Gumawa ng bagong Google Ads account gamit ang hindi HRK na currency

Sa Enero 1, 2023, magiging Euro (EUR) na, mula sa Croatian Kuna (HRK), ang opisyal na currency ng Croatia. Alinsunod dito, dapat gawin ang mga pagbili sa Google Ads sa currency na bukod sa HRK simula Enero 1, 2023.

Sa Disyembre 31, 2022, made-deactivate ang lahat ng Google Ads account na nagpapagana ng aktibidad sa HRK. Ibig sabihin, simula sa petsang iyon, kung naka-set up ang iyong Google Ads account sa HRK bilang currency nito, hindi ka na makakapag-advertise gamit ang kasalukuyan mong Google Ads account.

Kailangan ng aksyon

Hindi maaaring baguhin ang mga setting ng currency sa isang kasalukuyang Google Ads account. Para patuloy na makapag-advertise gamit ang mga campaign na kasalukuyang gumagana sa isang HRK account, gawin ang mga sumusunod na hakbang bago ang Disyembre 31, 2022.

  1. Gumawa ng bagong Google Ads account, na tinitiyak na pipili ka ng hindi HRK na currency bilang ang currency ng account.
  2. I-set up ang iyong paraan ng pagbabayad.
  3. Ilipat sa bagong account ang mga campaign at setting ng dati mong account na gumagamit ng IDR. Puwede mong gamitin ang Google Ads Editor para ilipat ang mga campaign at setting ng iyong Google Ads mula sa isang account patungo sa isa pa.
  4. Kapag aktibo na ang iyong bagong Google Ads account, kanselahin ang dati mong Google Ads account na gumagamit ng IDR.

Kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa pagbabagong ito, makipag-ugnayan sa iyong account manager o sa suporta ng Google Ads.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
10140320480286126168
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false