Pagiging Kwalipikado para sa Mga Adjustment sa Credit
Sa ilang sitwasyon sa Google Ads, puwede kaming magbigay ng mga adjustment sa credit sa iyong account. Ang ganitong mga uri ng mga adjustment sa credit ay naiiba sa mga refund at adjustment.
Case-by-case basis ang aming mga pasya tungkol sa mga credit at nakadepende ang mga ito sa partikular na isyu at epekto sa iyong account. Posible naming pag-isipang magbigay ng mga credit kapag humantong sa hindi gustong gawi ang isang teknikal na isyu. Pinal ang lahat ng credit at ibibigay ang mga ito sa sarili naming pagpapasya.
Makikita sa ibaba ang ilang sitwasyon kung saan hindi namin pag-iisipang magbigay ng mga credit:
- Performance ng mga ad: Hindi namin ginagarantiyang palagi mong maaabot ang iyong target o nilalayong performance at hindi namin pag-iisipang magbigay ng mga credit para sa hindi magandang performance.
- Mababang paggastos o hindi sapat na paghahatid: Hindi namin pag-iisipang magbigay ng mga credit kapag hindi ka nakagawa ng mga bagong ad o nakapag-optimize ng paghahatid. Hindi rin namin pag-iisipang magbigay ng mga credit kapag humantong ang isang isyu sa produkto sa hindi paghahatid ng mga ad o hindi paggastos ng mga ad sa iyong pang-araw-araw na badyet.
- Pag-uulat: Hindi namin pag-iisipang magbigay ng mga credit para sa mga isyu sa pag-uulat at mga insight kaugnay ng hindi tumpak o kulang na data na dulot ng mga bug sa system.
Pagpoproseso ng Credit
Pagkatapos malutas ang isyu, susuriin namin ang lawak ng epekto at magpoproseso kami ng mga credit sa lalong madaling panahon. Karaniwang inaabot nang hindi bababa sa 30 business days bago maibigay ang mga pinal na credit.
Direktang ilalapat ang credit sa mga naapektuhan mong account at makikita ito sa page na Buod ng Pagsingil kapag naproseso na. Kung buwanang pag-invoice ang ginagamit mo, dapat mo rin itong makita bilang item sa linya sa iyong buwanang invoice para sa buwan kung kailan inilapat ang credit.