Ang Smart Bidding ay tumutukoy sa mga naka-automate na strategy sa pag-bid na gumagamit ng Google AI para mag-optimize ng mga conversion o halaga ng conversion sa mga ad ng auction. Puwede kang gumawa ng naka-automate na strategy sa pag-bid para sa isang campaign o para sa maraming campaign. Para gumawa, magsuri, o mamahala ng mga strategy sa pag-bid, sundin ang mga hakbang na ito:
- Sa iyong Google Ads account, i-click ang Tools icon .
- I-click ang drop down na Mga badyet at pag-bid sa menu ng seksyon.
- I-click ang Mga strategy sa pag-bid.
Mga strategy sa Smart Bidding
Kung ang layunin mo ay paramihin ang mga benta o lead sa pamamagitan ng pagkuha ng maraming conversion hangga't maaari sa nakatakdang badyet o nakatakdang ROI, gamitin ang mga sumusunod na strategy:
Kung sinusukat mo ang mga halaga ng conversion (halimbawa, ang presyo ng mga benta) at ang layunin mo ay palakihin ang kita sa pamamagitan ng pagkuha ng maraming conversion hangga't maaari sa nakatakdang badyet o nakatakdang return on ad spend, gamitin ang mga sumusunod na strategy:
Bakit dapat gumamit ng Smart Bidding
Makukuha mo ang 4 na benepisyong ito kapag gumamit ka ng Smart Bidding:
- Nakakatulong ang Google AI na gumawa ng mga tumpak na hula sa buong account mo.
- Nakakatulong sa mga pag-optimize ng bid ang maraming iba't ibang signal ayon sa konteksto.
- Gamit ang mga flexible na kontrol ng performance, mako-customize mo ang mga setting para umakma sa mga natatanging layunin sa negosyo.
- Nagbibigay ang transparent na pag-uulat ng performance ng mas malalim na insight sa performance sa pag-bid.