Tungkol sa bagong page na Mga Setting ng Pagsingil

Simula sa Nobyembre 2022, gagawa ang Google ng mga pagbabago sa hitsura at dating ng page na Mga Setting ng Pagsingil para sa mga customer na nasa awtomatiko at manual na pagbabayad. Magiging available pa rin ang lahat ng element ng kasalukuyang page na Mga Setting pero magbabago ang disenyo para gawin itong mas simple at mas madaling gamitin. Walang mangyayaring pagbabago para sa mga customer na nasa buwanang pag-invoice.

Ang page na Mga Setting ng Pagsingil, na makikita sa ilalim ng seksyong “Mga Setting” ng “Pagsingil” Icon ng Pagsingil sa Pangunahing menu, ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa iyong mga paraan ng pagbabayad, kung paano ka nagbabayad, mga detalye ng nagbabayad, mga user ng mga pagbabayad at contact sa mga pagbabayad, at Google Payments account mo. Nakalagay na ngayon sa mga seksyon ang impormasyon sa page. Puwede mong buksan ang bawat seksyon sa pamamagitan ng pag-click dito o sa pamamagitan ng pag-click sa chevron sa kanang bahagi nito.

Mga paraan ng pagbabayad

Sa seksyong “Mga paraan ng pagbabayad,” puwede mong tingnan at pamahalaan ang iyong (mga) pangunahing anyo ng pagbabayad, at magdagdag ng bagong paraan ng pagbabayad, o ng backup na paraan ng pagbabayad. Para sa mga customer na nasa manual na pagbabayad, makikita mo ang huli mong ginamit na paraan ng pagbabayad. I-click ang “Pamahalaan ang mga paraan ng pagbabayad” para pumunta sa page na “Mga paraan ng pagbabayad” sa Google Ads. Para matuto pa tungkol sa mga available na paraan ng pagbabayad sa iyong bansa, pumunta sa page ng help center na ito.

Paano ka nagbabayad

Sa seksyong “Paano ka nagbabayad,” puwede mong suriin ang paraan mo ng pagbabayad para sa Google Ads. Depende sa kung aling mga opsyon ang available sa iyong account, puwede mong i-update ang iyong mga setting ng pagbabayad para magpalipat-lipat sa mga manual o awtomatikong pagbabayad, at i-update ang threshold mo sa pagbabayad. Para matuto pa tungkol sa iyong mga setting ng pagbabayad, bisitahin ang artikulong ito.

Mga user ng mga pagbabayad/contact sa mga pagbabayad

Depende sa uri ng account mo, puwede kang makakita ng seksyon para sa Mga user ng mga pagbabayad o Mga contact sa mga pagbabayad. Sa seksyong ito, puwede mong tingnan ang mga user o contact na nakatanggap ng mga komunikasayong may kaugnayan sa Mga Pagbabayad, tulad ng mga abiso sa pag-expire ng paraan ng pagbabayad. Kung isa kang Admin user, puwede mong i-click ang Magdagdag ng bagong user para magdagdag ng pangalan, email address, at mga kagustuhan sa email para mag-set up ng mga bagong user ng mga pagbabayad. Kung hindi ka Admin user, kakailanganin mong hilingin sa iyong Admin na magdagdag ng bagong user o makipag-ugnayan sa suporta sa Google Ads.

Mga detalye ng magbabayad

Ipinapakita ng seksyong “Mga detalye ng magbabayad” sa ibaba ang impormasyon tungkol sa tao o party na responsable sa pagbabayad sa iyong Ads account. Sa seksyong ito, puwede mong makita ang iyong Payments profile ID, bansa/rehiyon at currency, uri ng account, pangalan, address, at mga kagustuhan sa wika ng dokumento. I-click ang icon na lapis Mag-edit ng setting, icon na lapis kung saan available para mag-update ng mga field, at i-click ang I-save kapag tapos ka nang gumawa ng mga update.

Google Payments account

Sa seksyong “Google Payments account,” puwede mong tingnan ang iyong Google Payments account ID, at ang nickname mo sa Payments account. Makakatulong ang impormasyong kung kailangan mong makipag-ugnayan sa suporta. I-click ang icon na lapis Mag-edit ng setting, icon na lapis para i-update ang mga nae-edit na seksyon at i-click ang I-save kapag tapos ka nang gumawa ng mga pagbabago.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
4171845804498660124
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false