Tingnan ang iyong mga transaksyon

Tandaan: Nalalapat lang ang impormasyon sa artikulong ito sa mga customer na nasa buwanang pag-invoice. Kung gagawa ka ng mga manual na prepayment sa iyong account o kung awtomatiko kang sinisingil, sumangguni sa artikulong Tuungkol sa bagong page na Buod ng Pagsingil.

Sa page na “Mga Transaksyon,” puwede mong gawin ang mga sumusunod na pagkilos:

  • Suriin ang lahat ng transaksyon ng iyong account (Ang mga naipong gastos ng bawat campaign, pati na rin ang mga pagbabayad, pagsasaayos, at buwis ng account mo)
  • Mag-print o mag-download ng mga invoice

Paano hanapin ang iyong page na mga transaksyon

Tandaan: Ang mga tagubilin sa ibaba ay bahagi ng bagong disenyo para sa experience ng user sa Google Ads. Para gamitin ang dating disenyo, i-click ang icon ng "Hitsura," at piliin ang Gamitin ang dating disenyo. Kung ginagamit mo ang dating bersyon ng Google Ads, suriin ang Quick reference na mapa o gamitin ang Search bar sa panel ng navigation sa itaas ng Google Ads para makita ang page na hinahanap mo.
  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Pagsingil Icon ng Pagsingil.
  2. I-click ang Mga Transaksyon.

Ano ang nasa iyong page na Mga Transaksyon

Nakaayos ang lahat ng iyong transaksyon ayon sa buwan, at ipapakita ang mga ito mula sa pinakabago hanggang sa pinakaluma, kung saan nasa ibaba ang panimulang balanse ng buwan, at nasa itaas ang balanse sa pagtatapos. Tandaang palaging ipinapakita ang mga transaksyon sa Pacific Standard Time (PST), kahit na sa ibang time zone nakatakda ang iyong account.

Ganito ang makikita mo para sa iba't ibang transaksyon.

  Column na "Petsa" Column na "Paglalarawan" Column na "Halaga"
Mga Gastos Ipapakita ng hanay ng petsa ang buong buwan kailan man inihatid ang mga ad. Pangalan ng campaign at dami ng mga naipong pag-click impression, o pagtingin na tumutugma sa gastos Positibong numerong nagpapakita ng mga gastos na naipon ng campaign noong buwang iyon
Mga Pagsasaayos Ipapakita ng hanay ng petsa ang buong buwan kailan man inilapat ang partikular na pagsasaayos. Uri ng pagsasaayos (halimbawa, “Overdelivery credit” o “Invalid na aktibidad”). Para sa invalid na aktibidad, nagpapakita rin kami ng ilang karagdagang detalye; kasama rito ang orihinal na invoice number, orihinal na buwan ng serbisyo, PO number, pangalan ng badyet ng account, at pangalan ng campaign kung saan orihinal na nangyari ang invalid na trapiko. Isang negatibong numero na nagpapakita sa halagang natanggap ng account para sa isang partikular na uri ng pagsasaayos sa buwang iyon
Mga Promosyon Petsa kung kailan sinimulang gastusin ang credit na pang-promosyon Pangalan o uri ng promosyon

Ang porsyento (%) ng iyong credit na nagastos sa yugto ng pagsingil na ito. Mahahanap mo ang buong halaga ng iyong promosyon sa page na Mga Promosyon.

Kapag aktibo na (ibig sabihin, pagkatapos maabot ang mga kinakailangang gastos ng iyong promosyon), gagamitin nang buo ang isang credit na pampromosyon bago namin gamitin ang kasalukuyan mong balanse o singilin ang iyong paraan ng pagsingil na nasa file. Idaragdag sa susunod na yugto ng pagsingil ang anumang hindi nagastos na credit, hanggang sa magamit mo na ang lahat ng ito.

Mga buwis, kung naaangkop Unang araw ng buwan Uri ng buwis, rate ng buwis, at kabuuang halagang binuwisan Positibo o negatibong numerong ngpapakita ng buwis na nauugnay sa mga gastusin o pagsasaayos
Mga bayarin na partikular sa bansa, kung naaangkop (lumalabas sa ilalim ng Mga Gastos) Para sa mga bansa kung saan may nalalapat na mga bayarin, ipapakita ng hanay ng petsa ang buong buwan kailan man inihatid ang mga ad. Uri, rate, at kabuuang halaga ng bayaring partikular sa bansa Positibo o negatibong numerong ngpapakita ng mga bayaring partikular sa bansa na nauugnay sa mga gastusin o pagsasaayos
Para tingnan ang mga pang-araw-araw na gastos sa antas ng campaign at account: Mag-click sa pangalan ng campaign sa column na “Paglalarawan.” Dadalhin ka nito sa iyong ulat sa siningil na gastos, kung saan mo matitingnan ang mga pang-araw-araw na gastos para sa campaign sa isang partikular na panahon, pati na rin ang mga pang-araw-araw na gastos para sa iyong buong account. Matuto pa tungkol sa kung paano tingnan ang mga pang-araw-araw na gastos sa antas ng campaign at account.

Dagdag pa rito, depende sa iyong setting ng pagbabayad, puwede kang makakita ng iba pang item sa linya na may kaugnayan sa pagbabayad sa page mong “Mga Transaksyon.”

Paano i-customize ang iyong page na Mga Transaksyon

Bilang default, ipapakita sa page ang lahat ng transaksyon sa nakalipas na 3 buwan. Sa itaas ng page ay mga filter para sa pag-customize sa iyong view.

View ng detalyadong transaksyon” o “View ng buod

Puwede kang magpalipat-lipat sa mga view na ito gamit ang dropdown na menu sa kaliwang dulo.

  • Sa default na view na “Detalyadong Transaksyon,” makikita mo ang mga sumusunod:
    • Kabuuang mga gastos na naipon ng bawat campaign sa loob ng isang buwan
    • Bawat pagbabayad na isinagawa ng iyong account noong buwang iyon
    • Bawat pagsasaayos na isinagawa sa iyong account noong buwang iyon
  • Sa view na "Buod," makikita mo ang kabuuang mga buwanang halaga ayon sa uri ng transaksyon sa isang sulyap (halimbawa, mga buwanang kabuuan para sa mga gastos, pagbabayad, at pagsasaayos).
Para tingnan ang mga pang-araw-araw na gastos sa antas ng campaign at account: Mag-click sa pangalan ng campaign sa column na “Paglalarawan.” Dadalhin ka nito sa iyong ulat sa siningil na gastos, kung saan mo matitingnan ang mga pang-araw-araw na gastos para sa campaign sa isang partikular na panahon, pati na rin ang mga pang-araw-araw na gastos para sa iyong buong account. Matuto pa tungkol sa kung paano tingnan ang mga pang-araw-araw na gastos sa antas ng campaign at account

Uri ng transaksyon

I-filter para makita ang lahat ng transaksyon, o para ang makita mo lang ay ang iyong mga gastos, pagbabayad, pagsasaayos, promosyon, o buwis, gamit ang dropdown na menu sa gitna.

Hanay ng petsa

I-filter ayon sa buwan gamit ang dropdown na menu sa kanang dulo.

Kung gusto mong tingnan ang mga gastos para sa isang partikular na hanay ng petsa, puwede mong i-customize ang hanay ng petsa para sa iyong page na Mga Campaign, o para sa ulat sa Siningil na Gastos mo.

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
5215904262830600516
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false