click at conversion, sa aling mga network at heograpikal na lokasyon mo gustong ipakita ang iyong mga ad, at higit pa.
Ipinapaliwanag ng artikulong ito ang 2 iba't ibang paraan para i-edit ang mga setting ng iyong campaign.
Mga Tagubilin
I-edit ang mga setting ng iyong campaign mula sa kaliwang menu ng page
- Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Mga Campaign
.
- I-click ang drop down na Mga Campaign sa menu ng seksyon, pagkatapos ay i-click ang Mga Campaign.
- I-click ang tab na "Mga Setting."
- Puwede mong baguhin ang mga setting ng iyong campaign sa 2 paraan:
- Para baguhin ang parehong setting para sa maraming campaign, lagyan ng check ang kahon ng mga campaign na gusto mong i-edit. I-click ang I-edit para lumabas ang dropdown, pagkatapos ay piliin kung aling setting ang gusto mong i-adjust.
- Para baguhin ang isang setting sa isang indibidwal na campaign, mag-hover sa field ng setting ng campaign na gusto mong i-edit. I-click ang icon na lapis
, pagkatapos ay i-adjust ang iyong mga setting.
- I-click ang Ilapat.
Direktang i-edit ang mga setting ng iyong campaign sa talahanayan ng mga campaign
- Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Mga Campaign
.
- I-click ang drop down na Mga Campaign sa menu ng seksyon.
- Mag-click sa tab na Mga Setting.
- Puwede mong baguhin ang mga setting ng iyong campaign sa 2 paraan:
- Para baguhin ang parehong setting para sa maraming campaign, lagyan ng check ang kahon ng mga campaign na gusto mong i-edit. I-click ang opsyong I-edit para lumabas ang dropdown. Pagkatapos, piliin ang setting na gusto mong i-adjust.
- Para baguhin ang isang setting sa isang indibidwal na campaign, mag-hover sa pangalan ng campaign at i-click ang icon na lapis
para i-adjust ang iyong mga setting. Iwasang gumawa ng mga pagbabago sa mga setting ng campaign mo nang madalas, dahil puwede itong makaapekto sa performance habang natututo ulit at nag-o-optimize ang system para sa mga pagbabago.
- I-click ang Ilapat.