Tungkol sa ulat sa mga diagnostic ng Ads API ng mga pinahusay na conversion para sa web

Ang mga pinahusay na conversion ay isang feature na nagpapahusay sa katumpakan ng iyong pagsukat ng conversion. Sinusuportahan nito ang iyong kasalukuyang data ng conversion sa pamamagitan ng pagpapadala ng na-hash na data ng customer mula sa first party sa paraang ligtas ang privacy. Pagkatapos, ihahambing ang na-hash na data ng customer sa na-hash na data ng customer ng mga naka-sign in na Google account at ina-attribute ito sa mga event ng ad para makatulong na sukatin ang mga conversion ng iyong campaign.

Lumipat sa in-page code o Ads API para sa mahuhusay na resulta

Kapag na-set up mo na ang mga pinahusay na conversion sa Google Ads API, i-validate kung epektibong gumagana ang iyong mga pinahusay na conversion sa ulat sa mga diagnostic ng Ads API ng mga pinahusay na conversion. Nakakatulong sa iyo ang ulat sa mga diagnostic na tukuyin ang mga isyu sa pagpapatupad ng mga pinahusay na conversion.

Tandaan: Tinatalakay lang ng artikulong ito ang ulat sa mga diagnostic ng Ads API ng mga pinahusay na conversion. Kung gumamit ka ng Google tag o Google Tag Manager para ipatupad ang mga pinahusay na conversion, puwede kang magbasa tungkol sa ulat sa mga diagnostic ng tag ng mga pinahusay na conversion.

Paano ito gumagana

Nakakatulong sa iyo ang ulat sa mga diagnostic ng Ads API ng mga pinahusay na conversion na i-diagnose ang kalagayan ng set-up ng Ads API ng mga pinahusay na conversion mo at maunawaan kung gaano kaepektibo ang pag-recover mo ng data ng conversion.

Tingnan ang iyong ulat sa mga diagnostic ng Ads API ng mga pinahusay na conversion mula sa page ng mga conversion

Tandaan: Ang mga tagubilin sa ibaba ay bahagi ng bagong disenyo para sa experience ng user sa Google Ads. Para gamitin ang dating disenyo, i-click ang icon ng "Hitsura," at piliin ang Gamitin ang dating disenyo. Kung ginagamit mo ang dating bersyon ng Google Ads, suriin ang Quick reference na mapa o gamitin ang Search bar sa panel ng navigation sa itaas ng Google Ads para makita ang page na hinahanap mo.
  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Mga Layunin Goals Icon.
  2. I-click ang drop down na Mga Conversion sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Buod.
  4. Sa talahanayan ng mga pagkilos na conversion, i-click ang pagkilos na conversion na gusto mong tingnan.
  5. Piliin ang Diagnostics mula sa menu ng navigation sa itaas.
Tandaan: Kung mukhang may isyu sa mga pinahusay na conversion para sa alinman sa iyong mga pagkilos na conversion, “Tingnan ang mga pinahusay na conversion” ang magiging status ng pagsubaybay para sa pagkilos na conversion na iyon. Kung magho-hover ka sa status na iyon, puwede mong i-click ang "Pumunta sa mga diagnostic" at mapupunta ka sa ulat sa mga diagnostic ng conversion para ma-diagnose ang anumang potensyal na isyu.

Maunawaan ang status ng iyong ulat sa diagnostic

Sa itaas ng iyong ulat sa mga diagnostic, makakakita ka ng isa sa mga sumusunod na mensahe ng status para isaad ang kabuuang status ng setup ng mga pinahusay na conversion mo:

  • Itinatala ang mga pinahusay na conversion: Itinatala ang mga pinahusay na conversion at walang natukoy na malaking problema.
  • Hindi ginagamit ang mga pinahusay na conversion: Hindi mo tinanggap ang mga tuntunin ng data ng customer, na kinakailangan para ma-enable ang mga pinahusay na conversion. I-click ang “tingnan ang mga tuntunin ng data ng customer” para suriin at tanggapin ang mga tuntunin.
  • Naghihintay na makatanggap ng data ng pinahusay na conversion: Na-enable mo ang mga pinahusay na conversion pero hindi pa natatanggap ng Google ang data. Puwedeng umabot nang hanggang 48 oras pagkatapos matanggap ang data bago maipakita sa status. Kung hindi magbabago ang status pagkatapos ng 48 oras mula nang makumpleto ang pagpapatupad, tiyaking maigi na nasunod mo ang mga tagubilin sa pag-set up ng mga pinahusay na conversion sa Google Ads API.
  • May natukoy na mga isyu sa pag-set up: May mga isyu sa setup ng iyong mga pinahusay na conversion (nasa ibaba ang mga karagdagang detalye).
  • Walang kamakailang data ng conversion na ipoproseso: Walang naitalang conversion sa nakalipas na 7 araw. Tiyaking aktibo ang iyong mga campaign at dinadala ng mga ad mo ang mga tao sa isang webpage na naglalaman ng tag ng pagkilos na conversion.

Mga uri ng kalidad ng data

May 4 na uri ng kalidad ng data para sa iyong diagnostic ng offline na data: Napakahusay, Mahusay, Nangangailangan ng atensyon, at Walang kamakailang data.

Napakahusay

Ang “Napakahusay” ay nangangahulugang aktibo at ganap na naka-optimize ang setup ng iyong pinahusay na conversion. Angibig sabihin ng status na ito ay nagre-record ito ng mga pinahusay na conversion gaya ng inaasahan. 

Mahusay

Ang “Mahusay” ay nangangahulugang aktibo ang setup ng iyong mga pinahusay na conversion, pero may higit pang pagpapahusay na available. Puwede mong pahusayin ang iyong magkakatugmang conversion sa pamamagitan ng pagpapadala ng higit pang data ng user.

Nangangailangan ng atensyon

Ang “Nangangailangan ng atensyon” ay nangangahulugang aktibo ang setup ng iyong mga pinahusay na conversion, pero may mga error na nangangailangan ng atensyon mo. Halimbawa, posibleng may mga nawawalang impormasyon sa setup ng iyong pinahusay na conversion.

Walang kamakailang data

Ang “Walang kamakailang data” ay nangangahulugang hindi nag-record ng data ang mga pinahusay na conversion sa loob ng huling 7 araw. Tiyaking walang problema sa iyong setup.

Mga Alerto

Puwede mong piliin at suriin kung aling mga pagkilos na conversion ang apektado ng mga alerto. Magkakaroon ng icon ang mga alerto na tumutugma sa status. Kapag nakapili ka na ng alerto, may lalabas na talahanayan ng pagkilos na conversion sa ibaba ng panel ng alerto. Dynamic na magbabago ang talahanayang ito datay sa pipiliin mo.

Unawain at ayusin ang mga alerto sa ulat sa mga diagnostic

Kung may mga isyu sa setup ng iyong mga pinahusay na conversion, makakakita ka ng isa o higit pa sa mga alertong nakalista sa ibaba. Kung makakakita ka ng isa sa mga alertong ito, sundin ang mga tagubilin sa ibaba para ayusin ito.

Tandaan: Ang mga alertong ipinapakita sa ulat sa diagnostic ay batay sa data ng nakalipas na isang araw, pero kung walang sapat na data sa nakalipas na araw, ibabatay ang alerto sa data ng nakalipas na 7 araw.

Kung masyadong kakaunti ang conversion sa nakalipas na 7 araw (wala pang 20 conversion), hindi ipapakita ang mga alerto dahil masyadong kakaunti ang conversion para maunawaan nang maayos ang status ng iyong pagpapatupad. Pinakakapaki-pakinabang ang mga pinahusay na conversion para sa mga advertiser na nakakatanggap ng kahit man lang 20 conversion bawat linggo (kasama ang mga organic na conversion at conversion na hinimok ng ad).

Ang mga bilang ng conversion sa Ads API at bilang ng conversion ng tag na ginamit sa mga alerto ay dine-deduplicate batay sa order ID. Kaya kung magpapadala ka ng maraming ping ng Ads API na may parehong order ID, bibilangin ito bilang isang conversion sa Ads API.

Bukod pa rito, tandaang hindi mabibilang ng Google ang mga ipinadalang ping ng Ads API nang walang OAuth, kaya hindi isasama sa mga bilang ng conversion mo sa Ads API ang mga ipinadalang ping ng API na may hindi matagumpay na OAuth.

History

Ipapakita ng seksyong “History” ang mga sukatan sa paglipas ng panahon na nagva-validate sa paghusay ng performance pagkatapos aksyunan ang alerto. Magagamit mo rin ang sukatan para mag-self-diagnose ng mga isyu. Ipinapakita rin ng seksyong ito ang rate ng sakop ng mga pinahusay na conversion bilang porsyento sa Y axis at ang petsa sa X axis.

Tinutukoy ang rate ng sakop ng mga pinahusay na conversion bilang: 

# ng sakop ng mga pinahusay na conversion na may parameter / # ng mga ping ng conversion

Dapat maging available ang rate ng sakop ng mga pinahusay na conversion sa loob ng ilang oras mula sa pagpapadala ng kahilingan ng pinahusay na conversion. Naka-default ang rate na ito sa huling 7 araw, pero puwede itong i-toggle para tingnan ang huling 30 araw.

Sumasaklaw ang chart sa mga conversion na nasa loob ng isang partikular na page ng status. Pagsasama-samahin ang rate ng sakop ng mga pinahusay na conversion sa lahat ng pagkilos na conversion na kasama sa page na iyon. Kapag na-filter ang mga conversion sa itaas ng page, mae-edit ang mga conversion ng page na ito at ibang page ng status. Kinokontrol din ng filter na ito ang seksyong “History.”

 

Magpapakita ang Talahanayan ng epekto ng listahan ng mga pagkilos na conversion, pagtaas ng mga ito kapag available, at mga rate ng pagtugma. Sumasaklaw din ang Talahanayan ng epekto sa mga pagkilos na conversion na naka-align sa pangkalahatang status.

Ipinapakita ng talahanayan sa ibaba ang epekto ng level ng pagkilos na conversion:

Pagkilos na conversion

Rate ng pagtugma

Uri ng campaign

Mga iniulat na conversion

Pagkilos na conversion #1

Mataas

Search

+3% mula X

YouTube

+12% mula X

Pagkilos na conversion #2

Average

Search

+4% mula X

YouTube

+10% mula X

 

Dynamic ang column ng rate ng pagtugma at naa-update ito sa loob ng 24 na oras. 

Column ng rate ng pagtugma: 

  • Dami ng mga valid na ping <50: Hindi sapat na dami
  • Rate ng pagtugma = 0%: Walang tugma
  • Rate ng pagtugma = <5%: Masyadong mababang rate ng pagtugma
  • Rate ng pagtugma = 6-25%: Mababang rate ng pagtugma
  • Rate ng pagtugma = 26-50%: Average na rate ng pagtugma  
  • Rate ng pagtugma = 51-100%: Mataas na rate ng pagtugma

Kung walang data ng rate ng pagtugma, mababasa sa pop up ang “Walang data.” Para maiwasan ang mga pagbabago-bago sa mataas, average, o mababa, nagdaragdag ng buffer para sa rate ng pagtugma. 

Nakabaty ang rate ng pagtugma sa data ng dami ng conversion.

 

Hindi ginagamit ang mga pinahusay na conversion

Kailangan mong tanggapin ang mga tuntunin ng data ng customer gaya ng sumusunod:

Tandaan: Ang mga tagubilin sa ibaba ay bahagi ng bagong disenyo para sa experience ng user sa Google Ads. Para gamitin ang dating disenyo, i-click ang icon ng "Hitsura," at piliin ang Gamitin ang dating disenyo. Kung ginagamit mo ang dating bersyon ng Google Ads, suriin ang Quick reference na mapa o gamitin ang Search bar sa panel ng navigation sa itaas ng Google Ads para makita ang page na hinahanap mo.
  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Mga Layunin Goals Icon.
  2. I-click ang drop down na Mga Conversion sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Mga Setting.
  4. I-click ang Mga tuntunin ng data ng customer.
  5. Suriin at tanggapin ang mga tuntunin.
  6. I-click ang I-save.
May mga kulang na kinakailangang field ng address ang setup
Ipinapakita ng alerto na ito kung nawawalan ang iyong setup ng mga pinahusay na conversion ng kahit man lang isa sa mga sumusunod na field.
  • Bansa
  • Pangalan
  • Apelyido
  • Postal code
Mahalagang punan ang lahat ng 4 na field. Tandaang kung magpapadala ka rin ng email ng user, gagamit ang Google ng email para tumugma sa mga naka-sign in na user kahit na nawawala o hindi kumpleto ang address.
Mga hindi nalutas na error sa Ads API

Nakakatanggap kami ng masyadong kakaunting valid na ping ng Ads API na nauugnay sa mga ping ng tag. Kung nakikita mo ang alertong ito, ibig sabihin, hindi na-set up nang tama ang iyong Ads API para magpadala ng order ID, mga kredensyal ng OAuth, o na-hash na data ng user mula sa website mo.

Puwede mong makita ang error na ito dahil sa alinman sa mga sumusunod:

  • Walang kasamang order ID ang iyong mga ping ng Ads API.
  • Mali ang pagkaka-set up sa OAuth. Tingnan ang mga tagubilin para sa pag-set up ng OAuth2 kung nagpatupad ka ng mga pinahusay na conversion sa Google Ads API.
  • Mali ang pagkaka-hash sa data ng user. Tiyaking ginagamit mo ang SHA-256 para i-hash ang iyong data bago ito ipadala sa Google.
  • Hindi nagpapadala ng mga ping ng Ads API sa lahat ng sitwasyon kapag gumana ang iyong tag.
Hindi magkatugma ang mga order ID ng tag at Ads API

Lumalabas ang alertong ito kung may mababang porsyento ng iyong mga ping ng Ads API ang may ping ng tag na may tumutugmang order ID. Sa pangkalahatan, nangangahulugan itong ang mga tag ng website at Ads API mo ay hindi nagpapadala ng parehong order ID. Puwede rin nitong isaad na masyadong kaunti ang mga ping ng tag na nauugnay sa mga ping ng Ads API na ipinapadala mo.

Para masolusyunan ito:

  • Tiyaking gumagamit ka ng parehong paraan sa pagbuo ng mga order ID para sa mga ping ng Ads API at ping ng tag.
  • Tiyaking may nauugnay na tag ng pagsubaybay sa conversion sa lahat ng sitwasyon kung saan nagpapadala ka ng mga ping ng Ads API para matiyak ang pagkakapantay-pantay.
Mga invalid o nawawalang kredensyal ng OAuth

Lumalabas ang alertong ito kung malaking bahagi ng iyong mga ping ng Ads API ng mga pinahusay na conversion ang may mga invalid o nawawalang kredensyal ng Oauth. I-edit ang iyong code ng Ads API ng mga pinahusay na conversion para isama ang tamang krendensyal sa OAuth para sa account na ito.

Tandaan: Lumalabas lang ang alertong ito para sa legacy na Ads API ng mga pinahusay na conversion. Hindi ito lumalabas kapag ginagamit ang Google Ads API dahil hindi nakakatanggap ang Google ng mga ping na ipinadala sa pamamagitan ng Google Ads API na walang OAuth.
Nawawalang transaction ID mula sa Ads API

Lumalabas ang alertong ito kapag may malaking bahagi ng iyong mga ping ng Ads API ng mga pinahusay na conversion ang walang order ID. Dapat kang magsama ng order ID sa lahat ng ping ng Ads API para tumugma nang maayos sa mga ping ng tag.

Tandaan: Lumalabas lang ang alertong ito para sa legacy na Ads API ng mga pinahusay na conversion. Hindi ito lumalabas kapag ginagamit ang Google Ads API dahil hindi nakakatanggap ang Google ng mga ping na ipinadala sa pamamagitan ng Google Ads API na walang order ID.
Maling setup ng tag ng pagkilos na conversion

Lumalabas ang alertong ito kung walang ping ng tag. Tiyaking naka-install nang tama ang tag sa iyong website at laging ipinapadala ang mga ping ng tag bukod pa sa mga ping ng Ads API. Puwede kang magpadala ng data ng mga pinahusay na conversion sa pamamagitan ng tag gamit ang Google Tag Manager o Google tag. Tingnan kung paano i-verify ang pagpapatupad ng mga pinahusay na conversion gamit ang Google Tag Assistant.

Nawawalang transaction ID mula sa event ng conversion
Lumalabas ang alertong ito kung walang order ID ang mga ping ng tag. Dapat kang magsama ng order ID sa lahat ng ping ng tag para tumugma nang maayos sa mga ping ng Ads API. Alamin kung paano Gumamit ng transaction ID para ma-minimize ang mga duplicate na conversion.
Masyadong huli nagpapadala ng data ang Ads API

Lumalabas ang alertong ito kung nagpapadala ka ng data ng Ads API mahigit 24 na oras pagkatapos ng oras ng conversion. I-edit ang code ng iyong Ads API ng mga pinahusay na conversion para magpadala ng data sa loob ng 24 na oras pagkatapos mangyari ng event ng conversion.

Puwede ring lumabas ang alertong ito kung hindi kasama sa iyong mga ping ng Ads API ang oras nang mangyari ang conversion. Tingnan ang mga tagubilin sa Google Ads API para matutunan kung paano isama ang oras ng conversion sa iyong kahilingan sa Ads API.

Nawawalang user agent
Lumalabas ang alertong ito kung hindi pinoproseso ang iyong mga ping ng Ads API dahil sa kawalan ng user agent. I-edit ang code ng Ads API ng mga pinahusay na conversion mo para magsama ng user agent sa data ng conversion.
Maling setup ng Ads API
Lumalabas ang alertong ito kung nagtatala ang iisang pagkilos na conversion ng mga conversion sa website at conversion sa app. Baka nagpapadala ka ng mga conversion sa website sa pamamagitan ng tag o Ads API bukod pa sa mga conversion sa app. Dapat kang gumamit ng mga hiwalay na pagkilos na conversion para sa web at app. Para ayusin ang isyu, gumawa ng bagong pagkilos na conversion para makuha ang mga conversion sa app.
Walang data ng mga pinahusay na conversion

Walang email o address (na kinabibilangan ng pangalan, apelyido, postal code, at bansa) ang iyong setup ng mga pinahusay na conversion. Bilang resulta, malaking bahagi ng iyong mga conversion ang hindi naproseso.

Tandaan: Lumalabas lang ang alertong ito kapag nagpapadala ng Data ng app gamit ang legacy na Ads API ng mga pinahusay na conversion.
Mali ang pagkaka-format sa field ng data ng email ng user
Ang alertong ito ay nangangahulugang mali ang pagkaka-format ng mga email address na ibinigay mo at samakatuwid, hindi tumutugma sa mga naka-sign in na user ng Google.
Para sa mga alalahanin sa privacy, dapat na i-hash ang mga email address gamit ang SHA-256 algorithm bago maipadala sa pamamagitan ng Ads API. Para gawing pamantayan ang mga na-hash na resulta, bago i-hash ang field ng data, dapat mong:
  • Alisin ang mga whitespace sa unahan o dulo.
  • I-convert ang text sa lowercase.
  • Alisin ang lahat ng tuldok (.) bago ang domain name sa mga gmail.com at googlemail.com na email address.
Mali ang pagkaka-format sa field ng data ng address ng user
Ang alertong ito ay nangangahulugang mali ang pagkaka-format ng mga field ng data ng address na ibinigay mo at samakatuwid, hindi tumutugma sa mga naka-sign in na user ng Google.
Para sa mga alalahanin sa privacy, dapat na i-hash ang mga address gamit ang SHA-256 na algorithm bago ipadala sa pamamagitan ng Ads API. Para gawing pamantayan ang mga na-hash na resulta, bago i-hash ang field ng data, dapat mong:
  • Alisin ang mga whitespace sa unahan o dulo.
  • I-convert ang text sa lowercase.
Kakaunti ang mga tumugmang conversion
Ang alertong ito ay nangangahulugang tumutugma ang data ng mga pinahusay na conversion na ibinigay mo sa mas mababa kaysa sa inaasahang rate sa mga user na naka-log in sa Google. Puwede itong mangahulugang hindi marami sa iyong mga customer ang may mga Google account o may posibilidad silang magbigay ng impormasyon ng pagkakakilanlan na iba sa nasa mga Google account nila.
Mapapataas mo ang rate ng pagtutugma sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga karagdagang pagkakakilanlan ng user. May 3 pagkakakilanlan ng user na ginagamit ng mga pinahusay na conversion bilang mga key ng pagtutugma: email, address, at numero ng telepono. Para mapahusay ang iyong status ng pagtutugma, ang pinakamahusay na kagawian ay magbigay ng maraming key ng pagtutugma hangga't kaya mo. Kapag nagbigay ka ng mas maraming key ng tugma, lalaki ang posibilidad na tutugma ang iyong data at magiging mas tumpak ang pag-uulat mo ng conversion.

Kung mayroon kang mga teknikal na tanong tungkol sa Google Ads API (halimbawa, mga tanong na direktang nauugnay sa paggamit ng API o SDK, mga error na natanggap mula sa API o SDK, atbp.), pakigamit ang mga hakbang sa pag-troubleshoot na makikita sa page ng Technical Support sa API.

Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa Google Ads API na partikular na nauugnay sa UI ng Google Ads, paki-click ang “Makipag-ugnayan sa amin” sa ibaba ng page.

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13569453836029034878
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false