Kapag binago mo ang iyong average na pang-araw-araw na badyet, makikita mo kaagad ang mga pagsasaayos na ito sa iyong account. Sa pagbago sa iyong average na pang-araw-araw na badyet, puwedeng maapektuhan kung gaano kadalas ipinapakita ang mga ad mo, pati na rin kung magkano ang puwedeng singilin sa iyo.
Puwedeng makaapekto ang mga pagbabago sa badyet sa dalas ng pagpapakita ng iyong mga ad
Ino-optimize ng Google ang iyong paggastos sa campaign sa mga araw ng buwan kung kailan ka mas malamang na makakuha ng mga pag-click at conversion. Kapag binago mo ang iyong average na pang-araw-araw na badyet, sisimulang ihatid ng Google ang iyong mga ad nang isinasaalang-alang ang badyet mong nabago kamakailan. Posibleng lumaki ang gastos kapag tinaasan ang badyet, at posibleng kabaligtaran naman ang epekto kapag binabaan ang badyet.
Puwedeng makaapekto ang mga pagbabago sa badyet sa kung magkano ang puwedeng singilin sa iyo
Kapag binago mo ang iyong average na pang-araw-araw na badyet, parehong maaapektuhan ang limitasyon sa pang-araw-araw na paggastos mo at ang iyong limitasyon sa buwanang paggastos. Matuto pa tungkol sa mga limitasyon sa paggastos
Epekto sa limitasyon sa pang-araw-araw na paggastos
Sa araw na gumawa ka ng pagbabago (o mahigit sa isang pagbabago) sa iyong average na pang-araw-araw na badyet, ibabatay ang limitasyon sa pang-araw-araw na paggastos mo sa pinakamataas na average na pang-araw-araw na badyet na pinili mo para sa araw na iyon. Ibig sabihin, para sa karamihan ng mga campaign, hinding-hindi ka sisingilin ng mahigit sa katumbas ng 2 beses ng iyong pinakamataas na average na pang-araw-araw na badyet sa araw na iyon.
Halimbawa
Epekto sa limitasyon sa buwanang paggastos
Kapag binago mo ang iyong badyet, ang paggastos mo para sa natitirang bahagi ng buwan ay hindi lalampas sa iyong bagong average na pang-araw-araw na badyet na na-multiply sa mga natitirang araw sa buwan.
Halimbawa
Tingnan natin ang limitasyon sa buwanang paggastos para sa Nobyembre, na mula Nobyembre 1 hanggang Nobyembre 30 ang saklaw. Noong Nobyembre 1, nagtakda ka ng average na pang-araw-araw na badyet na Php250, para sa limitasyon sa buwanang paggastos na Php7,600 (Php250 * 30.4). Pagkatapos, ipagpalagay na noong Nobyembre 24, Php5,150 lang ang nagastos mo at nagpasya kang taasan ang iyong average na pang-araw-araw na badyet para sa mga natitirang araw ng buwan. Pagkatapos, ginawa mong Php500 ang iyong average na pang-araw-araw na badyet. Ang maximum na sisingilin sa iyo para sa buwan ng Nobyembre ay:
Php5,150 nagastos sa ngayon + (Php500/araw * 7 araw na natitira sa Nobyembre) = Php8,650 limitasyon sa buwanang paggastos
Pagsasama-sama ng lahat
Kapag nagbago ka ng average na pang-araw-araw na badyet, dalawang bagay ang mangyayari:
- Sisimulang ihatid ng Google ang iyong mga ad nang isinasaalang-alang ang kakabago lang na badyet.
- Ia-update ang iyong limitasyon sa pang-araw-araw na paggastos at ang limitasyon sa buwanang paggastos mo nang naaayon.
Nasa ibaba ang ilang karagdagang halimbawa:
Pagtaas ng isang badyet
Ipagpalagay na mayroon kang campaign na gumagana mula pa noong umpisa ng Setyembre. Noong umpisa ng Setyembre:
- Average na pang-araw-araw na badyet: Php500
- Limitasyon sa pang-araw-araw na paggastos = Php500 * 2 = Php1,000
- Limitasyon sa buwanang paggastos = Php500 * 30.4 = Php15,200
Sa 5 araw na natitira sa buwan (kasama ang araw kung kailan na-edit ang badyet) at Php13,500 kabuuang nagastos, tataas at magiging Php2,500 ang average na pang-araw-araw na badyet. Magreresulta ito sa:
- Average na pang-araw-araw na badyet: Php2,500
- Limitasyon sa pang-araw-araw na paggastos: Php2,500 * 2 = Php5,000
- Limitasyon sa buwanang paggastos = Php13,500 + (Php2,500/araw * 5 natitirang araw sa Setyembre) = Php26,000
Pagbaba ng isang badyet

Sa 5 araw na natitira sa buwan (kasama ang araw kung kailan na-edit ang badyet) at Php13,500 kabuuang nagastos, bababa at magiging Php250 ang average na pang-araw-araw na badyet. Magreresulta ito sa:
- Average na pang-araw-araw na badyet: Php250
- Limitasyon sa pang-araw-araw na paggastos para sa araw na may pag-edit: Php500 * 2 = Php1,000
Ito ay dahil pinipili namin ang pinakamataas na pang-araw-araw na badyet para sa araw.
- Limitasyon sa pang-araw-araw na paggastos para sa mga natitirang araw ng buwan: Php250 * 2 = Php500
- Limitasyon sa buwanang paggastos = Php13,500 + (Php250/araw * 5 natitirang araw sa Setyembre) = Php14,750
Maraming pag-edit sa iisang araw
Ipagpalagay na mayroon kang campaign na gumagana mula pa noong umpisa ng Setyembre. Noong umpisa ng Setyembre:
- Average na pang-araw-araw na badyet: Php500
- Limitasyon sa pang-araw-araw na paggastos = Php500 * 2 = Php1,000
- Limitasyon sa buwanang paggastos = Php500 * 30.4 = Php15,200
Sa 5 araw na natitira sa buwan (kasama ang araw kung kailan na-edit ang badyet) at Php13,500 kabuuang nagastos, tataas at magiging Php2,500 ang average na pang-araw-araw na badyet. Magreresulta ito sa:
- Average na pang-araw-araw na badyet: Php2,500
- Limitasyon sa pang-araw-araw na paggastos: Php2,500 * 2 = Php5,000
- Limitasyon sa buwanang paggastos = Php13,500 + (Php2,500/araw * 5 natitirang araw sa Setyembre) = Php26,000
Sa araw ding iyon, ilang oras pagkatapos ng unang pag-edit at Php14,000 kabuuang gastos sa kasalukuyan, bababa at magiging Ph1,500 ang average na pang-araw-araw na badyet. Magreresulta ito sa:
- Average na pang-araw-araw sa badyet: Php1,500
- Limitasyon sa pang-araw-araw na paggastos para sa araw na may pag-edit: Php2,500 * 2 =Php5,000
Ito ay dahil pinipili namin ang pinakamataas na pang-araw-araw na badyet para sa araw.
- Limitasyon sa pang-araw-araw na paggastos para sa mga natitirang araw ng buwan: Php1,500 * 2 = Php3,000
- Limitasyon sa buwanang paggastos = Php14,000 + (Php1,500/araw * 5 natitirang araw sa Setyembre) = Php21,000
Tandaan: Kahit hindi mo sinasadyang baguhin ang average na pang-araw-araw na badyet sa iyong campaign, itinuturing na mga pagbabago sa badyet ang mga sumusunod na pagkilos (para sa pagkalkula sa maximum na halagang babayaran mo sa loob ng isang buwan ng kalendaryo):
- Pagbago sa petsa ng pagtatapos ng iyong campaign.
- Pagpili ng ibang time zone para sa iyong Google Ads account.
Alamin kung paano pumili ng time zone, at kung paano ito nakakaapekto sa cycle ng iyong badyet.