Tungkol sa Batas ng Mexico sa Transparency, Pag-iwas, at Paglaban sa Mga Hindi Naaangkop na Gawi

Noong Hunyo 12, 2023, nagkabisa ang deklarasyon ng pagiging invalid na ginawa ng Supreme Court of Justice of the Nation tungkol sa Batas para sa Transparency, Pag-iwas, at Paglaban sa Mga Hindi Naaangkop na Gawi sa Usapin ng Pakikipagkontrata sa Pag-advertise (ang Batas) sa Mexico. Samakatuwid, na-update namin ang aming Mga Tuntunin ng Programa sa Pag-advertise ng Google Ads na nagkabisa noong Setyembre 25, 2023.

Hindi na available ang mga dual na setup ng mga profile sa mga pagbabayad (kung saan ang advertiser ay ang pangunahing mananagot na partido + ang ahensya ay ang pangalawang mananagot na partido) na hinango sa pagiging invalid ng Batas at para makasunod sa mga regulasyon sa buwis.

Para mas maunawaan kung paano gawin ang pagbabagong ito, matuto pa tungkol sa kung paano Baguhin ang profile sa mga pagbabayad para sa iyong account ng kliyente.

Nagtatakda ang Batas ng Mexico sa Transparency, Pag-iwas, at Paglaban sa Mga Hindi Naaangkop na Gawi Hinggil sa Market ng Pag-advertise ng isang hanay ng mga requirement para sa mga ahensya sa pag-advertise at provider ng serbisyo sa pag-advertise (tulad ng Google). Kasama sa mga probisyon nito ang isang requirement na dapat i-invoice ng Google ang anumang gastusin sa pag-advertise nang direkta sa end advertiser kung may tirahan sa Mexico ang end advertiser at kung ipinapakita sa Mexico ang mga ad. Bukod pa rito, dapat magbigay ang Google ng mga ulat kasama ang ilang partikular na impormasyon sa mga advertiser tungkol sa mga detalye ng kanilang mga campaign.

Mga Obligasyon sa Pag-invoice: dapat i-invoice ang anumang gastusin sa pag-advertise nang direkta sa end advertiser.

Pakitingnan sa ibaba kung paano ito makakaapekto sa iyo bilang customer sa Google Ads, batay sa mga setting mo ng pagbabayad.

Mga customer na gumagamit ng mga setting ng pagbabayad na Buwanang Pag-invoice

Kung kasalukuyang ini-invoice ng Google ang ahensya bilang pangunahing* panig na responsable sa pananalapi--sinisingil at ini-invoice para sa advertiser--mula ngayon, para makasunod sa bagong batas, kinakailangang baguhin ang mga Google Ads account na ito para singilin ang advertiser bilang pangunahing panig na responsable sa pananalapi habang puwedeng isama ang ahensya bilang pangalawang** panig para patuloy na mapamahalaan ang pagsingil para sa advertiser.

Dahil sa nabanggit na pagbabagong ito sa pangunahin/pangalawang pagsingil, kailangang magkaroon ng bagong format sa pagsingil na kasalukuyang binubuo ng Google sa loob ng mga paparating na linggo para sa lahat ng customer sa Mexico. Aabisuhan ang mga ahensya sa pamamagitan ng email kapag available na ang bagong format ng pagsingil, kasama ng mga hakbang na susundin para makalipat sa bagong format (ang advertiser bilang pangunahing partido sa pagsingil at ang ahensya bilang pangalawa).

Tandaan: Bilang alternatibo, kung ayaw nang pamahalaan ng ahensya ang pagsingil para sa advertiser (ibig sabihin, hindi makakatanggap ng mga invoice, hindi magbabayad ng mga invoice, atbp.), puwede na lang nilang piliing mag-opt out bilang pangalawang partido sa pamamagitan ng pagtiyak na gagawing pangunahin at nag-iisang partido sa pananalapi ang advertiser. Para gawin ang pagbabagong ito, makipag-ugnayan sa amin.

Ano pa ang magbabago kapag itinakda ang advertiser bilang pangunahing panig at ang ahensya bilang pangalawang panig?

  Pangunahin* Panglawa**
May mga detalye kung saan ibibigay ang mga factura, complemento de pago, at mga nota de credito oo, nakumpirma Red X icon
May mga detalyeng ilalagay sa mga Komersyal na invoice (hindi valid sa pananaw ng buwis) oo, nakumpirma oo, nakumpirma
Nakakatanggap ng mga dokumento sa pamamagitan ng email oo, nakumpirma oo, nakumpirma
Puwedeng magbayad ng mga invoice oo, nakumpirma oo, nakumpirma
Puwede tumingin sa mga invoice sa tool na Statement of Account oo, nakumpirma Red X icon
Puwedeng tumingin sa mga invoice sa UI ng Google Ads oo, nakumpirma oo, nakumpirma
Pangunahing mananagot na panig para sa obligasyon sa pagbabayad at pagbabalik pagkatapos masuspinde oo, nakumpirma oo, nakumpirma
Pangunahing panig na makakaugnayan ng aming collections team kung sakaling hindi magbayad o kung masuspinde dahil sa hindi pagbabayad Red X icon oo, nakumpirma
Walang pagbabago sa mga kasalukuyang tuntunin sa mga pagbabayad (oras na ibibigay para makapagbayad pagkatapos ng petsa ng invoice) sinuman ang pangunahin o pangalawa Red X icon oo, nakumpirma

Mga customer na gumagamit ng setting ng Manual na Pagbabayad

Kung kasalukuyang nakalista ang ahensya bilang pangunahing partido sa pananalapi sa nauugnay na Google Ads account, kakailanganing baguhin ang account para maipakitang pangunahing partido sa pananalapi ang advertiser. Magagawa ng mga ahensya at advertiser ang pagbabagong ito sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa amin.

Kapag nakikipag-ugnayan sa amin para gawin ang pagbabagong ito, pakitiyak na ibinibigay mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon sa ibaba:

  • (Mga) Google Ads Customer ID
  • Legal na pangalan ng kumpanya ng advertiser, ayon sa mga dokumento ng pagpaparehistro
  • Address para sa buwis ng advertiser, ayon sa mga dokumento ng pagpaparehistro
  • Numero sa Registro Federal de Contribuyentes (RFC) ng Advertiser
  • Pangalan ng pangunahing contact sa pagsingil ng advertiser
  • Email ng pangunahing contact sa pagsingil ng advertiser (dapat isang domain ng kumpanya at naka-link sa Google account***)
  • Numero ng telepono ng pangunahing contact sa pagsingil ng advertiser

***Para mag-link sa Google account, sundin ang mga hakbang sa ibaba:

  1. Bisitahin ang page na ito: Gawin ang Iyong Google Account
  2. Sa field na email/user, piliin ang opsyong "Ang kasalukuyang email address ko na lang ang gamitin" at ilagay ang iyong pangkorporasyong email.
  3. Ilagay ang natitirang data at i-click ang Susunod hanggang sa matapos ang proseso.
  4. Puwede kang makatanggap ng email na humihiling sa iyong kumpirmahin ang pag-link (siguraduhing hindi ito naipadala sa Spam folder). Kumpirmahin para tapusin ang proseso.

Mga Obligasyon sa Pag-uulat: dapat magbigay ng pag-uulat sa mga advertiser nang may mga detalye ng Ads campaign

Madaling maa-access ng mga advertiser na may access sa kanilang mga Google Ads account ang impormasyon ng kanilang campaign mula sa user interface ng Google Ads nila. Gayunpaman, posibleng hindi tuluyang makita ng mga advertiser na nag-opt in para sa nabanggit na setup sa itaas, kung saan pinapamahalaan ng isang ahensya ang kanilang mga campaign at pagsingil (bilang pangalawang mananagot na partido) para sa kanila, ang aktibidad sa account nila.

Kaya naman, para makasunod sa batas, makakatanggap ng buwanang ulat sa pamamagitan ng email na may pamagat na ‘Ulat sa Ads Campaign’ ang lahat ng advertiser ng Google Ads na nag-set up ng kanilang mga account kung saan ang advertiser ay ang pangunahing partido sa pagsingil at ang ahensya ay ang pangalawang partido.

Ipapadala ang ulat na ito sa mga contact ng profile sa pagbabayad ng advertiser sa bawat simula ng buwan at ilalagay rito ang mga detalye ng aktibidad sa account ng nakaraang buwan kasama ang:

  • Hanay ng petsa ng mga campaign
  • Mga pangalan at status ng mga campaign
  • Ad network type (halimbawa, Search o Youtube) kung saan ipinapakita ang mga advertisement sa mga katumbas na format.
  • Gastos sa campaign at cost per interaction

Pakitandaan na isasama sa pinagsama-samang buwanang Ulat sa Ads Campaign ang mga detalye sa itaas para sa bawat buwan, anuman ang naging pagbabago sa mga partidong sinisingil o ini-invoice.

 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
11070376195148555451
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false