Kapag nag-upgrade ka ng mga kwalipikadong campaign para gawing Performance Max, magiging hiwalay na Performance Max campaign ang bawat na-upgrade na campaign. Mapipili mong panatilihing magkakahiwalay ang mga ito, at sa ganitong sitwasyon, gagana ang mga ito kasabay ng bawat isa tulad ng maraming Search o Display campaign.
Gayunpaman, kung gusto mong pagsama-samahin ang maraming na-upgrade na badyet ng campaign sa isang dati nang Performance Max campaign, tandaan ang mga sumusunod:
- Siguraduhing magkakapareho ang mga setting ng mga na-upgrade at orihinal na Performance Max campaign, kabilang ang:
- Mga layunin o setup ng pagsubaybay sa conversion (halimbawa, gamit ang parehong account ng pagsubaybay sa conversion, iisang account man ito o manager account)
- Strategy sa pag-bid
- Target na CPA o mga target na ROAS
- Mga setting ng lokasyon, kabilang ang
- Positibong pag-target (“Presensya o interes” o “Presensya lang”)
- Negatibong pag-target (“Presensya lang”)
- Mga setting ng wika
- Mga panuntunan sa halaga ng conversion
- Mga landing page
- Mga grupo ng asset / creative, na posibleng i-prompt kang magdagdag kapag nag-a-upgrade sa Performance Max o kapag na-upgrade na (kabilang ang mga larawan, text, siteline, callout, atbp.)
- Mga negatibong keyword sa level ng account (kung nasa magkakaibang account)
- Lahat ng iba pang setting
- Kung magkapareho ang 2 campaign, dapat pareho lang ang maging performance kapag inilipat ang badyet mula sa na-upgrade na Performance Max campaign papunta sa iba pa. Kung plano mong ikaw mismo ang maglipat ng badyet, inirerekomendang gawin ito sa mga increment na 20% linggo-linggo para sa smooth na transition.
Mga Madalas Itanong
Dapat ba akong magsama-sama ng maraming Performance Max campaign sa account ko?
Bagama't mas magandang magkaroon ng kaunting campaign hangga't posible sa iisang account, katanggap-tanggap ang maraming Performance Max campaign kung naaangkop ito sa iyong mga layunin (halimbawa, magkakahiwalay na setting, layunin, o badyet). Posibleng may ilang magbabago sa performance sa pagitan ng mga campaign, pero wala dapat maging negatibong epekto sa performance sa level ng account. Hindi maglalaban-laban ang mga Performance Max campaign na nasa iisang account, at ang may pinakamataas na ad rank ang isasali sa auction.
Dapat ko bang manual na ilipat ang mga DSA o GDA na badyet ng campaign ko sa dati nang Performance Max campaign?
Kahit ang maliliit na pagkakaiba-iba sa pagitan ng mga setting ng campaign ay posibleng magdulot ng malaking epekto sa performance at posibleng maging mahirap na ma-diagnose ang mga pagkakaiba-iba sa performance dahil sa mga ito. Kaya naman lubos naming inirerekomendang maghintay hanggang sa may mapansin kang Rekomendasyon sa iyong account na kwalipikado ang iyong campaign na mag-upgrade sa Performance Max. Gamit ang tool sa pag-upgrade, dumadali ang pag-upgrade ng mga campaign nang walang anumang posibleng error para maging magkakatuloy ang iyong mga resulta, at nagbibigay-daan ito sa iyo na maghambing ng performance bago at pagkatapos mag-upgrade. Kapag na-upgrade na ang iyong mga campaign, kung gusto mong pagsama-samahin ang mga Performance Max campaign na iyon, inirerekomenda naming ilipat ang badyet ng isang campaign sa mga increment na 20% linggo-linggo para matiyak ang pagkakaroon ng smooth na transition.
Ano ang magiging interaction ng na-upgrade na campaign sa mga Performance Max campaign na kasalukuyang gumagana sa account ko?
Depende sa mga setting ng campaign ng na-upgrade na campaign at ng kasalukuyang Performance Max campaign, ang mga campaign na ito ay posibleng maging kwalipikado o hindi kwalipikadong maghatid ng mga ad sa parehong mga user. Kung kwalipikado ang mga campaign para sa parehong trapiko dahil sa mga katulad na setting at pag-target, tulad ng lahat ng iba mo pang campaign na posibleng may ilang pag-overlap, ang ad na may pinakamataas na ad rank ang ihahatid.