Nakakatulong sa iyo ang mga Performance Max campaign na i-promote ang mga produkto mo at mapataas ang trapiko sa pamamagitan ng may bayad na pag-advertise.
Sa page na ito
- Tungkol sa mga Shopping ad at Performance Max
- Mga benepisyo para sa mga user ng Shopify
- Gumawa ng Performance Max campaign sa Shopify
Tungkol sa mga Shopping ad at Performance Max
Mga Shopping ad
Ginagamit ng mga Shopping ad ang iyong kasalukuyang data ng produkto para pagpasyahan kung paano at saan ipapakita ang mga ad mo. Nagpapakita ang mga Shopping ad sa mga customer ng larawan ng iyong produkto, na may kasamang pamagat, presyo, pangalan ng tindahan, at higit pa. Ang mga ad na ito ay nagbibigay sa mga customer ng malawak na kaalaman sa produkto na ibinebenta mo bago nila i-click ang ad, na nagbibigay sa iyo ng mas maraming kwalipikadong lead.
Papamahalaan mo ang iyong mga Shopping ad sa Google Ads gamit ang mga Performance Max campaign, isang simple at flexible na paraan para isaayos at i-promote ang imbentaryo ng produkto mo sa Shopify sa Google Ads. Matuto pa Tungkol sa mga Shopping ad
Performance Max
Ang Performance Max ay isang uri ng campaign na batay sa performance na tumutulong sa iyo na makahanap ng higit pang customer at matugunan ang mga layunin mo sa pamamagitan ng paghahatid ng mga ad sa iba't ibang surface ng Google kabilang ang YouTube, Display, Search, Discover, Gmail, at Maps. Para magawa ito, tinitingnan ng Performance Max ang mga input ng campaign tulad ng iyong badyet, feed ng produkto mo, at bansa kung saan available ang iyong mga produkto, at pagkatapos ay ino-optimize nito ang performance batay sa mga input na iyon.
Kung gusto mo ng higit pang kontrol sa campaign (tulad ng mga opsyon sa pag-bid), puwede mong gamitin ang Google Ads para i-edit ang ad. Matuto pa tungkol sa mga feature na available para sa Performance Max sa Google Ads.
Mga benepisyo para sa mga user ng Shopify
Pag-track sa campaign
Tinutulungan ka ng Performance Max na suriin ang epekto ng iyong mga marketing campaign sa pamamagitan ng pagbibigay-daan sa iyo na i-track ang mga partikular na pagkilos na ginagawa ng mga customer mo. Kapag gumawa ka ng campaign, may ilang pagkilos na conversion na awtomatikong idinaragdag sa iyong Google Ads account at awtomatikong sine-set up ang pagsubaybay sa conversion para sa store mo.
I-optimize ang experience sa pamimili ng customer mo
Ang tagumpay ng iyong campaign ay puwedeng maapektuhan batay sa kung ano ang mangyayari pagkatapos nilang mag-click sa ad mo. Kapag naunawaan mo ang gawi ng iyong mga customer pagkarating nila sa store mo, mapapaganda mo ang experience nila sa pamimili.
Magsimula
Bago isama ang iyong mga Performance Max campaign sa Shopify, kakailanganin mong i-set up ang Google at YouTube app sa Shopify.
Kapag tapos mo na ang hakbang na ito, mali-link ang iyong mga Merchant Center at Shopify account. Palaging io-overwrite ng impormasyon mula sa iyong Shopify account ang impormasyon sa Merchant Center account mo, kaya dapat sa iyong Shopify account lang gawin ang anumang update o iba pang pagbabago.
Ang pagbubukod lang dito ay para sa mga campaign ng ad. Ang mga pagbabago sa mga campaign ng ad ay dapat gawin sa iyong Merchant Center o Google Ads account at hindi ino-overwrite ng mga pagbabagong gagawin sa Shopify ang mga ito.
Bukod pa sa pag-set up sa Google at YouTube app sa Shopify, kakailanganin mo ring gumawa at/o mag-link ng Google Ads account at mag-set up ng pagsingil sa Google Ads. Ngayon, magiging handa ka nang mamahala o gumawa ng mga bagong Performance Max campaign sa Merchant Center.
Gumawa ng Performance Max campaign sa Shopify
- Sa Shopify, mag-navigate papunta sa Google at YouTube app.
- Mag-scroll pababa papunta sa module ng Performance Max campaign.
- I-link ang iyong Google Ads account sa Shopify account mo
- Kung mayroon ka nang Google Ads account, puwede mo itong piliin sa listahan.
- Kung wala kang Google Ads account, puwede kang gumawa ng bago.
- Kung hindi ka pa tapos mag-set up ng pagsingil, ire-redirect ka sa Google Ads para ibigay ang iyong impormasyon sa pagbabayad.
- I-click ang Gawin ang Campaign. Ire-redirect ka sa page na “Campaign ng Mga Ad” sa Merchant Center.
- Sa Merchant Center, i-click ang Gumawa ng campaign.
- Idagdag ang mga kinakailangang detalye, pagkatapos ay i-click ang Gawin. Matuto pa tungkol sa kung paano Gumawa ng Performance Max campaign sa Merchant Center.
Kapag live na ang iyong campaign, masusubaybayan mo ang performance nito sa Google Merchant Center.