Ang data ng bahagi ng impression ay nagbibigay ng mahahalagang insight sa kung gaano kadalas ipinapakita ang iyong mga ad para sa mga query kung saan ka kalahok. Kinakalkula ang sukatang ito sa pamamagitan ng pagkuha sa porsyento ng mga impression na natatanggap ng iyong mga ad kumpara sa kabuuang bilang ng mga impression na puwedeng makuha ng mga ad mo.
Tinatantya ang mga kwalipikadong impression gamit ang maraming salik, kasama na ang mga setting ng pag-target, status ng pag-apruba, at kalidad. Isinasaalang-alang namin ang lahat ng indibidwal na placement na naipakita sana ng isang partner kasama ang mga placesheet, at lahat ng slot sa carousel. Ang bahagi ng impression ay isang mahusay na paraan para maunawaan kung posible bang maabot ng iyong mga ad ang mas maraming tao kung tataasan mo ang iyong bid o badyet.
Ipinapakita sa iyo ng artikulong ito kung paano tingnan ang data ng bahagi ng impression at ang higit pang impormasyon kung paano gumagana ang bahagi ng impression.
Bago ka magsimula
Kung sa artikulong ito mo unang beses na narinig ang tungkol sa bahagi ng impression, alamin ang Tungkol sa bahagi ng impression.
Pag-access sa pag-uulat sa bahagi ng impression
Puwede mong i-access ang pag-uulat sa Bahagi ng Impression sa pamamagitan ng Google Ads user interface (UI) o application programming interface (API). Para sa Google Ads user interface (UI), puwede mong sundin ang mga hakbang na binanggit sa ibaba:
- Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Mga Campaign .
- I-click ang drop down na Mga Campaign sa menu ng seksyon.
- I-click ang Mga Campaign.
- Sa itaas, i-click ang drop-down na menu na Lahat ng campaign.
- Piliin ang Mga Travel campaign.
- I-click ang icon na Mga Column at i-click ang Lahat ng column.
- Mag-scroll pababa at i-click ang Mga sukatan ng kumpetisyon, lagyan ng check ang mga kahon sa tabi ng "Bahagi ng impr. sa paghahanap," "IS sa itaas sa paghahanap," at “IS sa pinakataas sa paghahanap.”
- I-click ang Ilapat.
Aling mga sukatan ang titingnan
Narito ang ilang sukatan na makakatulong sa iyong maunawaan ang iyong bahagi ng impression:
- Bahagi ng impression sa paghahanap: Ang mga impression na natanggap mo sa Search Network na hinati sa tinantyang bilang ng mga impression na kwalipikado mong matanggap.
- IS sa Itaas sa Paghahanap: Ang mga impression na natanggap mo sa itaas na lokasyon (kahit saan sa itaas ng mga organic na resulta ng paghahanap) kumpara sa tinantyang bilang ng mga impression na kwalipikado mong matanggap sa itaas na lokasyon.
- IS sa Pinakataas sa Paghahanap: Ang mga impression na natanggap mo sa pinakataas na lokasyon (ang pinakaunang ad sa itaas ng mga organic na resulta ng paghahanap) na hinati sa tinantyang bilang ng mga impression na kwalipikado mong matanggap sa itaas na lokasyon.