Tungkol sa "Lumipat sa DDA" (attribution na batay sa data)

Gamitin ang page na "Lumipat sa DDA" sa mga ulat sa attribution sa Google Ads para mabilis na ilipat ang mga kwalipikadong pagkilos na conversion mula sa mga modelo ng attribution na batay sa mga panuntunan (tulad ng "Huling pag-click") papunta sa attribution na batay sa data.

Tungkol sa attribution na batay sa data

Nagbibigay ang attribution na batay sa data ng credit para sa mga conversion batay sa kung paano nakikipag-ugnayan ang mga tao sa iyong iba't ibang ad at kung paano sila nagpapasyang maging mga customer mo. Kapag posible, gumagamit ito ng data mula sa iyong account para malaman kung aling mga keyword, ad, at campaign ang may pinakamalaking epekto sa mga layunin ng negosyo mo. Tinitingnan ng attribution na batay sa data ang mga conversion sa website, conversion na pagbisita sa tindahan, at conversion sa Google Analytics mula sa mga Search (kasama ang Shopping), YouTube, Display, at Demand Gen ad.

Tandaan: Ilulunsad na ang suporta sa attribution na batay sa data para sa mga Demand Gen campaign sa mga susunod na buwan.

Mga Benepisyo

Sa pamamagitan ng paglipat sa attribution na batay sa data mula sa modelong batay sa panuntunan, magagawa mong:

  • Alamin kung aling mga keyword, ad, ad group, at campaign ang may pinakamalaking papel sa pagtulong sa iyong abutin ang mga layunin mo sa negosyo.
  • I-optimize ang iyong pag-bid batay sa data ng performance ng partikular mong account.

Awtomatikong lumipat ng mga pagkilos na conversion

Puwedeng piliin para sa awtomatikong paglipat sa attribution na batay sa data ang ilang pagkilos na conversion. Kung mayroon kang pang-administrator na access sa iyong Google Ads account, makakatanggap ka ng email 30 araw bago mangyari ang anumang pagbabago. Puwedeng wala kang gawin para mangyari ang nakaiskedyul na paglipat, o puwede kang pumunta sa page na "Lumipat sa DDA" para mag-opt out o mas maagang lumipat.

Tandaan: Ang mga pagkilos na conversion na kasalukuyang sinusuportahan ng attribution sa Google Ads lang ang nasa page na "Lumipat sa DDA."

Mga Tagubilin

Tandaan: Ang mga tagubilin sa ibaba ay bahagi ng bagong disenyo para sa experience ng user sa Google Ads. Para gamitin ang dating disenyo, i-click ang icon ng "Hitsura," at piliin ang Gamitin ang dating disenyo. Kung ginagamit mo ang dating bersyon ng Google Ads, suriin ang Quick reference na mapa o gamitin ang Search bar sa panel ng navigation sa itaas ng Google Ads para makita ang page na hinahanap mo.
  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Mga Layunin Goals Icon.
  2. I-click ang drop down na Mga Pagsukat sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Attribution.
  4. Piliin ang tab na Lumipat sa DDA sa itaas ng page.
  5. Para palitan ang modelo ng attribution para sa isang partikular na pagkilos na conversion, i-click ang Lumipat ngayon sa row na iyon.
  6. Para palitan ang modelo ng attribution para sa:
    1. Maraming pagkilos na conversion nang sabay-sabay, lagyan ng check ang kahon sa unahan ng bawat pagkilos na conversion, at piliin ang Gawing DDA ang modelo ng attribution sa drop-down na menu na "I-edit" sa itaas ng talahanayan.
    2. Lahat ng kwalipikadong pagkilos na conversion, lagyan ng check ang kahon sa unahan ng header ng column na "Pagkilos na conversion," at piliin ang Gawing DDA ang modelo ng attribution sa drop-down na menu na "I-edit" sa itaas ng talahanayan.
  7. Basahin ang pop-up ng kumpirmasyon, at i-click ang Tapos na.

Para proactive na pamahalaan ang performance ng iyong account, suriin ang pinakamahuhusay na kagawiang ito para sa pamamahala sa mga pagbabago sa modelo ng attribution.


Status ng pagiging kwalipikado

Ipinapakita ng column ng status na "Pagiging kwalipikado sa attribution na batay sa data (data-driven attribution o DDA)" kung kwalipikado ang bawat pagkilos na conversion na gamitin ang modelong Batay sa data.

Ang ilang uri ng mga pagkilos na conversion ay kailangang magkaroon ng 3,000 ad interaction at 300 conversion sa loob ng 30 araw para maging kwalipikado para sa attribution na batay sa data. Para manatiling kwalipikado, dapat ay patuloy na makabuo ang mga pagkilos na conversion na ito ng 2,000 ad interaction at 200 conversion kada 30 araw.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
18390718611447293659
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false