Paggamit ng mga script para magsagawa ng mga naka-automate na pagbabago

Nagbibigay-daan sa iyo ang mga Google Ads script na gumawa ng mga naka-automate na pagbabago sa Google Ads account mo. Gamit ang JavaScript code, magagawa mong baguhin ang mga bid, mag-pause ng mga ad group, at magdagdag ng mga keyword nang direkta sa pamamagitan ng mga nakasulat na script sa halip na manual sa loob ng iyong Google Ads account.

Maaaring maging mahusay para sa iyo ang mga script kung namamahala ka ng malalaking campaign at may kakayahan ka o ang isang katrabaho sa paggawa ng script. Magagamit mo ang mga kakayahang ito upang gumawa ng mga malawakang pagbabago sa buo mong account, na makakatulong sa iyong makatipid ng oras. Magagamit din ang mga script upang magbago ng maraming account sa pamamagitan ng isang manager account.

Kapag nakagawa ka na ng script, puwede mong pamahalaan ang iyong mga script at suriin ang mga pagkilos na ginawa ng mga script sa account mo.

Tandaan: Kung mayroon kang manager account sa nangungunang antas na maraming sub-manager account na may iba't ibang account ng kliyente, ang account lang na iyon, at hindi ang anumang sub-manager o account ng kliyente, ang makakakita sa maramihang pagkilos na pagmamay-ari ng manager sa nangungunang account.

Paano gumagana ang mga script

Nagbibigay-daan sa iyo ang mga Google Ads script na i-automate ang mga pagkilos sa Google Ads account mo sa pamamagitan ng paglalagay ng JavaScript code sa iyong account. Maaari kang gumamit ng mga script para gumawa, mag-edit o mag-alis ng mga item sa iyong account, na nakakatipid sa oras mo at nagbibigay-daan sa iyong mas madaling mapamahalaan ang account mo.

Narito ang ilang paraan kung paano mo magagamit ang mga script:

  • Gumamit ng data mula sa mga external na pinagmulan upang magsimula ng mga pagbabago. Halimbawa, gumamit ng external na data ng conversion upang gumawa ng mga pagbabago sa bid, o ng externana data sa imbentaryo upang mag-pause/mag-unpause ng mga keyword habang umuunti ang imbentaryo. O kaya, basahin ang data at mga istatistika ng iyong campaign upang makagawa ng mga lubos na naka-customize na ulat, ilagay ang mga ito sa isang spreadsheet at ilagay ito sa graph sa paglipas ng panahon.
  • Gumawa ng pagkilos sa maraming elemento ng iyong account. Halimbawa, kung napupunta sa isang keyword ang iyong gastusin para sa isang araw, magagawa mong sabay na i-pause ang keyword at dagdagan ang badyet.
  • Magsagawa ng mga pagbabago sa lahat ng item sa iyong account. Halimbawa, pataasin nang 30% ang mga CPC na bid para sa lahat ng keyword na nakabuo ng mahigit sa 1000 impression noong nakaraang linggo.
  • Kung namamahala ka ng maraming account sa pamamagitan ng isang manager account, maaari kang magpatakbo ng isang script sa maraming child account upang mag-optimize ng mga bid, gumawa ng mga ulat sa maraming account at sumubaybay para sa mga potensyal na problema (tulad ng pag-aayos sa mga sirang link o hindi magkakatugmang negatibong keyword).

Maaaring maging mainam para sa iyo ang mga script kung may kakilala ka o katrabahong nakakagamit ng JavaScript, at mayroon kang malaking account na gusto mong gawan ng mga pagbabago sa naka-automate na paraan. Tandaan na hindi puwedeng i-undo ang mga pagbabago sa iyong mga script.

Kung wala kang kakayahang gumamit ng script, o mas gusto mo ng mas may takdang paraan ng paggawa at pag-iiskedyul ng mga pagbabago, puwede mong pag-isipang gumamit ng mga naka-automate na panuntunan.

Halimbawa

Binago kamakailan ni Liana ang disenyo ng kanyang website ng bulaklak, at nagdagdag siya ng astig na bagong landing page na pupukaw sa lahat ng kanyang customer na mahumaling sa tulip. Sa ngayon, tinukoy niya ang isang final URL ng keyword para sa mga keyword na may kaugnayan sa tulip sa kanyang mga campaign para tumuro ito sa http://www.example.com/tulips/BoringOldPage. Puwede siyang gumamit ng script para baguhin ang lahat ng final URL para sa kanyang mga keyword na may kaugnayan sa tulip sa lahat ng campaign sa kanyang account para http://www.example.com/tulips/FancyNewPage na lang ang gamitin ng mga ito.

Paggawa o pagpapatakbo ng pre-made na script

Ang pinakamadaling paraan para makapagsimula sa mga script ay ang mag-edit ng pre-made na script mula sa aming library ng mga script. Maaari mong gamitin ang mga script na ito kung paano ito ginawa, o ayusin ang JavaScript upang gumawa ng custom na script. Halimbawa, puwede mong gamitin ang mga pre-made na script na ito para:

Puwede ka ring bumuo ng sarili mong mga custom na script sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga snippet ng pre-made na JavaScript para makagawa ng mas malaking script.

Pagsusulat ng sarili mong script

Ang pinakamahalagang hakbang sa paggawa ng script ay ang pagsusulat ng JavaScript na gusto mong gumawa ng nilalayong pagkilos sa iyong account. Makikita ang mga detalyadong tagubilin sa pagdidisenyo ng script sa site ng developer namin.

Kapag handa ka nang gawin ang iyong script, ganito ito idagdag sa iyong account:

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang Tools icon Tools Icon.
  2. I-click ang drop down na Mga maramihang pagkilos sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Mga Script.
  4. I-click ang plus button Open Create menu icon para gumawa ng bagong script
  5. Sa field na "Pangalan ng script" sa itaas, pangalanan ang iyong script.
  6. Sa kahon ng script editor, ilagay ang iyong JavaScript code. Kung direkta mong ilalagay ang iyong mga script sa loob ng script editor, magagamit mo ang auto-complete, mga syntax cue, at indentation para sa mas mabilis na pagsusulat ng script.
  7. Kung hindi ka pa handang patakbuhin ang iyong script, i-click ang I-save sa ibaba ng editor, o i-click ang I-preview para makakita ng preview ng mga resulta.
  8. Bago i-preview o patakbuhin ang mga pagbabago, makakatanggap ka ng mensaheng humihiling sa iyong pahintulutan ang script na ito na gumawa ng mga pagbabago sa account mo. I-click ang Pahintulutan ngayon sa itaas ng editor ng script, pagkatapos ay Bigyan ng access para kumpirmahing may pahintulot ang script na ito na magsagawa ng mga pagbabago sa iyong account.
  9. Kapag handa ka na, i-click ang Patakbuhin ang script ngayon sa ibaba ng editor ng script para gawin iyon.

Kapag nagpatakbo ka ng script, lalabas ito sa seksyong "Mga Log" na may kasamang impormasyon tungkol sa pag-usad nito. Maaari mong pahintuin ang isang script sa pamamagitan ng pag-click sa button na Ihinto sa tabi ng anumang tumatakbong script.

Mga Tip

  • Kapag nasa kahon ng editor ng script, maaari mong i-click ang Dokumentasyon pagkatapos ay piliin ang Mga Halimbawa para makakita ng mga halimbawang script para sa mga karaniwang pagkilos na maaaring gusto mong gawan ng mga script. Pagkatapos, makakakopya ka na sa mga halimbawa at maisasaayos mo na ang mga iyon para sa iyong partikular na sitwasyon.
  • Ang mga script na tumatakbo nang lampas 30 minuto – o 60 minuto para sa ilang partikular na uri ng script ng manager account – ay magta-time out. Kapag nag-time out ang iyong script, maaaring hindi makumpleto ang lahat ng iyong pagbabago. Upang kumpirmahing tumakbo nang walang time-out ang iyong script, pakitingnan ang iyong mga log. Kapag nag-time out ang iyong script, hinihikayat ka naming pinuhin ito at patakbuhin itong muli.

Pag-iskedyul ng script

Kapag nakagawa ka na ng script, maaari mo itong iiskedyul na tumakbo nang isang beses, araw-araw, lingguhan, o buwanan sa isang partikular na oras:

  1. Sa page na "Mga Script" sa column na "Dalas," mag-hover sa value ng dalas para sa isang script, na sa umpisa ay blangko.
  2. I-click ang icon na lapis Icon na lapis / icon sa pag-edit.
  3. Maaari kang pumili ng eksaktong petsa, isang araw ng linggo, o isang araw ng buwan. Puwede mo ring piliin ang oras kung kailan mo gustong tumakbo ang iyong script.
  4. I-click ang I-save.

Kung magpapasya ka sa ibang pagkakataon na patakbuhin ang iyong script sa ibang oras, ulitin ang mga hakbang sa itaas.

Pamamahala at pagsubaybay sa mga script

Pagkatapos mong makagawa ng mga script, makikita mo ang lahat ng iyon sa page na “Mga Script,” na makikita mo sa pamamagitan ng pag-click sa tools icon > "Mga maramihang pagkilos" > Mga Script.

Sa tabi ng pangalan ng bawat script, isasaad ng isang icon sa column na "Status" na naka-enable ang script sa pamamagitan ng berdeng icon. Puwede mong i-disable ang isang script sa pamamagitan ng pag-click sa Mga Opsyon, pagkatapos ay pagpili sa I-disable.

Para i-enable ulit ang isang script, i-click ang 3-dot icon 3 dot icon, pagkatapos ay piliin ang "Ipakita ang naka-disable" para makita ang lahat ng naka-disable na script. I-click ang I-enable para i-enable ulit ang script.

Maaari mong makita ang mga log para sa mga pagkilos na ginawa ng iyong mga script sa pamamagitan ng pag-click sa History ng script, pagkatapos ay mga statement ng log sa tabi ng anumang script. Makikita mo kung kailan tumakbo ang bawat script at kung ano ang naging status. May mas detalyadong log na available sa pamamagitan ng pag-click sa Mga Pagbabago.

Pag-aayos ng mga isyu sa mga script

Kung mayroon kang anumang isyu sa pagsusulat, pag-edit, o pagpapatakbo ng script, makipag-ugnayan sa aming Developer Relations team.

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

true
Drive Revenue with Optiscore

Want to improve account health and drive business goals? Learn from industry & Google experts on how to drive revenue with the help of Optimization Score & Auto Apply Recommendations.

Register Now

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12148639315280349326
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false