Hindi lahat ng app ay gumagana sa Google Fit. Kung hindi nagse-save ng data ang Fit sa isa sa iyong mga fitness app, posibleng hindi compatible ang dalawang app. Tingnan ang listahan ng mga app na gumagana nang maayos sa Fit. Kung nasa listahan ang app pero hindi ito gumagana, sundin ang mga hakbang sa ibaba.
Suriin ang mga koneksyon ng iyong app
Sa iyong Health app, tingnan kung aling mga app ang nakakonekta sa Health.
Kung hindi nakalista ang app, hindi ito nakakonekta sa iyong Health app. Alamin kung paano magkonekta ng mga app sa Fit.
I-reset ang mga koneksyon ng Google Fit
- Sa iyong iPhone, buksan ang Google Fit app .
- I-tap ang Profile Mga Setting Pamahalaan ang mga nakakonektang app.
- Para ihinto ang pagbabahagi ng impormasyon sa pagitan ng Fit at isa pang app, mag-tap sa app Alisin ang access OK.
- Ikonekta ulit ang app.