Pagsukat sa kaalaman sa brand

May natatanging layunin ang mga branding campaign: para mapataas ang kaalaman at pagpapakita ng iyong produkto, serbisyo, o layunin. Para makatulong na maabot ang mga layuning ito, maaari kang gumawa ng mga Google Ads campaign gamit ang layuning Kaalaman sa brand at abot para mapataas ang trapiko sa iyong website o mahimok ang mga customer na makipag-ugnayan sa brand mo. Matuto pa tungkol sa mga layunin sa bagong karanasan sa Google Ads.

Kapag nabuo mo na ang mga layunin ng iyong branding campaign, maaari mong piliin ang pinakamahuhusay na lugar para ipakita ang iyong mga ad, at pagkatapos ay sukatin ang tagumpay sa pamamagitan ng pagsubaybay sa mga impression, conversion, at iba pang istatistika. Sa pangkalahatan, gugustuhin mong subukang ilagay ang iyong mga ad sa harapan ng pinakamaraming tao hangga't maaari sa loob ng target na audience mo.

Karamihan sa mga advertiser na may mga inisyatibo sa pag-brand ay pangunahing nag-aalala sa paggawa ng kaaalaman sa brand. Maaari nilang gustuhing subaybayan ang mga conversion tulad ng mga pagtingin sa page sa halip na mga pagbili. Halimbawa, gustong gumawa ng kaalaman at interes sa pinakamaraming mahihilig sa sports hangga't maaari ang isang advertiser na nagpapakilala ng isang bagong energy drink, at hindi talaga nakatuon sa pagbebenta ng mga aktwal na bote ng inumin online.

Tip

Hindi nakakatiyak kung saan magsisimula? Makakuha ng mga diskarte para paggawa ng mga campaign na nagpapataas ng kaaalaman sa brand

Mga network para sa iyong branding campaign

May dalawang network ang Google kung saan maaaring gumawa ang iyong mga ad: ang Search Network at Display Network. Habang pangunahin nang nagpapagana ng mga text ad ang Search Network, nagpapagana ang Display Network ng mga text ad, makukulay na image ad, at multimedia ad (tulad ng video o animation) na partikular na mahusay sa pagpapakita ng mga mensahe sa pag-brand. Maaaring gumawa ng emosyonal na koneksyon ang mga display ad sa pamamagitan ng paggamit ng mga graphical, audio, at video na elemento para magsabi ng isang kwentong natatangi sa iyong kumpanya.

Sa Display Network, maaari mong epektibong ma-target ang iyong mga ad. Sa pamamagitan ng eksaktong pagpili kung saang mga website at page ipapakita ang iyong ad at pagggawa ng isang ad na maraming visual na epekto, madaling kunin ang pansin ng mga taong interesado sa binebenta mo.

Halimbawa

Sabihin na nating nagtatrabaho ka sa isang high-end na manufacturer ng sasakyan sa Italy. Maaari kang gumawa ng isang video ad para ipakita ang mga bagong feature ng iyong pinakabagong modelo, ang SuDuperRossa, at piliing paganahin ang ad na iyon sa mga website lang ng mga may-ari ng mga sasakyang may mahusay na performance, dahil bahagi sila ng iyong target na demograpiko.

Ano ang susukatin para sa kaalaman sa brand

Narito ang ilang mahahalagang sukatan na nagpapakita kung matagumpay ang iyong branding campaign:

  • Mga Impression: Mahalaga ang Mga Impression para subaybayan ang kahit anong campaign, anuman ang iyong mga layunin. Ngunit maaaring maging napakahalaga ng mga ito sa mga branding campaign, dahil kumakatawan ang mga ito sa kung gaano karaming mga customer ang talagang tumingin sa iyong ad. Maaaring hindi mo pahalagahan kung bumili man sila o hindi ng anumang bagay mula sa iyong site, ngunit gusto mong matandaan nila ang nakakatawag-pansin na bagong slogan na iyon na binayaran mo nang malaki para buuin at ibahagi sa mundo.

    Ang isang paraan para talagang unahin ang mga impression ay ang paggawa ng isang cost-per-thousand impressions campaign (kaysa isang cost-per-click campaign). Sa paraang iyon ay magbabayad ka batay sa bilang ng mga impression na natanggap ng iyong mga ad, sa halip na sa bilang ng mga pag-click na nakuha ng mga ito.

  • Pakikipag-ugnayan ng customer: Kung nakatuon ka sa pag-brand, maaari mong gamitin ang clickthrough rate (CTR) para sukatin ang pakikipag-ugnayan ng customer para sa mga Search Network ad. Gayunpaman, sa Display Network, iba ang pagkilos ng user, at hindi ganoong nakakatulong ang CTR. Iyon ay dahil nagba-browse sa pamamagitan ng impormasyon ang mga customer sa site, hindi naghahanap gamit ang mga keyword. Isa pa, sa isang abalang page ng Display Network, dapat na makipagkumpitensya nang higit pa ang isang ad kaysa sa ginagawa nito sa page ng paghahanap para makuha ang pansin ng mambabasa. Mas mahalagang subukang makamit ang isang mahusay na CTR sa Search Network (1% o mas mataas) kaysa sa Display Network, kung saan ang mga clickthrough rate ay madalas na mas mababa. Maaari mong pag-isipan ang iba pang sukatan tulad ng mga conversion para sa mga ad sa Display Network.

    Matutulungan ka ng mga conversion na makita kung humihimok ang iyong mga ad ng pagkilos ng bisitang nauugnay sa pag-brand na sa tingin mo ay mahalaga, gaya ng mga pag-sign up at page view. Kung tutuusin, hindi ka ba nagtataka kung gaano karaming tao ang sumali sa iyong mailing list pagkatapos panoorin ang mamahaling video ad na iyon na kakagawa lang ng iyong kumpanya?

  • Abot at dalas: Ang abot ay ang bilang ng mga bisitang nalantad sa isang ad. Nangangahulugan ang pinataas na abot na ang isang ad ay ipinakita sa mga potensyal na customer, na maaaring magdulot ng mas maraming kaalaman. Ang dalas ay ang average na bilang ng beses na nailantad ang isang bisita sa isang ad sa loob ng isang yugto ng panahon.

Alam mo ba...

May kinalaman sa abot, narito ang isa pang dahilan kung bakit maaaring isang mahalagang partner sa pag-brand ang Display Network: naaabot nito ang mahigit sa 90% ng mga natatanging user sa Internet sa buong mundo (Source: Think with Google).

Mga susunod na hakbang

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
6742580878172362457
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false