Gumamit ng credit card o mag-ayos ng isyu sa credit card

Puwede kang gumamit ng credit card para magsagawa ng mga awtomatikong pagbabayad (magbayad pagkatapos gumana ang iyong mga ad) o manual na pagbabayad (magbayad bago gumana ang mga ad mo). Narito kung paano ito gawin, batay sa setting ng pagbabayad na pinili mo para sa iyong account.

Mga awtomatikong pagbabayad

Upang gumamit ng credit card sa setting na ito ng pagbabayad, idagdag lang ito sa iyong Google Ads account at gawin itong pangunahin mong paraan ng pagbabayad. I-click ang isa sa mga link sa ibaba para makakita ng mga hakbang para sa mga sumusunod:

Magdagdag ng bagong credit card sa iyong account
Tandaan: Kapag nagdaragdag ka ng bagong card, posibleng makakita ka ng pansamantalang pre-authorization hold sa iyong account. Wala kang kailangang gawin, at awtomatikong maaalis ang hold sa loob ng isang linggo.
  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Pagsingil Icon ng Pagsingil.
  2. I-click ang Mga Setting.
  3. I-click ang link na Mga paraan ng pagbabayad mula sa menu ng seksyon sa kaliwa.
  4. I-click ang Magdagdag ng bagong paraan ng pagbabayad.
  5. Piliin ang Credit card at punan ang impormasyon ng iyong card.
  6. Upang gawin itong pangunahin mong paraan ng pagbabayad, i-click ang kahon sa tabi ng Ito ang pipiliin ko para sa mga pagbabayad sa hinaharap. Kung hindi mo itatalaga ang paraan ng pagbabayad na ito, hindi ito gagamitin.
  7. I-click ang button na I-save.

Pumunta sa Mga Setting ng Pagsingil

Mag-edit ng impormasyon para sa kasalukuyang credit card sa iyong account
  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Pagsingil Icon ng Pagsingil.
  2. I-click ang Mga Setting.
  3. I-click ang link na Mga paraan ng pagbabayad sa menu sa kaliwa.
  4. Hanapin ang paraan ng pagbabayad na gusto mong i-update at i-click ang I-edit.
  5. Ilagay ang iyong bagong impormasyon, pagkatapos ay i-click ang button na I-save.

Pumunta sa Mga Setting ng Pagsingil

Mga manual na pagbabayad

Upang gumamit ng credit card sa ganitong setting ng pagbabayad, tingnan ang mga hakbang sa ibaba:

Magbayad gamit ang bagong credit card
  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Pagsingil Icon ng Pagsingil.
  2. I-click ang Buod.
  3. I-click ang button na Magbayad.
  4. Gamitin ang dropdown para piliin ang Magdagdag ng bagong credit o debit card, pagkatapos ay ilagay ang impormasyon ng iyong credit card.
  5. Ilagay ang halagang gusto mong ibayad, pagkatapos ay i-click ang button na Magbayad para suriin at tapusin ang iyong pagbabayad.

Pumunta sa Buod ng Pagsingil

Magbayad gamit ang credit card na nasa account mo
  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Pagsingil Icon ng Pagsingil.
  2. I-click ang Buod.
  3. I-click ang button na Magbayad.
  4. Piliin ang kasalukuyang paraan ng pagbabayad.
  5. Ilagay ang halagang gusto mong ibayad, pagkatapos ay i-click ang button na Magbayad para suriin at tapusin ang iyong pagbabayad.

Pumunta sa Buod ng Pagsingil

Pahintulot sa pagbabayad

Kapag nagbayad ka, papahintulutan muna namin ang iyong credit card para sa halagang sinisingil. Nangangahulugan ito na makikipag-ugnayan ang aming system sa provider ng iyong credit card upang matiyak na sapat ang available na kredito sa iyong card upang masaklaw ang iyong pagbabayad. Pagkatapos noon, mag-a-update ang iyong balanse at karaniwang magsisimulang gumanang muli ang mga ad mo kung huminto ang mga ito.

Maaaring tumagal nang hanggang 24 na oras bago ganap na maproseso ang isang pagbabayad.

Posibleng lumabas ang pahintulot sa pagbabayad sa iyong statement ng credit card, pero hindi ito isang aktwal na pagsingil. Awtomatiko itong maaalis.

Tandaan: Kung ang tagabigay ng iyong card o bangko ay nasa European Economic Area, baka hilingin nila sa iyong sumailalim sa isang karagdagang proseso ng pag-authenticate, gaya ng one-time na code na ipinadala sa telepono mo, o i-verify ang pagmamay-ari ng iyong card.  Puwedeng kailanganin ng tagabigay ng iyong card o bangko ang karagdagang pag-verify na ito kung nagbayad ka, nagdagdag ng bagong credit o debit card, o sa pagpapasya ng tagabigay ng card o bangko. 

Sumusunod ang Google sa mga bagong kinakailangan sa seguridad na ipinataw sa mga bangko at tagaproseso ng pagbabayad ng Payment Services Directive 2 (PSD2) sa European Economic Area. Kung mayroon kang anumang tanong, makipag-ugnayan nang direkta sa tagabigay ng iyong card o bangko. 

Paano lumalabas ang mga singil ng Google Ads sa iyong statement

Puwedeng mag-iba ang paraan ng paglabas ng mga pagsingil ng Google Ads sa iyong credit card o bank statement depende sa credit card na ginagamit mo. Kadalasan, narito ang puwede mong asahang makita kung ginagamit mo ang mga sumusunod na paraan ng pagbabayad:

Visa o MasterCard

Kung siningil ka ng Google Ads at gumagamit ka ng Visa o MasterCard para magbayad, baka makita mo ang alinman sa mga sumusunod na singil sa iyong statement:

  • GOOGLE ADS. CC@GOOGLE.COM
  • GOOGLE*GOOG[10-digit na Google Ads Customer ID]
  • GOOGLE*SVCS[10-digit na Google Ads Customer ID]
  • GOOGLE*ADWS[10-digit na Google Ads Customer ID]

Kung mahigit sa isang customer ID ang mapapansin mo sa iyong statement, baka ang ibig sabihin nito, mahigit sa isang Google Ads account ang nauugnay sa paraan ng pagbabayad na iyon.

American Express

Kung siningil ka ng Google Ads at gumagamit ka ng American Express para magbayad, baka makita mo ang alinman sa mga sumusunod na singil sa iyong statement:

  • GOOGLE LTD. CC@GOOGLE.COM GOOGLE ADS ADVERTISING
  • GOOGLE INC. CC@GOOGLE.COM GOOGLE ADS ADVERTISING
  • GOOGLE*SVCS[10-digit na Google Ads Customer ID]
  • GOOGLE*ADWS[10-digit na Google Ads Customer ID]

Kung mahigit sa isang customer ID ang mapapansin mo sa iyong statement, baka ang ibig sabihin nito, mahigit sa isang Google Ads account ang nauugnay sa paraan ng pagbabayad na iyon.

Bank account (direct debit)

Kung siningil ka ng Google Ads at gumagamit ka ng direct debit para magbayad, baka makita mo ang alinman sa mga sumusunod na singil sa iyong statement:

  • Goog_[10-digit na Google Ads Customer ID]
  • Google_[10-digit na Google Ads Customer ID]
  • Google[10-digit na Google Ads Customer ID]
  • GOOGLE[10-digit na Google Ads Customer ID]
  • GOOOGLE_A[10-digit na Google Ads Customer ID]
  • GOOGLE_[10-digit na Google Ads Customer ID]
  • GOOGLE ADS[10-digit na Google Ads Customer ID]
 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

true
Drive Revenue with Optiscore

Want to improve account health and drive business goals? Learn from industry & Google experts on how to drive revenue with the help of Optimization Score & Auto Apply Recommendations.

Register Now

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
14405304478455002604
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false