Gumawa ng CPM Masthead campaign sa YouTube

Humihimok ang mga Masthead campaign sa YouTube ng malawak na abot at kaalaman sa pamamagitan ng kitang-kitang placement ng ad para sa iyong brand, produkto, o serbisyo sa homepage ng YouTube. Ang mga ad na ito na may mataas na visibility ay nananatili sa homepage ng YouTube para sa lahat ng device na nakaka-access ng YouTube. Gumawa sa Google Ads ng cost-per-thousand impression (CPM) Masthead campaign ng YouTube sa madaling paraan.

Sa artikulong ito, malalaman mo ang tungkol sa mga benepisyo ng paggawa ng CPM Masthead campaign sa YouTube.

Tandaan: Para sa Cost-Per-Hour (CPH) Masthead sa YouTube o mga ad kung saan pinapayagan ang anumang kategorya nang may mga limitasyon, makipag-ugnayan sa iyong sales representative ng Google.

Bago ka magsimula

Para sa mga campaign na may content sa mga sensitibong kategorya, kakailanganin mong itakda ang sarili mong mga paghihigpit sa pag-target at dapat sumunod ang iyong mga asset sa Masthead ad sa YouTube sa mga kinakailangan sa content ng masthead ad sa YouTube. Posibleng payagan ang ilang content na nauugnay sa alak, pagsusugal, o pulitika kung sumusunod ang content sa mga patakaran ng Google Ads.


Mga Benepisyo

  • Madaling pagpapatupad: Idagdag sa isang kasalukuyang CPM Masthead campaign sa YouTube o gumawa ng bago nang direkta sa Google Ads sa loob lang ng ilang minuto gamit ang kakayahang mag-customize.
  • Real-time na pag-uulat: Puwede mong i-access ang mga advanced na ulat at subaybayan ang pag-usad ng iyong campaign habang nangyayari ito.
  • Pinag-isang mga kakayahan sa pagsukat: Puwedeng ilapat ang mga solusyon sa pagsukat tulad ng Brand Lift surveys sa mga campaign sa pagpapareserba at auction.

Mga Tagubilin

Tandaan: Ang mga tagubilin sa ibaba ay bahagi ng bagong disenyo para sa experience ng user sa Google Ads. Para gamitin ang dating disenyo, i-click ang icon ng "Hitsura," at piliin ang Gamitin ang dating disenyo. Kung ginagamit mo ang dating bersyon ng Google Ads, suriin ang Quick reference na mapa o gamitin ang Search bar sa panel ng navigation sa itaas ng Google Ads para makita ang page na hinahanap mo.

Sundin ang mga hakbang na ito para gawin ang iyong CPM Masthead campaign sa YouTube:

Hakbang 1 sa 5: I-access ang Masthead sa Google Ads

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon na Mga Campaign Campaigns Icon.
  2. I-click ang drop down na Mga Campaign sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Mga Campaign.
  4. I-click ang plus button , pagkatapos ay piliin ang Bagong campaign.
  5. Piliin ang Kaalaman sa brand at abot
  6. Piliin ang Video bilang uri ng campaign mo.
  7. Piliin ang Pagpapareserba.
  8. Piliin ang Masthead.
  9. I-click ang Magpatuloy.

Hakbang 2 sa 5: Idagdag ang pangalan, badyet, at mga petsa ng paghahatid ng iyong Masthead campaign

  1. Sa seksyong “Mga setting ng campaign,” ilagay ang pangalan ng iyong campaign.
  2. Sa ilalim ng “Badyet at mga petsa,” ilagay ang uri at halaga ng iyong badyet.
  3. Itakda ang petsa ng pagsisimula ng iyong campaign.
    • Tandaan: Hindi mo mapipili ang oras ng pagsisimula ng iyong campaign.
  4. Pumili ng isa sa mga sumusunod para itakda ang petsa ng pagtatapos ng iyong campaign:
    • Pumili mula sa default na pagpipilian.
    • Maglagay ng partikular na petsa.

Hakbang 3 sa 5: Idagdag ang gusto mong pag-target ng Masthead campaign

Paano magdagdag ng pag-target ayon sa demograpiko, mga segment ng audience, at mga pagbubukod ng segment

  1. Sa seksyong “Ad group,” i-click ang drop down na Demograpiko sa ilalim ng “Mga Tao.”
  2. Piliin ang iyong pag-target ayon sa demograpiko.
  3. I-click ang drop down na Mga segment ng audience.
  4. Piliin o i-browse ang iyong mga segment ng audience.
  5. I-click ang drop down na Mga pagbubukod ng segment.
  6. Piliin o idagdag ang iyong mga pagbubukod ng segment.

Paano maglagay ng mga karagdagang setting ng pag-target.

  1. Sa seksyong “Mga setting ng campaign,” i-click ang Mga karagdagang setting sa ilalim ng “Feed ng produkto.”
  2. I-click ang drop down na Mga Device.
  3. Piliin ang “Ipakita sa lahat ng kwalipikadong device (mga computer, mobile, tablet, at mga TV screen).”
    • Tandaan: Kung gusto mong ituon ang iyong abot sa mga partikular na device, piliin ang “Magtakda ng partikular na pag-target para sa mga device.” Gayunpaman, hindi available ang “Mga Modelo ng Device.”
  4. I-click ang drop down na Capping ng dalas.
  5. Piliin ang uri ng cap ng dalas at ilagay ang mga gusto mong value:
    • Cap ng dalas ng impression: Limitahan kung ilang beses maipapakita ang iyong Masthead ad sa parehong user

Hakbang 4 sa 5: Idagdag, gawin, i-customize, at i-preview ang iyong Masthead ad

Paano idagdag ang kasalukuyan mong Masthead ad

  1. Sa seksyong “Mga Ad,” i-click ang drop down na Mayroon nang masthead ad sa ilalim ng “Gawin ang iyong mga video ad.”
  2. I-click ang I-import ang iyong ad.
  3. Ilagay ang URL mula sa Tool sa Pag-preview ng Masthead sa YouTube.
  4. I-click ang I-import.

Paano gumawa ng bagong Masthead ad

  1. Sa ilalim ng “Gawin ang iyong mga video ad,” hanapin ang video mo o ilagay ang URL mula sa YouTube.
  2. Ilagay ang iyong headline.
  3. (Opsyonal) I-tick ang checkbox ng call-to-action.
  4. (Opsyonal) Ilagay ang mga detalye ng iyong call-to-action.

Paano i-customize ang iyong Masthead ad

  1. Sa seksyong “Mga Ad,” i-click ang drop down na I-customize ang iyong ad sa ilalim ng “Magdagdag ng call-to-action.”
  2. Piliin ang layout ng pangunahin mong video.
  3. Piliin ang iyong pansuportang video at koleksyon ng imahe.
  4. Ilagay ang iyong pansuportang text ng paglalarawan.
  5. Itakda ang iyong timing ng autoplay.
Tandaan: Bagama't maraming opsyon para i-customize ang iyong ad, inirerekomenda naming ilapat mo ang iyong pag-customize o mga update sa Tool sa Pag-preview ng Masthead sa YouTube.

Paano i-preview o i-update ang iyong Masthead ad

  1. Sa kanang bahagi ng panel sa gilid ng "Gawin ang iyong mga video ad,” i-click ang I-preview ang ad sa Tool sa Pag-preview ng Masthead.
  2. Sa Tool sa Pag-preview ng Masthead sa YouTube, puwede mong ilapat ang iyong mga update.
  3. Kapag tapos ka na, i-click ang I-update ang preview.
Tandaan: Kung gagawa ka ng anumang pagbabago sa Tool sa Pag-preview ng Masthead sa YouTube, dapat mong i-import ang bagong URL sa iyong Masthead campaign sa YouTube sa Google Ads para matiyak na up to date ang mga pagbabago mo.

Matuto pa tungkol sa Mga alituntunin sa asset sa Masthead sa YouTube.


Hakbang 5 sa 5: Kumuha ng quote ng iyong Masthead campaign

Tandaan: Bago ka humiling ng quote, suriin ang mga checkbox sa ilallim ng "Mga paghihigpit ng patakaran sa ad" at isaad kung may kasamang pinaghihigpitang content (halimbawa, content na nauugnay sa alak, pagsusugal, o politika) ang iyong campaign.
  1. Sa seksyong "Quote," i-click ang Kumuha ng quote. Makakatanggap ka ng quote batay sa mga kasalukuyang setting ng campaign mo.
  2. I-click ang drop down na Ipakita ang mga detalye ng presyo para suriin ang mga detalye ng iyong quote.
  3. Kung gusto mo ng bagong quote, i-edit ang iyong mga setting ng campaign.
    • (Opsyonal) Sa ilalim ng "Availability," puwede mo ring tingnan ang tinatayang bilang ng mga impressiion na makukuha mo gamit ang inirerekomendang badyet. Para tanggapin, i-click ang Itakda ang badyet sa.
  4. Sa ilalim ng “Ipakita ang mga detalye ng presyo,” i-tick ang checkbox para kilalanin at tanggapin ang mga tuntunin at kundisyon para sa iyong campaign.
    • Para suriin ang lahat ng tuntunin at kundisyon bago mo gawin ang iyong campaign, i-click ang I-expand lahat.
  5. Sa ilalim ng "Tanggapin o i-hold ang quote," pumili ng isa sa mga sumusunod:
    • Tanggapin ang quote: Kumpirmahin kaagad
    • I-hold ang quote sa loob ng 14 na araw: I-hold sa loob ng 14 na araw
  6. I-click ang Gawin ang campaign.

Bilis ng mga CPM Masthead campaign

Posibleng hindi pantay-pantay o patas ang pagbabahagi ng bilis ng paghahatid ng CPM Masthead sa mga araw ng paggana, kahit na sinusubukan ng system ng paghahatid na i-optimize ang paghahatid. Puwedeng mag-iba-iba ang bilis ng paghahatid dahil sa iba't ibang salik. Halimbawa, posibleng iba ang bilis ng mga araw na may higit na campaign o mga araw na may higit na trapiko.

Mga interaction sa mga CPH Masthead campaign

Lahat ng gumaganang CPM Masthead campaign sa YouTube ay puwedeng makaranas ng mga pagkaantala sa paghahatid kapag gumagana rin sa parehong yugto ng panahon ang mga kasalukuyang Cost-Per-Hour (CPH) Masthead campaign. Ibig sabihin nito, ang simula ng paghahatid ng iyong mga CPM Masthead campaign sa YouTube ay puwedeng magsimula nang mas huli kaysa sa tinukoy mong pagsisimula ng campaign o hindi maihatid sa loob ng ilang partikular na yugto ng panahon. Makikita ito sa ulat bawat oras sa Google Ads.

Halimbawa, kung nakaiskedyul na magsimula ang unang araw ng iyong CPM Masthead campaign sa YouTube nang 12 AM, pero may dati nang CPH Masthead campaign na gumagana mula 12 AM hanggang 1 AM, hindi magsisimula ang iyong CPM Masthead campaign hanggang sa matapos ang CPH Masthead campaign. Gayunpaman, makakakuha at makakapaghatid pa rin ang iyong CPM Masthead campaign tulad ng inaasahan kapag nagbalik ng available na imbentaryo ang hula. Sa bihirang sitwasyon ng hindi sapat na paghahatid sa isang CPM Masthead campaign, sisingilin ka lang para sa halaga ng mga impression na inihatid. Para matiyak ang paghahatid sa loob ng isang partikular na oras, gumamit ng CPH Masthead.


Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16210612714534634102
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false