Tandaan: Nalalapat lang ang impormasyon sa artikulong ito sa mga customer na nasa buwanang pag-invoice. Kung gagawa ka ng mga manual na prepayment sa iyong account o kung awtomatiko kang sinisingil, sumangguni sa artikulong Tuungkol sa bagong page na Buod ng Pagsingil.
Sa page na “Mga Transaksyon,” puwede mong gawin ang mga sumusunod na pagkilos:
- Suriin ang lahat ng transaksyon ng iyong account (Ang mga naipong gastos ng bawat campaign, pati na rin ang mga pagbabayad, pagsasaayos, at buwis ng account mo)
- Mag-print o mag-download ng mga invoice
Paano hanapin ang iyong page na mga transaksyon
- Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Pagsingil .
- I-click ang Mga Transaksyon.
Ano ang nasa iyong page na Mga Transaksyon
Nakaayos ang lahat ng iyong transaksyon ayon sa buwan, at ipapakita ang mga ito mula sa pinakabago hanggang sa pinakaluma, kung saan nasa ibaba ang panimulang balanse ng buwan, at nasa itaas ang balanse sa pagtatapos. Tandaang palaging ipinapakita ang mga transaksyon sa Pacific Standard Time (PST), kahit na sa ibang time zone nakatakda ang iyong account.
Ganito ang makikita mo para sa iba't ibang transaksyon.
Column na "Petsa" | Column na "Paglalarawan" | Column na "Halaga" | |
Mga Gastos | Ipapakita ng hanay ng petsa ang buong buwan kailan man inihatid ang mga ad. | Pangalan ng campaign at dami ng mga naipong pag-click impression, o pagtingin na tumutugma sa gastos | Positibong numerong nagpapakita ng mga gastos na naipon ng campaign noong buwang iyon |
Mga Pagsasaayos | Ipapakita ng hanay ng petsa ang buong buwan kailan man inilapat ang partikular na pagsasaayos. | Uri ng pagsasaayos (halimbawa, “Overdelivery credit” o “Invalid na aktibidad”). Para sa invalid na aktibidad, nagpapakita rin kami ng ilang karagdagang detalye; kasama rito ang orihinal na invoice number, orihinal na buwan ng serbisyo, PO number, pangalan ng badyet ng account, at pangalan ng campaign kung saan orihinal na nangyari ang invalid na trapiko. | Isang negatibong numero na nagpapakita sa halagang natanggap ng account para sa isang partikular na uri ng pagsasaayos sa buwang iyon |
Mga Promosyon | Petsa kung kailan sinimulang gastusin ang credit na pang-promosyon | Pangalan o uri ng promosyon |
Ang porsyento (%) ng iyong credit na nagastos sa yugto ng pagsingil na ito. Mahahanap mo ang buong halaga ng iyong promosyon sa page na Mga Promosyon. Kapag aktibo na (ibig sabihin, pagkatapos maabot ang mga kinakailangang gastos ng iyong promosyon), gagamitin nang buo ang isang credit na pampromosyon bago namin gamitin ang kasalukuyan mong balanse o singilin ang iyong paraan ng pagsingil na nasa file. Idaragdag sa susunod na yugto ng pagsingil ang anumang hindi nagastos na credit, hanggang sa magamit mo na ang lahat ng ito. |
Mga buwis, kung naaangkop | Unang araw ng buwan | Uri ng buwis, rate ng buwis, at kabuuang halagang binuwisan | Positibo o negatibong numerong ngpapakita ng buwis na nauugnay sa mga gastusin o pagsasaayos |
Mga bayarin na partikular sa bansa, kung naaangkop (lumalabas sa ilalim ng Mga Gastos) | Para sa mga bansa kung saan may nalalapat na mga bayarin, ipapakita ng hanay ng petsa ang buong buwan kailan man inihatid ang mga ad. | Uri, rate, at kabuuang halaga ng bayaring partikular sa bansa | Positibo o negatibong numerong ngpapakita ng mga bayaring partikular sa bansa na nauugnay sa mga gastusin o pagsasaayos |
Dagdag pa rito, depende sa iyong setting ng pagbabayad, puwede kang makakita ng iba pang item sa linya na may kaugnayan sa pagbabayad sa page mong “Mga Transaksyon.”
Paano i-customize ang iyong page na Mga Transaksyon
Bilang default, ipapakita sa page ang lahat ng transaksyon sa nakalipas na 3 buwan. Sa itaas ng page ay mga filter para sa pag-customize sa iyong view.
“View ng detalyadong transaksyon” o “View ng buod”
Puwede kang magpalipat-lipat sa mga view na ito gamit ang dropdown na menu sa kaliwang dulo.
- Sa default na view na “Detalyadong Transaksyon,” makikita mo ang mga sumusunod:
- Kabuuang mga gastos na naipon ng bawat campaign sa loob ng isang buwan
- Bawat pagbabayad na isinagawa ng iyong account noong buwang iyon
- Bawat pagsasaayos na isinagawa sa iyong account noong buwang iyon
- Sa view na "Buod," makikita mo ang kabuuang mga buwanang halaga ayon sa uri ng transaksyon sa isang sulyap (halimbawa, mga buwanang kabuuan para sa mga gastos, pagbabayad, at pagsasaayos).
Uri ng transaksyon
I-filter para makita ang lahat ng transaksyon, o para ang makita mo lang ay ang iyong mga gastos, pagbabayad, pagsasaayos, promosyon, o buwis, gamit ang dropdown na menu sa gitna.
Hanay ng petsa
I-filter ayon sa buwan gamit ang dropdown na menu sa kanang dulo.
Kung gusto mong tingnan ang mga gastos para sa isang partikular na hanay ng petsa, puwede mong i-customize ang hanay ng petsa para sa iyong page na Mga Campaign, o para sa ulat sa Siningil na Gastos mo.