Tungkol sa kalidad ng ad

Ang kalidad ng ad ay isang pagtatantya ng nagiging experience ng mga user kapag nakikita nila ang iyong mga search ad at ang kalidad ng experience nila kapag naabot na nila ang landing page mo. Nakabuod sa iyong Marka ng Kalidad ang aming assessment sa kalidad ng ad mo, na puwede mong subaybayan sa iyong Google Ads account.

Karaniwang humahantong ang mas mataas na kalidad ng ad sa mas mahusay na performance, kasama na ang mas magagandang posisyon ng ad at mas mababang gastos.

Tandaan: Nag-iiba-iba ang kalidad ng ad ayon sa konteksto ng bawat paghahanap.

Ano ang maaapektuhan ng kalidad ng iyong ad

  • Kung maipapakita ang iyong ad: Kinakailangan ng Google na tumugon ang mga ad sa isang partikular na level ng kalidad para maipakita ito. Para makita kung bakit posibleng hindi ipinapakita ang iyong ad, pwede mong gamitin ang tool sa diagnosis ng keyword.
  • Saan sa page ng resulta ng paghahanap lumalabas ang iyong ad: Para matiyak na nakikita ng mga tao ang mga ad na may mataas na kalidad nang mas mataas sa page ng resulta ng paghahanap, isinasaalang-alang ng Google ang kalidad ng ad sa pagtukoy sa iyong Ad Rank. Matuto pa tungkol sa kung saan lumalabas ang iyong ad sa mga resulta ng paghahanap sa Google
  • Kung lalabas ang mga asset: Halimbawa, ipinapakita lang ang ilang asset sa itaas ng mga resulta ng paghahanap, at dapat sapat ang taas ng kalidad ng ad para lumabas ito sa ganoong kataas na posisyon ng ad.
  • Magkano ang binabayaran mo sa bawat pag-click: Karaniwang mas mababa ang gastos sa bawat pag-click ng mga ad na may mas mataas na kalidad kumpara sa mga ad na mas mababa ang kalidad. Kung mababa ang kalidad ng iyong mga ad, posible mong makita na malapit ang aktwal mong CPC sa iyong maximum na CPC kahit na mahina ang kumpetisyon para sa mga termino para sa paghahanap na nag-trigger sa iyong ad. Kapag ipinapakita ang iyong mga ad, hindi ka kailanman masisingil nang mahigit sa iyong maximum na CPC para sa isang pag-click (maliban na lang kung gamit mo ang naka-automate na pag-bid), kahit gaano kababa ang kalidad ng iyong ad. Matuto pa tungkol sa Pag-unawa sa mga gastusin at pagbabayad
  • Ang performance ng iyong mga ad: Mas malamang na humantong sa matatagumpay na pag-click at conversion ang mga ad at landing page na may mataas na kalidad. Matuto pa tungkol sa kung paano Suriin ang performance ng iyong mga landing page

Ano ang hindi nakakaapekto sa kalidad ng ad

Narito ang ilang karaniwang maling pananaw tungkol sa kung ano ang nakakaapekto sa kalidad ng iyong ad sa panahon ng ad auction:

  • Pag-bid: Ang halagang ibi-bid mo ay posibleng makaapekto sa iyong Ad Rank, pero hindi nito maaapektuhan ang assessment sa kalidad ng ad mo.

    Halimbawa
    Kung matipid ang makina ng iyong sasakyan, kaunting gasolina lang ang kailangan mo para makalayo. Ganoon din pagdating sa Ad Rank, kapag maganda ang kalidad ng ad, malamang na mas mataas ang ad rank. Bukod dito, tandaang kinakalkula ang iyong Ad Rank sa tuwing kwalipikadong luamabas ang ad mo at kinakalkula ulit kapag nakipagkumpitensya ito sa isang auction. Para sa higit pang detalye, sumangguni sa artikulo ng Ad Rank.

  • Istruktura ng account: Kapag nilipat ang isang ad group na pareho ang mga ad at keyword sa isa pang campaign o account, hindi nito maaapektuhan ang kalidad ng iyong ad.

    Tandaan: Gayunpaman, kung maglilipat ka ng keyword sa isang bagong ad group na may bagong ad text, puwede nitong baguhin ang kalidad ng iyong ad dahil puwedeng makaapekto iyon sa experience ng user.

  • Dalas ng mga ad: Natutukoy ang dalas ng paglabas ng mga ad mo batay sa iyong mga bid, badyet, at kumpetisyon sa keyword, pero hindi nito maaapektuhan ang kalidad ng ad mo.
  • Mga naulat na conversion: Hindi naaapektuhan ng iyong mga naulat na conversion ang kalidad ng ad mo.

Paano masusukat at mapapahusay ang kalidad ng iyong ad

Ang Marka ng Kalidad ay isang diagnostic na tool na makakatulong sa iyong matukoy ang mga ad na mas mababa ang experience ng user kaysa sa average. Nagbibigay ang tool na ito ng higit pang insight tungkol sa kung dapat mong pagtuunan ang pagpapahusay sa iyong kaugnayan ng ad, clickthrough rate, o experience sa landing page.

Ipinapakita ang iyong Marka ng Kalidad sa sukatang 1-10 batay sa mga pagtatantiya sa performance mo kumpara sa ibang advertiser.

Tandaang habang ibinibigay namin ang diagnostic na markang ito para matulungan kang matukoy kung alin sa iyong mga ad ang posibleng nangangailangan ng mga pagpapahusay sa kalidad, hindi mga input ang mga markang ito sa ad auction. Gamitin ang Marka ng Kalidad para ma-diagnose ang mga ad na may mababang kalidad, sa halip na subukang i-optimize ang markang 1-10 na makukuha mo.

Matuto pa tungkol sa paggamit sa Marka ng Kalidad para mapahusay ang iyong performance.

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
10280708396982504461
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false