Pinuhin ang iyong pag-target sa lokasyon

Nagbibigay-daan sa iyo ang pag-target sa lokasyon ng Google Ads na piliin ang mga heograpikong lugar kung saan puwedeng lumabas ang mga ad mo, pero puwede rin itong gamitin bilang tool sa pag-optimize para makatulong na pataasin ang iyong return on investment (ROI).

Kapag naunawaan mo ang iyong performance ayon sa lokasyon, makakatulong ito sa iyong ilaan ang higit sa mga pagsisikap mo sa online na pag-advertise at badyet sa mga rehiyon kung saan pinakamatagumpay ang iyong negosyo.

Naglista kami ng ilang kapaki-pakinabang na tip sa ibaba para tulungan kang pinuhin ang iyong pag-target sa lokasyon.

Tandaan: Puwede lang i-target ang mga Hotel Ads campaign ayon sa bansa at teritoryo.

Tumingin ng performance ayon sa lokasyon

Puwede mong gamitin ang iyong data ng heograpikong lokasyon para kumpirmahing lumalabas ang mga ad mo sa ilang partikular na lokasyon, at para ihambing ang performance ng iyong mga ad sa iba't ibang lokasyon. Gamitin ang impormasyong ito para tukuyin ang mga lugar kung saan mo gustong mag-focus, at tingnan ang mga tip sa listahang ito para matulungan kang gawing mas epektibo ang iyong mga ad sa bawat lugar.

Halimbawa

May mga campaign kang nagta-target sa buong Japan, pero nasa ibang bansa ka. Sa pamamagitan ng pagtingin sa iyong data ng performance ayon sa heograpiya, makukumpirma mong nakakakuha ng mga impression ang iyong mga ad sa mga lungsod sa buong Japan. Gayundin, makikita mong mas mahusay ang performace ng iyong mga ad sa Tokyo at Kyoto, kaya magpapasya kang gumawa ng bagong diskarte sa pag-advertise na nagta-target sa mga lugar na iyon.

Magtalaga ng mas malaki o mas maliit na bahagi ng iyong badyet sa ilang partikular na lugar

Kung mas mahusay ang performance ng iyong campaign sa ilang partikular na lugar, puwede kang magpagana ng mga hiwalay na campaign na naka-target lang sa mas matatagumpay na lugar. Nagbibigay-daan ito sa iyong i-maximize ang mga ad impression sa mga lungsod na mataas ang performance. Gayundin, isaalang-alang ang paggawa ng hiwalay na campaign na nagta-target sa mga lugar sa labas ng iyong mga lungsod na may pinakamahusay na performance. Puwede mong gamitin ang parehong mga keyword tulad ng sa iba mo pang campaign, pero magtakda ka ng mas mabababang bid sa keyword.

Halimbawa

Tina-target mo ang buong Pilipinas sa iyong ad campaign para sa kagamitan sa snorkeling, pero naibebenta mo ang karamihan sa iyong kagamitan sa snorkeling sa mga customer sa Palawan. Gagawa ka ng hiwalay na campaign na Palawan lang ang tina-target para madali mong makita ang performance ng iyong campaign sa lugar na iyon, at pagkatapos ay isaayos ang badyet mo ayon dito.

Magsulat ng ad text na namumukod-tangi sa ilang partikular na heograpikong lugar

I-highlight ang mga natatanging selling point ng iyong negosyo, gaya ng ilang partikular na produkto o serbisyo na mas malamang na makapukaw ng interes ng mga customer sa mga lugar na iyon. Puwede ka ring mag-alok ng mga pag-promote na available lang sa ilang partikular na lugar.

Halimbawa

Nalaman mong sa lungsod ng Baguio may pinakaraming benta ng mga pulang jacket ang iyong online na tindahan ng damit. Para makahimok ng mga customer sa Baguio, gagawa ka ng ad na naka-target sa mga customer sa Baguio na nagpo-promote ng iyong mga pulang jacket.

Gumamit ng mga landing page na partikular sa lokasyon

Kung mayroon kang iba't ibang landing page sa iyong website para sa bawat rehiyon kung saan ka nagnenegosyo, ipadala ang mga customer sa landing page na pinakanauugnay sa kanilang mga heograpikong lugar. Sa ganoong paraan, hindi nila kailangang maglaan ng panahon sa paghahanap ng impormasyong may kaugnayan sa kanila.

Halimbawa

Isa kang ahente ng real estate at ang iyong website ay may mga listahan para sa mga ibinebentang apartment sa Cubao. Kung naghahanap ang isang customer ng mga apartment sa Marikina, puwede mo silang ipadala sa iyong landing page ng mga apartment sa Marikina, sa halip na mga apartment sa Pasig.

Gumamit ng mga extension ng lokasyon para i-highlight ang address ng iyong negosyo

Kung mahalagang malaman ng iyong mga customer kung saan matatagpuan ang negosyo mo, makakatulong sa iyong magdagdag ng mga extension ng lokasyon sa mga ad mo. Mahusay na isinasama ng mga extension ng lokasyon ang iyong address ng negosyo at numero ng telepono sa text ad mo.

Kung nasa Pilipinas ang lahat ng negosyo sa iyong mga extension ng lokasyon, puwede kang mag-target ng radius sa paligid ng mga extension ng lokasyon mo para magpakita ng mga ad sa mga taong matatagpuan malapit sa iyong negosyo. Gamit ang mga bid multiplier, makakapagtakda ka rin ng magkakaibang bid para sa mga lugar na ito.

Halimbawa

Sabihin nating nagmamay-ari ka ng isang repair shop ng bisikleta sa Cebu. Gamit ang mga extension ng lokasyon, makikita ng isang customer na malapit sa tindahan mo na naghahanap ng mga repair shop ng bisikleta ang iyong ad, kasama ang buong address at numero ng telepono mo, at didiretso siya sa iyo dala ang kanyang flat na gulong.

Ibukod ang mga rehiyong hindi mahusay ang performance

Kung palagi kang nakakakuha ng mga pag-click na may mababang rate ng conversion mula sa ilang partikular na rehiyon, o kaya ay mga pag-click mula sa mga rehiyon kung saan hindi mo gustong lumabas ang iyong mga ad, isaalang-alang ang pagbubukod ng mga rehiyon na ito sa pag-target mo.

Halimbawa

Kung tina-target mo ang buong Pilipinas, pero nalaman mong hindi nagko-convert nang maayos para sa iyong negosyo ang mga pag-click mula sa Leyte, puwede mong ibukod ang Leyte para maiwasan ang paglabas ng iyong mga ad para sa probinsyang iyon.

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Mag-sign in para sa mga opsyon sa karagdagang suporta para mabilis na malutas ang iyong isyu

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
Maghanap sa Help Center
true
73067
false