Ang pag-bid na cost-per-click (CPC) ay nangangahulugang babayaran mo ang bawat pag-click sa iyong mga ad. Para sa mga campaign ng pag-bid na CPC, magtatakda ka ng maximum na cost-per-click na bid - o "max. CPC" - iyon ang pinakamalaking halagang handa mong bayaran para sa isang pag-click sa iyong ad (maliban na lang kung magtatakda ka ng mga adjustment ng bid, o gumagamit ka ng Pinahusay na CPC).
- Ang iyong max. CPC ay ang pinakamalaking halagang karaniwang sisingilin sa iyo para sa isang pag-click, pero kadalasan, mas maliit ang sisingilin sa iyo - kung minsan, sobrang mas mababa pa. Ang panghuling halagang sisingilin sa iyo para sa isang pag-click ay tinatawag na aktwal na CPC.
- Kung maglalagay ka ng max. CPC na bid at may mag-click sa iyong ad, hindi lalampas sa halaga ng maximum CPC na bid na itinakda mo ang babayaran mo sa pag-click na iyon.
- Pipili ka sa pagitan ng manual na pag-bid (pipiliin mo ang mga halaga ng iyong bid) at awtomatikong pag-bid (hahayaan ang Google na magtakda ng mga bid para subukang makuha ang pinakamaraming pag-click na pasok sa iyong badyet).
- Ang pagpepresyo ng CPC ay kilala minsan bilang pay-per-click (PPC).
