Tungkol sa conversational experience sa Google Ads

Ang conversational experience ay isang bagong feature na batay sa chat na idinisenyo para pagsamahin ang iyong kahusayan at ang Google AI para mapabilis ang paggawa mo ng search campaign. Isa itong tool na gagamitin mo na makakatulong sa iyong mag-optimize ng mga search campaign sa pamamagitan ng mas madaling pagbuo ng text at mga asset na kakailanganin mo.

Sa page na ito


Paano ito gumagana

Makakatulong sa iyo ang conversational experience na mas madaling ma-optimize ang mga search ad mo sa pamamagitan ng pagsulit sa kahusayan mo gamit ang Google AI.

Puwede mong gamitin ang conversational experience para makatulong na mabuo ang iyong campaign sa efficient na paraan. Makakatulong ito sa iyong:

  • Gumawa ng mga bagong headline at paglalarawan ng search ad
  • Bumuo ng mga may kaugnayang keyword
  • Magmungkahi ng mga larawan
  • Magmungkahi ng mga sitelink

Pinapagana ang conversational experience ng mga large language model ng Google, na isang uri ng artificial intelligence na nakakaintindi at nakakabuo ng wika ng tao.

This animation guides you through the steps of using Conversational Experience in Google Ads to help build your campaign.

Ang unang hakbang ay ilagay ang URL ng gusto mong landing page. Awtomatikong bubuo ang Google AI ng maikling paglalarawan ng iyong negosyo na puwede mong i-edit.

Susunod, magmumungkahi ang Google AI ng mga nauugnay at epektibong keyword, headline, paglalarawan, larawan, at sitelink para sa iyong campaign.

Mananatili kang may kontrol habang patuloy mong ginagabayan ang pakikipag-usap sa Google AI at inaaprubahan (o binabago) ang lahat ng suhestyon bago mag-live ang campaign.

Tandaan: Dine-develop pa ang conversational experience, kaya posibleng may ilang limitasyon sa mga kakayahan nito.

Mga Requirement

  • Available lang ang conversational experience para sa paggawa ng bagong campaign, hindi para sa pagbabago ng mga kasalukuyang campaign (bagama't plano naming ilunsad ang functionality na ito sa huling bahagi ng taong ito.
  • Available ang conversational experience sa buong mundo para sa mga Search campaign kung saan nakatakda ang wika sa English.
    • Hindi lalabas ang tool kung wala kang access. Kung kwalipikado ka, mapapansin mong lumabas ang conversational experience tool sa iyong account sa proseso ng paggawa ng campaign.
  • Hindi makakatulong ang conversational experience sa mga domain na nasa mga sensitibong vertical o sub-vertical (halimbawa, sekswal na content at pagsusugal).

Mga tip sa paggamit ng conversational experience

Narito ang ilang tip kung paano gamitin ang conversational experience:

  • Panatilihing malinaw at hindi paligoy-ligoy ang iyong mga kahilingan.
  • Makipag-chat sa Google AI na para bang tao ang kausap mo.
  • Ibahin kung paano mo sinabi ang iyong kahilingan kung hindi ka kuntento sa sagot.
  • Siguraduhing sumusunod sa mga patakaran ng Google Ads ang iyong mga campaign.

Tandaan:

  • Available lang ang conversational experience para sa paggawa ng bagong campaign, hindi para sa pagbabago ng mga kasalukuyang campaign. Inaasahang ilulunsad ang kakayahang magbago ng mga kasalukuyang campaign sa huling bahagi ng 2024.
  • Posibleng mangailangan ng sandali ang conversational experience para maproseso ang iyong kahilingan.
  • Ang mga suhestyon sa larawan ay kinuha sa iyong landing page o binuo ng Google AI.
  • Sa ilang sitwasyon, posibleng hindi bumuo ang Google AI ng mga sagot na tumpak o may kaugnayan. Responsibilidad mong siguraduhin na tumpak at may kaugnayan ang mga suhestyong gagamitin mo bago mo gawing live ang iyong campaign.

Mga Tagubilin

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang button na gumawa Create Button, pagkatapos ay piliin ang Campaign.
  2. Magpatuloy sa proseso ng paggawa ng campaign.
  3. Kung kwalipikado ang iyong account, bibigyan ka ng opsyong gamitin ang bagong conversational experience para buuin ang search ad mo kapag nasa hakbang na "Mga keyword at ad" ka na.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
9544791052074318736
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false