Notification

Mangyaring huwag magsama ng anumang personal o sensitibong impormasyon sa kalusugan, tulad ng hakbang, calorie, rate ng puso, pagtulog, o data ng ehersisyo, o impormasyon sa kalusugan ng puso kapag nagtatanong sa Komunidad.

Paano gumagana ang pagbabahagi sa nakakonektang app para sa iyong data sa Google Fit

Magkonekta ng ibang app sa Google Fit para makuha ang lahat ng iyong impormasyon sa fitness sa iisang lugar, at gamitin ang Google Fit bilang nag-iisang pagpapasukan ng iyong data sa fitness. Makokontrol mo kung aling data ang ibabahagi sa mga third-party app na pipiliin mong ikonekta sa Google Fit.

Paano gumagana ang mga nakakonektang app

Makokontrol mo kung ibabahagi ng Google Fit sa ibang app ang data nito. Napapailalim ang mga nakakonektang app sa mga patakarang nagbabawal sa mga ito na ibahagi ang iyong data sa Google Fit sa mga broker o reseller ng data.

Masusuri mo kung anong mga uri ng data ang ia-access ng mga app kapag ikinonekta mo ang mga ito sa Google Fit, at puwede kang magdiskonekta ng mga app anumang oras.

Paano namin pinoprotektahan ang iyong data

Secure na sino-store ang iyong data sa Google Fit sa mga server ng Google, at naka-encrypt ang mga ito habang inililipat. Naka-back up sa mga server ng Google ang iyong data, sakaling maiwala o palitan mo ang iyong device.

Puwede mong piliing ibahagi sa ibang app ang iyong data sa Google Fit. Posibleng humiling ng access sa iyong data sa Google Fit ang mga nakakonektang app, pero makokontrol mo kung anong mga uri ng data ang puwedeng i-access ng ibang app, at puwede mong bawiin ang access anumang oras.

Ikaw ang may kontrol

Mapipili mo kung aling data ang ibabahagi ng Google Fit sa ibang app, o puwede mong piliing hindi ibahagi sa ibang app ang iyong data sa Google Fit anumang oras. Puwede mong idiskonekta ang mga app na nakakonekta sa Google Fit mula sa iyong Google Account sa web o mobile. 

Puwede mo ring i-delete ang iyong data anumang oras. Hindi nito made-delete ang data sa Apple Health.

  1. Buksan ang Google Fit Google Fit.
  2. Sa ibaba, i-tap ang Profile.
  3. Sa itaas, i-tap ang Mga Setting Mga Setting.
  4. Sa ilalim ng "Data sa Google Fit," i-tap ang Pamahalaan ang mga nakakonektang app.
  5. I-tap ang app na gusto mong i-on o i-off.
  6. I-tap ang Alisin ang access para idiskonekta ang app na ito.

Mga kaugnay na artikulo

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3339053267542452461
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false