Tungkol sa nag-e-expire na access sa iyong Google Ads account

Nagbibigay-daan sa iyo ang nag-e-expire na access na magtalaga sa mga tao ng pansamantalang access sa Google Ads account mo. Sa feature na ito, makakapagtakda ka ng petsa ng pag-expire para sa access sa account mo, kaya nagiging mas madali ang pamamahala ng mga pansamantalang user.

Sa page na ito


Mga Benepisyo

Sa pana-panahon, puwede mong ipa-access sa mga pansamantalang user ang iyong Google Ads account para sa iba't ibang dahilan tulad ng mga konsultasyon. Sa pamamagitan ng nag-e-expire na access, puwede kang magtakda ng petsa kung kailan awtomatikong matatapos ang access ng mga pansamantalang user na ito. Ginagawang mas madali ng feature na ito na pamahalaan ang iyong account nang hindi nag-aalala sa manual na pag-aalis ng ibang mga access ng mga user. Mas malamang na hindi ka mag-alala tungkol sa hindi pinapahintulutang access sa iyong mga account kung magtatakda ka ng mga petsa ng pag-expire para sa mga pansamantalang user.

Inaabisuhan din ng nag-e-expire na access ang mga user kapag malapit nang mag-expire ang kanilang access, o kung nag-expire na ito. Bilang administrator ng iyong Google Ads account, makakatanggap ka ng email 7 araw bago, at isang araw bago mag-expire ang pansamantalang access sa account. Nagbibigay-daan ito sa iyong i-extend ang kanilang access, kung kinakailangan, bago mag-expire ang kanilang access.

Makakatanggap din ng email ang sinumang binigyan mo ng nag-e-expire na access sa iyong account 7 araw bago at isang araw bago matapos ang kanyang access. Mabibigyan sila nito ng oras na gumawa sa iyong account at matiyak na alam nila kung kailan mag-e-expire ang kanilang access.

Kapag nag-expire ang access ng isang user, aalisin siya sa iyong Google Ads account. Ikaw at ang iba pang administrator ng iyong account ay makakatanggap ng mga alerto kapag inalis siya.


Itakda at baguhin ang mga petsa ng pag-expire ng access

Para magtakda ng petsa ng pag-expire ng access para sa isang bagong user, sundin ang mga hakbang na ito.

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon na Admin Admin Icon.
  2. I-click ang Access at seguridad.
  3. I-click ang plus button .
  4. Ilagay ang email address para sa inimbitahan mo
  5. May lalabas na petsa sa iyong page. Ilagay ang petsa ng pag-expire na gusto mo para sa user. Itatakda sa "Hindi Kailanman" ang default na petsa ng pag-expire.
  6. Piliin ang level ng access para sa bagong user.
  7. I-click ang Ipadala ang imbitasyon.
  8. Pagkatapos tanggapin ng tao ang iyong email na imbitasyon, makakatanggap ka ng notification sa account mo. Kung kailangan mong bawiin ang kanilang imbitasyon, i-click ang Bawiin sa column na "Mga Pagkilos."

Para baguhin ang petsa ng pag-expire, sundin ang mga hakbang na ito.

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon na Admin Admin Icon.
  2. I-click ang Access at seguridad.
  3. Itapat ang iyong cursor sa petsa ng pag-expire ng user sa column na "Mag-e-expire ang access sa," pagkatapos ay i-click ang lalabas na icon na lapis Mag-edit ng setting, icon na lapis para pumili ng bagong petsa ng pag-expire para sa user. Makakatanggap siya ng email bilang abiso ng bagong petsa ng pag-expire.

Kapag binago ang petsa ng pag-expire ng mga user sa iyong account, hindi mababago ang kanilang mga level ng access.

Tandaan: Puwede kang pumili ng anumang petsa na nagsisimula sa kasalukuyang araw sa kalendaryo bilang ang petsa ng pag-expire ng access. Mag-e-expire ang access nang 11:59 PM sa petsa na pinili mo. Ang gagamiting timezone ay ang timezone ng iyong account.

Pag-expire ng access ng user

Magpapadala ang Google Ads ng mga email sa iyo at sa mga apektdaong user 7 araw bago, at isang araw bago mag-expire ang kanilang access. Ang mga user na nag-expire na ang access ay hindi na lalabas sa talahanayan sa iyong page na Access at seguridad. 

Kapag nag-expire ang access ng isang user, aalisin siya sa iyong Google Ads account. Kailangan mo o ng ibang administrator na imbitahan ulit sila bilang bagong user.


Mga madalas itanong

Anong mangyayari sa mga user kapag nag-expire na ang kanilang access?

Kapag nag-expire ang access ng user, aalisin siya sa iyong Google Ads account. Ibig sabihin, hindi na siya makakagawa ng anumang pagbabago o makakakita ng impormasyon sa iyong account. Kakailanganin mong idagdag ulit siya bilang bagong user para maibalik ang kanyang access.

Anong ginagamit na timezone sa pag-expire ng access?

Ang timezone na ginagamit para kalkulahin ang pag-expire ng access ay ang timezone na ginagamit ng iyong account. Kung nakikipagtulungan ka sa mga taong nasa ibang mga timezone, tiyaking paalalahanan sila na ang petsa ng pag-expire ng kanilang access ay batay sa timezone ng iyong account, hindi sa timezone nila.

Ano ang mga default na setting at pagbabago sa talahanayan ng user?

Bilang default, itatakda sa “Hindi Kailanman” ang “petsa ng pag-expire ng access ng user.” Sa talahanayan ng user, magkakaroon na ngayon ng karagdagang column na "Mag-e-expire ang Access sa."

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17616264059318620676
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false