Gumamit ng mga label ng feed para mag-advertise ng mga produkto mula sa mga partikular na feed

A custom icon for Merchant Center Classic Article Header.

Sa pamamagitan ng mga label ng feed, magagawa mong i-advertise ang lahat ng produktong may parehong label ng feed sa isang Shopping o Performance Max campaign. Isang label ng feed lang ang mapipili mo sa bawat campaign. Nagbibigay ng higit na flexibility sa pag-target ng campaign ang mga label ng feed. Halimbawa, ang mga feed na gumagamit ng iisang wika ay puwedeng bigyan ng iisang label ng feed para mapadali ang pag-target sa mga feed na iyon sa isang campaign.

Tandaan: Simula sa Disyembre 14, 2023, ang opsyong “label ng feed” lang ang mapipili mo para sa pag-target ng produkto para sa mga bagong Standard Shopping na campaign o Performance Max campaign sa Merchant Center. Hindi na magiging available ang “pinagbebentahang bansa.” Hindi maaapektuhan ang mga kasalukuyang campaign na gumagamit ng “pinagbebentahang bansa.”

Dati, pinipili ang mga produkto para sa mga campaign batay sa “pinagbebentahang bansa.” Kung gumamit ka ng “pinagbebentahang bansa” para pumili ng mga produkto para sa iyong mga ad campaign, magagamit ang mga label ng feed bilang kapalit para magpatuloy sa pag-uuri sa iba't iba mong feed ayon sa bansa para puwede mong panatilihin ang kasalukuyan mong istruktura ng campaign. Para sa mga campaign na ginawa bago magkaroon ng mga label ng feed, awtomatikong itatakda ang label ng feed sa 2 titik na country code ng orihinal na field na “pangunahing pinagbebentahang bansa,” para matiyak na magpapatuloy nang walang patid ang anumang kasalukuyang pag-target. Matuto pa tungkol sa kung paano Magpakita ng mga produkto sa lahat ng bansa gamit ang isang feed.

Kung magdaragdag ka ng label ng feed, idu-duplicate ang lahat ng produkto sa feed na ito at hindi magkakaroon ng history ng performance ang mga kopya.

Tutukuyin ng label ng feed na pipiliin mo kung aling mga feed mula sa piniling Merchant Center account ang puwedeng i-advertise sa campaign na ito. Puwede mong pamahalaan ang iyong mga label ng feed sa Merchant Center.

Mga Tagubilin

Magdagdag ng label sa iyong feed sa Merchant Center

Puwede lang magkaroon ng isang label ng feed at isang wika ang bawat feed sa Merchant Center.

  • Para sa mga bagong feed: Pumili ng isang label ng feed at wika kapag ginawa mo ang mga ito.
  • Para sa mga kasalukuyang feed na maraming label/wika: Puwede mo pa ring i-edit ang mga ito sa ngayon, pero sa paglaon, kailangang may tig-iisang label at wika lang ang mga ito.
  1. Sa iyong Merchant Center account, mula sa menu ng navigation, i-click ang Mga Produkto.
  2. Sa ilalim ng Mga Produkto, i-click ang Mga Feed at pagkatapos ay piliin kung aling feed ang gusto mong dagdagan ng label.
  3. I-click ang tab na Mga Setting.
  4. I-click ang menu na tatlong tuldok, pagkatapos ay piliin ang Magdagdag ng label ng feed (advanced).
  5. Sa “Mga target na bansa,” i-click ang Magdagdag ng mga bansa para piliin ang iyong mga target na bansa, at i-click ang I-save.
  6. Sa walang lamang field, magdagdag ng kahit anong pangalang gusto mo para matukoy ang iyong feed (hanggang 20 character). Ang mga sinusuportahang character ay A-Z (sa upper case lang), 0-9 at "-", at puwedeng walang space.
  7. Piliin ang mga destinasyon para sa feed na ito.
  8. I-click ang Idagdag.

Tandaan

  • Ang wika ay isang setting sa antas ng feed, kaya hindi ka magkakaroon ng opsyong pumili ng wika kapag nagdaragdag ng label ng feed sa dati nang feed.
  • Kinakailangang field ang "Label ng feed" kapag gumagawa ng feed (kung hindi lang isang label ng feed ang ginagamit mo sa iyong account).

Pumili ng label ng feed para sa iyong campaign sa Google Ads

Tandaan: Ang mga tagubilin sa ibaba ay bahagi ng bagong disenyo para sa experience ng user sa Google Ads. Para gamitin ang dating disenyo, i-click ang icon ng "Hitsura," at piliin ang Gamitin ang dating disenyo. Kung ginagamit mo ang dating bersyon ng Google Ads, suriin ang Quick reference na mapa o gamitin ang Search bar sa panel ng navigation sa itaas ng Google Ads para makita ang page na hinahanap mo.

Kung gagawa ka ng bagong campaign:

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Mga Campaign Campaigns Icon.
  2. I-click ang drop down na Mga Campaign sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Mga Campaign.
  4. I-click ang plus button , pagkatapos ay piliin ang Bagong campaign.
  5. Pumili ng layunin para sa iyong campaign.
  6. Piliin ang Shopping o Performance Max bilang uri ng iyong campaign.
  7. Piliin ang Merchant Center account na may mga produktong gusto mong i-advertise. Kung wala kang makitang kahit anong account dito, kakailanganin mo munang i-link ang iyong Merchant Center at Google Ads account. Hindi mo mababago ang merchant pagkatapos mong gawin ang campaign.
  8. Pumili ng mga feed na naglalaman ng mga produktong gusto mong i-advertise sa campaign na ito, sa pamamagitan ng pagpili ng partikular na label ng feed o pinagbebentahang bansa.

Kung magdaragdag ka sa dati nang campaign:

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Mga Campaign Campaigns Icon.
  2. I-click ang drop down na Mga Campaign sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Mga Campaign.
  4. Mag-navigate papunta sa tab na Mga Setting.
  5. Pumili ng mga feed na naglalaman ng mga produktong gusto mong i-advertise sa campaign na ito sa pamamagitan ng pagpili ng partikular na label ng feed o pinagbebentahang bansa.

Kung magdaragdag sa maraming dati nang campaign:

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Mga Campaign Campaigns Icon.
  2. I-click ang drop down na Mga Campaign sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Mga Campaign.
  4. Piliin ang mga campaign na gusto mong ilipat sa label ng feed mula sa pinagbebentahang bansa.
  5. Mag-click sa button na I-edit pagkatapos mapili ang mga campaign.
  6. Piliin ang “Alisin ang pinagbebentahang bansa.”
  7. Piliin ang “Gamitin ang lahat ng available na feed” o pumili ng mga partikular na label ng feed.
  8. Kung pumili ka ng partikular na label ng feed, kakailanganin mong tukuyin kung aling label ng feed ang idaragdag.
  9. I-click ang Ilapat para kumpirmahin ang napili mo.

Tandaan

  • Tutukuyin ng label ng feed na pipiliin mo para sa campaign na ito kung aling mga feed mula sa piniling Merchant Center account ang puwedeng i-advertise sa campaign na ito. Puwede mong i-edit ang iyong mga label ng feed sa Merchant Center.
  • Sa ngayon, available lang ang mga label ng feed para sa mga Standard Shopping, Smart Shopping, at Performance Max campaign. Patuloy na gagamitin ng iba pang uri ng campaign ang pinagbebentahang bansa.

Pumili ng label ng feed para sa iyong campaign sa Merchant Center

Kung gumagawa ng bagong campaign o nag-e-edit ng kasalukuyang campaign sa Merchant Center:

  1. Sa Merchant Center, pumunta sa Marketing > Mga ad campaign sa menu ng navigation.
  2. Kung gumagawa ka ng campaign, i-click ang Bagong campaign. Kung nag-a-update ka ng dati nang campaign, i-click ang I-edit ang campaign.
  3. I-click ang Pumili ng mga partikular na feed. Makakakita ka ng opsyong pumili ng iba't ibang feed para sa campaign.
  4. Pumili ng label ng feed para ilapat ito sa campaign.
  5. Tapusin ang paggawa o pag-edit sa campaign. Pagkatapos mong kumpirmahin ang iyong mga pagbabago, sisimulang gamitin ng campaign mo ang feed.

Tandaan

  • Kung isang label ng feed lang ang mayroon ka, posibleng hindi available ang opsyong pumili ng label ng feed kapag gumagawa ng campaign sa Merchant Center.
  • Para sa mga merchant na dating nagta-target ng kanilang mga campaign gamit ang field na "pangunahing pinagbebentahang bansa," nagbibigay-daan sa iyo ang mga label ng feed na tumukoy ng country-code na may 2 titik (para mai-target mo pa rin ang iyong mga campaign ayon sa bansa).

 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
358061863969607391
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false