Palaguin ang iyong mga Smart Bidding campaign gamit ang malawak na tugma

Mahusay na naipapares ang mga malawak na tugmang keyword sa mga diskarte sa Smart Bidding, kasama ang Pag-maximize ng mga conversion, Pag-maximize ng halaga ng conversion, Target na CPA, at Target na ROAS. Gumagamit ang Smart Bidding ng machine learning para mag-optimize para sa mga conversion o halaga ng conversion sa bawat auction—isang feature na kilala bilang “pag-bid sa oras ng auction.”

Kapag ipinares mo ang Smart Bidding sa malawak na tugma, hindi na kailangang mag-segment ayon sa uri ng pagtutugma para ma-boost ang pag-optimize. Nagtatakda ng bid ang system ng pag-bid para sa bawat indibidwal na auction ng bawat query at dinaragdagan o binabawasan nito ang bid depende sa kung gaano kahusay ang malamang na magiging performance ng query. Dahil sa mga malawak na tugmang keyword, mas mabilis matututo ang mga algorithm at makakahanap ang mga ito ng mga karagdagang auction na makakatulong sa iyong makamit ang mga layunin mo sa paglago.

I-scale ang malawak na tugma nang walang kahirap-hirap gamit ang Mga Rekomendasyon sa Google Ads

Isang animation na nagpapakita sa mga pagkakaiba ng uring Katugmang parirala + eksaktong tugma at uring Malawak na tugma

Tandaan: Bagama't puwedeng ilapat ang mga rekomendasyon sa malawak na tugma sa mga campaign na gumagamit ng mga manual na diskarte sa pag-bid, para sa pinakamahusay na performance, lubos naming inirerekomendang gamitin lang ang mga ito sa mga campaign na gumagamit ng mga diskarte sa Smart Bidding.

Para tulungan ang iyong mga campaign na makakuha ng higit pang volume habang naaabot ang mga target mo sa performance, nagbibigay ang Google Ads ng rekomendasyong gawing malawak na tugma ang iyong mga keyword sa mga Smart Bidding campaign. Bilang average, ang mga advertiser na ginawang malawak na tugma ang kanilang mga pariralang keyword ay nakakakuha ng ~25% mas maraming conversion (sa mga Target na CPA na campaign) at ~12% mas mataas na halaga ng conversion (sa mga Target na ROAS na campaign) habang naaabot ang mga target.¹

Pagpapares ng badyet sa rekomendasyon sa malawak na tugma

Para matiyak na maaabot mo ang mga resulta ng performance na binibigyang-diin sa rekomendasyon, baka kailanganin ng karagdagang badyet. Nasa column na "Bagong badyet" ang inirerekomendang badyet na kinakailangan para maabot ang mga lingguhang pagtatantyang ito sa pamamagitan ng pagbibigay-daan sa iyo na mag-target ng mga karagdagang nauugnay na trapiko na naaayon sa target ng campaign mo.

I-click ang Ilapat para tanggapin ang suhestyon sa bagong badyet para sa iyong rekomendasyon sa malawak na tugma. Para mapanatili ang kasalukuyan mong badyet para sa campaign kung saan mo inilalapat ang rekomendasyon sa malawak na tugma, piliin ang icon na lapis I-edit sa tabi ng pangalan ng campaign, piliin ang "Huwag baguhin ang badyet," at i-click ang Ilapat.

Mga pamantayan sa pagiging kwalipikado para sa rekomendasyon

  • Ginagamit ng campaign ang isa sa mga sumusunod na diskarte sa Smart Bidding: Pag-maximize ng mga conversion, Pag-maximize ng halaga ng conversion, Target na CPA, o Target na ROAS
  • May mga aktibong keyword ang campaign at hindi ginagamit ang mga keyword na ito bilang malawak na tugma sa iba pang bahagi ng campaign
  • Isinasaad ng mga pagtatantya sa performance na potensyal na magkaroon ng pagdami ng mga conversion kapag ginawang malawak na tugma ang mga iminumungkahing keyword

Paano gumagana ang rekomendasyon

Inaalis ang mga iminumungkahing keyword sa campaign at pinapalitan ang mga ito ng mga bersyon ng mga keyword na malawak na tugma. Makikita mo pa rin ang mga dating istatistika para sa mga naalis na keyword.

Halimbawa, narito ang dati at bagong hitsura ng mga aktibong keyword sa isang halimbawang campaign:

Mga dating keyword sa campaign Mga bagong keyword sa campaign
“certification ng tubero” certification ng tubero
+pagtuturo +sa +tubero pagtuturo sa tubero
“mga kurso para sa tubero” mga kurso para sa tubero

¹ Internal na data ng Google, Setyembre 2020

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
8665288404226903563
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false