Paggawa ng Search Campaign (Google Ads mobile app)

Sa Google Ads mobile app, puwede kang gumawa ng karaniwang Search campaign at ad group. Matatapos mo ang pag-set up sa ilang pag-tap lang, at kapag naaprubahan na ang iyong ad, magiging live ang campaign mo.

1. Gumawa ng Search campaign

  1. Sa talahanayan ng mga campaign, i-tap ang plus button
  2. Piliin ang uri ng campaign.
    Tandaan: Kung naka-sign in ka sa isang MCC account, kakailanganin mong piliin ang account para sa campaign bago ang uri ng campaign.

3. I-toggle ang mga kategorya kung saan gusto mong makakuha ng mga resulta (mga pagbisita sa website, tawag sa telepono, pag-download ng app). Magkakaroon ang bawat kategorya ng kinakailangang field na dapat sagutan.

Mga pagbisita sa website

Ilagay ang website ng iyong negosyo.

Mga tawag sa telepono

Ilagay ang numero ng telepono ng iyong negosyo.

Mga pag-download ng app

  1. Piliin ang platform ng iyong mobile app (tulad ng Android o iOS).
  2. I-tap ang Hanapin ang iyong app.
  3. Ilagay ang pangalan ng iyong mobile app sa search bar.
  4. I-tap ang isang app para piliin.

4. I-tap ang Magpatuloy.

5. Maglagay ng pangalan ng campaign, badyet, at focus. Sa "Iba pang setting," puwede kang magtakda ng mga karagdagang detalye: mga network, mga petsa, mga lokasyon, wika, iskedyul ng ad, at pag-ikot ng ad. Matuto pa tungkol sa kung paano gumawa ng Search campaign

6. I-tap ang Susunod.

Tandaan: Kung lalabas ka sa proseso ng paggawa ng campaign bago matapos, posibleng magkaroon ka ng opsyong i-save ang iyong pag-usad at ipapakita sa page na "Pangkalahatang-ideya" ng campaign ang anumang natitirang hakbang

2. Mag-set up ng ad group

  1. Maglagay ng pangalan ng ad group.
  2. Depende sa napili mong strategy sa pag-bid, posibleng ipalagay sa iyo ang default mong bid.
  3. Magdagdag ng mga keyword sa ad group nang manual o sa pamamagitan ng mga ideya sa keyword.

Manual na Magdagdag ng Mga Keyword

  1. I-tap ang + Magdagdag ng keyword.
  2. Ilagay ang iyong keyword.
  3. Piliin ang gusto mong uri ng pagtutugma. Matuto pa tungkol sa mga opsyon sa pagtutugma ng keyword
  4. I-click ang Tapos na.

Mga Suhestyon sa Keyword

  1. I-tap ang Kumuha ng mga ideya sa keyword.
  2. Maghanap ng mga ideya sa keyword sa pamamagitan ng paglalagay ng iyong landing page, kaugnay na website, o paglalarawan ng iniaalok ng negosyo mo.
  3. Piliin ang gusto mong keyword.
  4. I-tap ang Done.

4. I-tap ang Susunod.

Tandaan: Puwede kang gumawa at mag-edit ng mga ad group sa labas ng proseso ng paggawa ng campaign. Para magdagdag ng ad group sa dati nang campaign, i-tap ang plus button sa talahanayan ng mga ad group.

3. Gumawa ng responsive na search ad

  1. Ilagay ang final URL, display URL, mga headline, at mga paglalarawan.
  2. I-tap ang Tapos na.

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
5519138733166282088
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false