Paano bumuo ng grupo ng asset ng Performance Max gamit ang generative AI (English lang)

Ang mga asset ay napakahusay na tool para mahimok ang performance ng campaign, pero posibleng isa sa pinakamahihirap na bahagi ng pagsisimula at pag-optimize ng campaign ang paggawa ng mga asset.

Puwede mong gamitin ang Google AI para makatulong na bumuo ng grupo ng asset ng Performance Max sa ilang pag-click lang. Simula sa iyong website, mauunawaan ng Google AI kung ano ang ina-advertise mo at puwede itong bumuo o magmungkahi ng mga asset na text, larawan, logo, at video para sa iyo.

Ikaw ang may kontrol sa buong proseso: puwede mong piliin ang mga asset lang na naaangkop sa iyong negosyo at puwede kang bumuo ng mas marami pa ng gusto mo.

Sa page na ito

Pagiging kwalipikado

Inilulunsad ang generative AI sa Performance Max sa buong mundo sa mga advertiser na nakakatugon sa mga pamantayang nakabalangkas sa ibaba. Kung hindi ka makagamit ng generative AI sa iyong mga campaign, posibleng hindi pa available sa iyo ang mga feature na ito.

Mga kinakailangan sa advertiser

Mga kinakailangan sa URL at website

Hindi kwalipikado ang ilang URL at website para sa pagbuo ng asset. Kung maglalagay ka ng URL na hindi kwalipikado para sa awtomatikong pagbuo ng mga asset kapag gumagawa ng grupo ng asset, makakatanggap ka ng mensaheng magpo-prompt sa iyong magdagdag ng mga asset nang manual.

Posibleng hindi kwalipikado ang isang URL kung:

  • Nauugnay ito sa isang sensitibong kategorya, gaya ng mga page na nauugnay sa ilang partikular na kategorya sa politika, gobyerno, kalusugan, relihiyon, mga sensitibo o ipinagbabawal na produkto, o iba pang sensitibong isyu
  • Wala ito sa English
  • Na-publish ito kamakailan sa Internet

Magsimula

Para sa mga subtitle sa iyong wika, i-on ang mga caption sa YouTube. Piliin ang icon ng mga setting Larawan ng icon ng mga setting ng YouTube sa ibaba ng video player, pagkatapos ay piliin ang "Mga Subtitle/CC" at piliin ang iyong wika.


Puwede kang bumuo ng grupo ng asset ng Performance Max gamit ang Generative AI sa 2 paraan:

  • Kapag gumagawa ng bagong Performance Max campaign: Pagkatapos ng mga hakbang na “Pag-bid” at “Pagtatakda ng campaign,” may mapapansin kang hakbang na “Pagbuo ng asset,” na may panel para sa pagbuo ng mga asset.
  • Kapag gumagawa ng isa pang grupo ng asset sa kasalukuyang Performance Max campaign: Mag-navigate papunta sa page na “Mga grupo ng asset” sa isang kasalukuyang Performance Max campaign at i-click ang icon na plus para gumawa ng bagong grupo ng asset. May mapapansin kang panel na “Pagbuo ng asset” sa itaas ng screen.

Sa panel na “Pagbuo ng asset,” ilagay ang URL na gusto mong bisitahin ng mga tao kapag na-click nila ang iyong ad. Gagamitin ng Google AI ang page na ito para ibuod ang iyong mga produkto o serbisyo at para magmungkahi at bumuo ng mga asset sa susunod na screen.

I-edit ang buod ng produkto o serbisyo para tumugma ito sa ina-advertise mo sa grupo ng asset na ito at i-click ang “Bumuo ng mga asset.” Gagamitin lang ang buod ng produkto o serbisyo para tulungan kang bumuo ng mga asset at hindi ito gagamitin nang direkta bilang bahagi ng isang ad.

Pagkatapos i-click ang “Bumuo ng mga asset,” mapapansin mong bubuo ang Google AI ng mga headline, paglalarawan, at mahahabang headline, at magmumungkahi ito ng na-curate na hanay ng mga larawan (kasama ang mga pasadyang binuong larawan), logo, at pangalan ng iyong negosyo.

Laging ikaw ang may kontrol, at opsyonal ang pagbuo ng mga asset sa Google AI. Kung lalaktawan mo ang hakbang na “Pagbuo ng asset,” hindi magpi-prefill ng mga asset ang Google para sa iyong grupo ng asset. Kung pipiliin mong bumuo ng mga asset, puwede mong suriin ang lahat ng iyon at i-discard ang anumang hindi tumutugma sa iyong negosyo.

The image shows how to generate assets for your business.


Mga asset na text

Binubuo ang mga asset na text (gaya ng mga headline at paglalarawan) gamit ang mga pinakabagong pagpapahusay sa mga large language model (LLM) nang may pag-unawa kung ano ang nagpapahusay sa performance ng mga ad. Awtomatikong bubuo ang Google ng mga headline at paglalarawan batay sa iyong website at buod ng produkto o serbisyo.

Gagawa ka ng higit pang deadline o paglalarawan gamit ang sarili mong mga prompt sa pamamagitan ng pag-click sa button na “Bumuo ng mga headline” o “Bumuo ng mga paglalarawan” sa mga kaukulang seksyon ng mga ito at pag-type ng sarili mong prompt. Kapag bumuo ang Google AI ng mas maraming opsyon na puwede mong suriin, piliin ang mga gusto mo at i-click ang “I-save.”

The image shows how to generate headlines.


Mga asset para sa imahe

Nagku-curate at nagmumungkahi ng mga larawan ang Google AI batay sa kaugnayan at tinantyang performance ng mga ito mula sa website mo, mga dating ginamit na asset, mga stock asset, at mga bagong imaheng binuo ng AI na partikular sa iyong negosyo at sa mga produkto at serbisyo na tinukoy mo.

Puwede mong piliin ang mga larawang pinakanaaangkop sa iyong negosyo mula mismo sa na-curate na listahan, o puwede kang tumingin pa ng mga suhestyon sa pamamagitan ng pag-click sa “+ Mga Larawan.”

Puwede ka ring bumuo ng mga sarili mong larawan sa pamamagitan ng pag-click sa button na “Bumuo ng mga larawan.” Gamitin ang pagkamalikhain mo para magpagawa sa Google AI ng mga bagong larawan gamit ang content na naiisip mo. Halimbawa, puwede kang magpagawa ng “Elegant dogs on a color backdrop (mga eleganteng aso na nasa may kulay na backdrop)” na babagay sa isang campaign para sa laruan ng aso.

The image shows how to crop your image.


Mga asset na mga logo at pangalan ng negosyo

Kung nakagamit ka na ng logo o pangalan ng website para sa parehong domain ng website sa dating grupo ng asset ng Performance Max, posibleng na-prefill na ang mga asset na ito para sa iyo batay sa pinakakamakailan mong ginamit.

Kung hindi ka pa nakakagawa ng Performance Max campaign para sa website na ito, puwede kang makapansin ng mga suhestyon sa logo mula sa iyong website at ng na-prefill na pangalan ng negosyo batay sa website mo.


Mga asset na video

Kung hindi ka magbibigay ng video, posibleng awtomatikong gumawa ng bagong video gamit ang iba pang asset sa grupo ng asset pagkatapos mong i-publish ang iyong campaign.


Responsibilidad sa AI

Nakatuon kami sa pagtupad sa aming mga prinsipyo para sa pagbuo ng teknolohiya ng generative AI sa responsableng paraan at sa pinakamatataas na pamantayan para sa pagiging patas, privacy, at seguridad. Naglalaman ng mga gabay ang generative AI sa Google Ads para mapigilan ang aming mga system na gumamit ng mga hindi naaangkop o sensitibong prompt o magmungkahi ng mga creative na labag sa patakaran. Available ang higit pang impormasyon tungkol sa kaligtasan ng generative na imahe sa Google Ads dito.

Tandaan na ang generative AI ay pang-eksperimentong teknolohiya, at posible itong magpakita ng hindi tumpak o nakakapanakit na content na hindi kumakatawan sa mga pananaw ng Google. Huwag umasa sa mga feature ng generative AI sa Google Ads para sa payong medikal, legal, pinansyal, o iba pang propesyonal na payo. Habang nagbabago ang teknolohiyang ito, tuloy-tuloy naming sinusuri at pinapahusay ang aming diskarte para sa kaligtasan.

Sa pamamagitan ng feedback mo, magiging mas kapaki-pakinabang at ligtas ang Google AI. Puwede kang mag-ulat ng feedback sa pamamagitan ng pag-click sa icon ng feedback malapit sa binuong output.

Hindi garantisadong maaaprubahan ng Patakaran sa Mga Ad ang mga asset na ginawa ng generative AI. Halimbawa, kung minsan ay hindi naaaprubahan ang mga asset kasama ng iba pang asset, o alinsunod sa lokal na regulasyon.

Dapat mong suriin ang anumang binuo o iminumungkahing asset para matiyak na tumpak, hindi nakakalinlang, at hindi lumalabag ang mga ito sa anumang patakaran sa pag-advertise ng Google o naaangkop na batas bago i-publish ang mga ito.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

true
Achieve your advertising goals today!

Attend our Performance Max Masterclass, a livestream workshop session bringing together industry and Google ads PMax experts.

Register now

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
6098366591822960251
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false