Notification

Mangyaring huwag magsama ng anumang personal o sensitibong impormasyon sa kalusugan, tulad ng hakbang, calorie, rate ng puso, pagtulog, o data ng ehersisyo, o impormasyon sa kalusugan ng puso kapag nagtatanong sa Komunidad.

Paano gumagana ang awtomatikong pagsubaybay sa iyong data sa Google Fit

Kapag gumamit ka ng awtomatikong pagsubaybay, itinatala ng Google Fit ang aktibidad mo para sa iyo. Binibigyan ka ng credit ng awtomatikong pagsubaybay para matulungan kang abutin ang iyong mga layunin sa fitness para sa mga pang-araw-araw na aktibidad gaya ng mabilisang paglalakad o pagpili mong maghagdanan.

Paano gumagana ang awtomatikong pagsubaybay
Gumagamit ang Google Fit ay gumagamit ng mga sensor sa iyong device para mangolekta ng data tungkol sa pisikal na aktibidad mo, gaya ng layo at mga hakbang, kahit kapag nakasara ang app. Makikita mo ang data na iyon sa iyong mga pang-araw-araw at lingguhang istatistika ng aktibidad o sa journal mo. Kung ie-enable mo ang awtomatikong pagsubaybay, gagamitin ng Google Fit ang mga sensor ng iyong device para tukuyin ang mga workout na hindi mo manual na sinusubaybayan, halimbawa, kapag naglakad o nagbisikleta ka sa iyong pag-commute sa araw-araw.
Paano namin pinoprotektahan ang iyong data
Nagbibigay sa iyo ang Google Fit ng accessible na analytics, pagsubaybay, at history ng aktibidad. Secure na naka-store sa mga server ng Google ang iyong data sa Google Fit. Kung mawawala o papalitan mo ang iyong device, naka-back up naman ang data mo sa mga server ng Google.
Ikaw ang may kontrol

Kapag na-set up mo ang Google Fit sa iyong device, mapipili mo kung io-on ba ang awtomatikong pagsubaybay. Puwede mong i-on o i-off ang awtomatikong pagsubaybay anumang oras.

Puwede mo ring i-export o i-delete ang iyong data ng aktibidad anumang oras.

Sa iyong Android phone o tablet

Mahalaga: Nag-iiba-iba ang mga setting ng device ayon sa telepono at bersyon ng Android. Para sa higit pang impormasyon, makipag-ugnayan sa manufacturer ng iyong device.
  1. Buksan ang Google Fit Google Fit.
  2. Sa ibaba, i-tap ang Profile.
  3. Sa itaas, i-tap ang Mga Setting Mga Setting.
  4. Sa ilalim ng "Mga kagustuhan sa pagsubaybay," i-on o i-off ang Subaybayan ang mga sukatan ng aktibidad.
    • Kung io-on mo ang Subaybayan ang mga sukatan ng aktibidad, sundin ang mga tagubilin sa screen para payagan ang iyong device na subaybayan ang aktibidad mo.
Kung hindi ka makakakuha ng mga tagubilin sa screen para i-activate ang pagsubaybay sa iyong device, sundin ang mga hakbang sa ibaba:
  1. Sa iyong device, buksan ang Mga Setting Mga Setting.
  2. I-tap ang Mga app at notification at pagkatapos Google Fit Google Fit.
  3. I-tap ang Mga Pahintulot at pagkatapos Pisikal na aktibidad at pagkatapos Payagan.

Sa iyong Wear OS smartwatch

Ang iyong Wear OS smartwatch ay gumagamit ng mga sensor para mangolekta ng data tungkol sa pisikal na aktibidad mo gaya ng layo, mga hakbang, at bilis ng tibok ng puso, at sino-store nito ang mga iyon sa Google Fit. Makikita mo ang data na iyon sa iyong mga pang-araw-araw at lingguhang istatistika ng aktibidad o sa journal mo.
  1. Kung madilim ang iyong screen, i-tap ang screen para i-wake up ang relo.
  2. Buksan ang Google Fit Google Fit.
  3. I-tap ang Mga Setting at pagkatapos Subaybayan ang Pisikal na Aktibidad.
  4. I-tap para i-on o i-off.

Mga kaugnay na artikulo

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
18125489689451116324
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false