Mga pagbabago sa impormasyon ng iyong card na naka-store sa Google

Dahil sa mga regulasyon ng Reserve Bank of India (RBI) sa pag-store ng card, simula Oktubre 1, 2022, hindi na makakapag-save ang Google ng mga detalye ng card ng customer para sa mga account na may billing address na nasa India (numero, petsa ng pag-expire ng card, atbp.) sa kasalukuyang format. Gayunpaman, kung ibibigay mo ang iyong pahintulot, puwede naming i-save ang mga detalye ng card mo sa isang format na nakakasunod sa mga bagong regulasyon ng RBI at pinapanatiling secure ang mga sensitibong detalye ng iyong card.

Kung gumagamit ka ng Visa o Mastercard, kailangan mo lang magsagawa ng isang manual na pagbabayad gamit ang mga kasalukuyan mong detalye ng card para pahintulutan kaming i-save ang iyong card sa bagong format. Para maiwasan ang paglalagay ulit ng mga detalye ng iyong card sa ibang pagkakataon, inirerekomendang gawin mo ang isang manual na pagbabayad na ito bago sumapit ang Setyembre 30, 2022.

Bagama't malabong mangyari, kung sakaling hindi namin ma-save ang iyong Visa o Mastercard sa nakakasunod na format bago sumapit ang Setyembre 30, 2022, kakailanganin mong ilagay ulit ang impormasyon ng card mo sa tuwing magbabayad ka sa hinaharap.

Kung gumagamit ka ng RuPay, American Express, Discover, o Diners Card, hindi na namin iso-store ang impormasyon ng iyong card pagkalipas ng Setyembre 30, 2022 dahil hindi pa sinusuportahan ang bagong format para sa mga network ng card na ito.

Simula Oktubre 1, 2022, hindi na susuportahan ang mga American Express, Diners, at Discover card para sa mga pagbabayad sa Google Ads. Patuloy na susuportahan ang mga RuPay card pero kailangan mong ilagay ang mga detalye ng iyong RuPay card sa tuwing magbabayad ka.

Mga FAQ

Paano ko maaalis ang mga card ko sa Google Ads account?

Tandaan: Ang mga tagubilin sa ibaba ay bahagi ng bagong disenyo para sa experience ng user sa Google Ads. Para gamitin ang dating disenyo, i-click ang icon ng "Hitsura," at piliin ang Gamitin ang dating disenyo. Kung ginagamit mo ang dating bersyon ng Google Ads, suriin ang Quick reference na mapa o gamitin ang Search bar sa panel ng navigation sa itaas ng Google Ads para makita ang page na hinahanap mo.
  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Pagsingil Icon ng Pagsingil.
  2. I-click ang Mga paraan ng pagbabayad.
  3. I-click ang Alisin para alisin ang iyong card.

Para magsagawa ng mga bagong pagbabayad, dapat mong ilagay ulit ang impormasyon ng iyong card.

Makikita ko ba ang mga naka-save kong card sa “Mga paraan ng pagbabayad” pagkalipas ng Setyembre 30, 2022?

Aalisin namin ang anumang debit at credit card na naka-save sa Google Platform maliban kung papahintulutan mo kaming i-save ang iyong mga card sa format na nakakasunod sa RBI bago sumapit ang Setyembre 30, 2022.

Kung maaalis ang iyong mga card, kakailanganin mong ilagay ulit ang impormasyon ng card kapag gusto mong magsagawa ng manual na pagbabayad simula Oktubre 1, 2022.

Paano ko mapapahintulutan ang Google na i-save ang card ko sa format na nakakasunod sa RBI?

Kung gumagamit ka ng Visa o Mastercard, kailangan mo lang magsagawa ng isang manual na pagbabayad gamit ang mga kasalukuyan mong detalye ng card para pahintulutan kaming i-save ang iyong card sa bagong format.

Sa ngayon, hindi puwedeng i-save sa bagong format ang RuPay, American Express, Discover, at Diners Card.

Puwede pa rin ba akong magbigay ng pahintulot sa Google pagkalipas ng Setyembre 30, 2022?

Oo, puwede, hangga't Visa o Mastercard ang ginagamit mo. Tandaang kung hindi ka magsasagawa ng manual na pagbabayad gamit ang kasalukuyan mong Visa o Mastercard bago sumapit ang Setyembre 30, 2022, aalisin ang iyong card. Pagkalipas ng petsang ito, kakailanganin mong ilagay ulit ang impormasyon ng iyong card kapag nagsagawa ka ng pagbabayad para ibigay sa amin ang pahintulot.

Maaapektuhan ba ang mga umuulit na pagbabayad ko pagkalipas ng Setyembre 30, 2022?

Hindi dapat maaapektuhan ang iyong mga umuulit na pagbabayad kung nag-set up ka ng e-mandate sa credit card mo. Pakisunod ang mga tagubiling ito para i-set up ang e-mandate.
Sa bihirang sitwasyong hindi sinusuportahan ng tagabigay ng card mo ang e-mandate na naka-encrypt sa nakakasunod na format bago sumapit ang Setyembre 30, posibleng hindi maisagawa ang iyong mga umuulit na pagbabayad at posibleng huminto sa paghatid ang mga ad mo. Inirerekomenda naming magdagdag ka ng bagong pangunahing paraan ng pagbabayad na sumusunod sa regulasyon ng RBI, o magpatuloy sa pagsasagawa ng mga manual na pagbabayad para sa natitira mong balanse para panatilihing gumagana ang iyong mga ad.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
14316938556207815750
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false