Tungkol sa Ad Rank

Ang Ad Rank ay isang hanay ng mga value na ginagamit para tukuyin kung kwalipikadong lumabas ang iyong mga ad at kung oo, kung saan sa page ipapakita ang mga ad mo (kung ipapakita man ang mga ito) kaugnay ng mga ad ng iba pang advertiser. Sa bawat auction, kinakalkula nang unang beses ang iyong Ad Rank para tukuyin kung kwalipikadong ipakita ang ad mo, at nang pangalawang beses para tukuyin kung pang-ilan ang rank ng iyong ad kaugnay ng mga kwalipikadong ad ng iba pang advertiser. Kinakalkula ang mga halaga ng Ad Rank na ito batay sa ilang salik, kasama ang iyong kakumpitensya, konteksto ng paghahanap ng isang tao, at kalidad ng ad mo sa pagkakataong iyon. Masusubaybayan mo kung saan lumalabas ang iyong mga ad sa page ng resulta ng paghahanap, sa pamamagitan ng pagtingin sa iyong mga sukatang itaas at pinakataas.

Tip

Sa Search Network, kung gusto mong maunawaan ang lokasyon ng iyong mga ad sa mga page ng resulta sa search engine (search engine result page o SERP), puwede mong gamitin ang mga sukatang rate ng impression sa itaas at pinaikataas, ang “Impr. (Pinakaitaas) %” at “Impr. (Itaas) %." Kung gusto mong mag-bid sa lokasyon ng page, puwede mong gamitin ang mga sukatang bahagi ng impression sa itaas at pinakanangungunang bahagi ng impression, ang “IS sa itaas sa Search” at “pinakanangungunang IS sa Search.” Para magawa ito, puwede mong gamitin ang diskarte sa pag-bid na Target na Bahagi ng Impression na may opsyong i-target ang itaas o pinakaitaas ng page.

Paano tinutukoy ang Ad Rank

Elements of Ad Rank

Ang ad auction ay ang paraan ng pagpapasya ng Google, una, sa kung aling mga ad ang kwalipikadong ipakita, at pangalawa, kung paano ira-rank ang mga ito sa mga kwalipikadong ad.

Sa parehong mga yugto ng pagiging kwalipikado at ranking, kinakalkula ng Google ang mga score ng Ad Rank. Sa pangkalahatan, lalabas sa pinakamataas na posisyon ang advertiser na may pinakamataas na Ad Rank at lalabas sa pangalawang posisyon ang advertiser na may pangalawa sa pinakamataas na Ad Rank, kung ipagpapalagay na papasa sa mga kaugnay na threshold ang mga ad, at iba pa.

Sa mataas na level, ibinabatay sa 6 na salik ang mga score ng Ad Rank:

  • Ang iyong bid - Kapag nagtakda ka ng iyong bid, ipinapaalam mo sa Google Ads ang maximum na halagang handa mong bayaran para sa isang pag-click sa iyong ad. Kadalasan, mas maliit naman ang halagang babayaran mo, at puwede mong baguhin ang iyong bid anumang oras.
  • Ang kalidad ng iyong mga ad at landing page - Tinitingnan din ng Google Ads kung gaano kalapit na nauugnay at kung gaano kapaki-pakinabang ang iyong ad at ang website kung saan ito nagli-link para sa customer. Nakabuod sa iyong Marka ng Kalidad ang aming assessment sa kalidad ng ad mo, na puwede mong subaybayan sa iyong Google Ads account.
  • Ang mga threshold ng Ad Rank - Para makatulong sa pagtiyak na mataas ang kalidad ng mga ad, nagtakda kami ng mga minimum na limitasyong dapat matugunan ng ad para lumabas ito.
  • Ang pagiging mapagkumpitensya ng auction - Kung magkapareho ang ad rank ng dalawang ad na nagkukumpitensya para sa iisang posisyon, pantay ang magiging pagkakataon ng dalawa para makuha ang posisyong iyon. Habang lumalawak ang pagkakaiba sa ad rank ng dalawang advertiser, mas malamang na manalo ang ad na may mas mataas na ranking, pero posible rin itong magbayad ng mas mataas na cost per click dahil sa mas pinalaking posibilidad na manalo.
  • Ang konteksto ng paghahanap ng isang tao - Sa ad auction, mahalaga ang konteksto. Kapag nagkakalkula ng Ad Rank, tinitingnan namin ang mga termino para sa paghahanap na inilagay ng tao, ang lokasyon ng tao sa oras ng paghahanap, ang uri ng device na ginagamit niya (Halimbawa, mobile o desktop), ang oras ng paghahanap, ang katangian ng mga termino para sa paghahanap, iba pang ad at resulta ng paghahanap na lumabas sa page, at iba pang signal at attribute ng user.
  • Ang inaasahang epekto mula sa mga asset ng iyong ad at iba pang format ng ad - Kapag gumawa ka ng iyong ad, may opsyon kang maglagay ng karagdagang impormasyon sa ad mo, tulad ng numero ng telepono, o higit pang link sa mga partikular na page sa iyong site. Tinatawag ang mga ito na mga asset ng ad. Tinatantya ng Google Ads kung paano makakaapekto sa performance ng iyong ad ang mga asset at iba pang format ng ad na ginagamit mo.

Halimbawa

Narito ang isang pinasimpleng halimbawa kung paano gumagana ang Ad Rank. Hindi nito isinasaalang-alang ang lahat ng salik na tinalakay sa itaas, sa halip, layunin nitong bigyan ka ng mataas na level ng pangkalahatang-ideya tungkol sa aming mga algorithm:

Ipagpalagay na 80, 50, 30, 10, -10, -30, at -35 ang kanya-kanyang Ad Rank ng bawat advertiser.

Sabihin nating ang minimum na Ad Rank para lumabas sa kahit saan sa mga page ng resulta ng paghahanap ay 0, ibig sabihin, hindi kwalipikado ang huling 3 advertiser na may mga ad na ang score ay -10, -30, at -35 na lumabas sa alinmang posisyon sa page.

Sumunod dito, kung ang minimum na Ad Rank na kinakailangan para lumabas sa mataas na lokasyon ng ad (karaniwang sa itaas ng mga resulta ng paghahanap) ay 40, ang unang dalawang advertiser lang (na may mga ad na 80 at 50 ang Ad Rank) ang lampas sa minimum at puwedeng ipakita sa itaas ng mga resulta ng paghahanap.

Gayunpaman, ang mga advertiser na may mga ad na 30 at 10 ang Ad Rank ay kwalipikadong lumabas sa mga lokasyon ng ad sa bandang mas mababa sa page.

Para sa mga sukatan sa itaas at pinakaitaas, magkakaroon ng 1 impression para sa itaas at pinakaitaas ang advertiser na may Ad Rank na 80 (na nasa unang posisyon sa lokasyon ng ad sa itaas). Magkakaroon ng 1 impression sa itaas ang advertiser na may Ad Rank na 50 (na nasa pangalawang posisyon sa lokasyon ng ad sa itaas). Magkakaroon ng 0 impression sa itaas o pinakaitaas ang advertiser na may Ad Rank na 30 (na nasa unang posisyon sa ibaba ng mga resulta ng paghahanap), katulad ng advertiser na may Ad Rank na 10 (na nasa pangalawang posisyon sa ibaba ng mga resulta ng paghahanap).

  Ad Rank Impr. sa pinakataas Impr. sa itaas Impr. (Pinakaitaas) % ng Impr. (Itaas)
Advertiser A 80 1 1 100% 100%
Advertiser B 50 0 1 0% 100%
Advertiser C 30 0 0 0% 0%
Advertiser D 10 0 0 0% 0%

Para mapalaki ang iyong bahagi sa itaas at pinakataas na lokasyon sa page ng resulta ng paghahanap, puwede mong:

  • Pagandahin ang kalidad ng iyong mga ad at experience sa landing page
  • Taasan ang iyong bid

Kapag mas magaganda ang ad, mas mataas ang Ad Rank

Kasama sa mga kalkulasyon ng Ad Rank ang kalidad ng iyong bid at oras ng auction, na puwedeng kinabibilangan ng mga pagsukat sa oras ng auction tulad ng inaasahang CTR, kaugnayan ng ad, at experience sa landing page, pati na rin ng iba pang salik. Kinakalkula ang Ad Rank sa tuwing maghahanap ang isang user at kinakalkula ulit para sa iba't ibang posisyon sa page ng resulta ng paghahanap.

Nakabuod sa iyong Marka ng Kalidad ang aming assessment sa kalidad ng ad mo, na puwede mong subaybayan sa iyong Google Ads account.

Bakit mahalaga ang kalidad ng ad

Ginagamit ang mga bahagi ng kalidad ng Ad Rank sa ilang iba't ibang paraan at posibleng makaapekto ito sa mga sumusunod na bagay:
  • Pagiging kwalipikado sa ad auction: Ang aming mga sukatan ng kalidad ng ad ay nakakatulong sa pagtukoy sa mga limitasyon ng Ad Rank para sa iyong ad, at kung kwalipikado nga ba talagang lumabas ang ad mo.
  • Ang iyong aktwal na cost-per-click (CPC): Kadalasan, maaaring humantong sa mas mabababang CPC ang mga ad na mas mataas ang kalidad. Ibig sabihin noon, mas maliit ang babayaran mo sa bawat pag-click kapag mas mataas ang kalidad ng iyong mga ad.
  • Pagiging kwalipikado para sa mga asset ng ad at iba pang format ng ad: Tinutukoy ng Ad Rank kung kwalipikado bang ipakita o hindi ang iyong ad nang may mga asset ng ad at iba pang format ng ad, tulad ng mga sitelink.
Sa pangkalahatan, kadalasang humahantong ang mga ad na may mas mataas na kalidad sa mas mabababang gastusin at higit pang tagumpay sa pag-advertise. Pinakamahusay ang Google Ads system para sa lahat kapag ang mga ipinapakita nating ad ay nauugnay at malapit na tumutugma sa hinahanap ng mga customer.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
4836145011074744232
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false