Ipakita ang iyong mga ad sa mga mobile app

Abutin ang lumalawak na audience na gumagamit ng mga mobile phone at tablet sa pamamagitan ng pagpapakita ng iyong mga ad sa mga mobile app. Idinisenyo ang mga Display Network campaign para ipakita ang iyong mga ad sa mga app bilang default kung ang placement (ang destinasyon para sa ad mo) ay tumutugma sa pag-target na itinakda mo para sa iyong campaign.

Sinasaklaw ng artikulong ito kung paano ipakita ang iyong mga ad sa mga app sa Display Network. Para i-promote ang iyong app, alamin ang tungkol sa mga App campaign. Para maiwasang lumabas ang mga ad sa ilang partikular na placement, basahin ang tungkol sa kung paano magbukod ng mga partikular na webpage, video, at app.

Bago ka magsimula

Pinasimple ang mga kontrol sa pag-target at pagbubukod para sa Display sa mobile para mapadali ang pag-abot sa lumalaking base ng mga user sa mobile.

Ang pagbubukod ng content (pagbubukod ng "Hindi interstitial na mobile app ng G-mob") ay pinalitan na ng pinasimpleng mga opsyong sa pag-target ng device ng compter, tablet, at mobile.

Makokontrol mo kung saang mga publisher o uri ng content lalabas ang iyong mga ad gamit ang:

  • Mga Paksa
  • Pag-target sa device: computer, tablet, mobile
  • Kategorya ng app
  • Mga pagbubukod ng indibidwal na app sa pamamagitan ng mga pagbubukod ng placement para sa mga mobile app, at pagbubukod ng indibidwal na website
  • Mga pagbubukod ng content

Ano ang nagbago para sa pag-target sa mobile?

Hindi na sinusuportahan ng Google Ads ang pag-target sa imbentaryo ng app na gumagamit ng mga setting ng device at placement sa adsenseformobileapps.com.

Mga Tagubilin

Kung gusto mong lumabas lang ang iyong mga ad sa mga partikular na mobile app o sa ilang partikular na kategorya ng app, sundin ang mga hakbang sa ibaba para isaad iyon sa mga setting ng pag-target.

  1. Mag-sign in sa iyong Google Ads account.
  2. I-click ang Lahat ng campaign sa kaliwang bahagi sa itaas ng screen para lumabas ang drop-down na menu. I-click ang Mga display campaign at pagkatapos ay i-click ang Ilapat.
  3. Mula sa menu ng page sa kaliwa, i-click ang Mga Placement.
  4. I-click ang icon na lapis Icon na lapis / icon ng i-edit at pagkatapos ay i-click ang I-edit ang mga placement.
  5. I-click ang Pumili ng ad group.
  6. Piliin ang campaign pagkatapos ay ang ad group na gusto mong baguhin.
  7. Para mag-target ng mga partikular na kategorya, i-click ang Mga kategorya ng app at piliin ang mga kategorya na gusto mo. Ang mga kategoryang ito ay tumutugma sa mga pangalan ng kategorya sa bawat store.
  8. Para mag-target ng mga partikular na app, i-click ang Mga App, pagkatapos ay hanapin ang mga app ayon sa pangalan.
  9. Kung alam mo ang mga ID ng maraming app na gusto mong i-target, i-click ang Ilagay at pagkatapos ay i-type ang mga ID gamit ang mga sumusunod na format:
    • Mga Google Play app: mobileapp::2-<pangalan ng iyong package na makikita sa Google Play store>
      • Halimbawa, mobileapp::2-com.example.app
    • iOS apps: mobileapp::1-<9 na digit na numeric app ID>
      • Halimbawa, mobileapp::1-123456789
  10. I-click ang I-save.
Para malaman kung sa aling mga app kasalukuyang ipinapakita ang iyong mga ad, i-click ang "Lahat ng campaign" sa kaliwang bahagi sa itaas ng screen para lumabas ang drop-down na menu. I-click ang "Mga display campaign," i-click ang "Ilapat," at pagkatapos ay i-click ang "Mga Placement" sa menu ng page sa kaliwa.
Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Mag-sign in para sa mga opsyon sa karagdagang suporta para mabilis na malutas ang iyong isyu

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
Maghanap sa Help Center
true
73067
false
false
false