Kapag gumamit ka ng awtomatikong pagsubaybay, itinatala ng Google Fit ang aktibidad mo para sa iyo. Binibigyan ka ng credit ng awtomatikong pagsubaybay para matulungan kang abutin ang iyong mga layunin sa fitness para sa mga pang-araw-araw na aktibidad gaya ng mabilisang paglalakad o pagpili mong maghagdanan.
Kapag na-set up mo ang Google Fit sa iyong device, mapipili mo kung io-on ba ang awtomatikong pagsubaybay. Puwede mong i-on o i-off ang awtomatikong pagsubaybay anumang oras.
Puwede mo ring i-export o i-delete ang iyong data ng aktibidad anumang oras.
Sa iyong Android phone o tablet
- Buksan ang Google Fit .
- Sa ibaba, i-tap ang Profile.
- Sa itaas, i-tap ang Mga Setting .
- Sa ilalim ng "Mga kagustuhan sa pagsubaybay," i-on o i-off ang Subaybayan ang mga sukatan ng aktibidad.
- Kung io-on mo ang Subaybayan ang mga sukatan ng aktibidad, sundin ang mga tagubilin sa screen para payagan ang iyong device na subaybayan ang aktibidad mo.
- Sa iyong device, buksan ang Mga Setting .
- I-tap ang Mga app at notification Google Fit .
- I-tap ang Mga Pahintulot Pisikal na aktibidad Payagan.
Sa iyong Wear OS smartwatch
- Kung madilim ang iyong screen, i-tap ang screen para i-wake up ang relo.
- Buksan ang Google Fit .
- I-tap ang Mga Setting Subaybayan ang Pisikal na Aktibidad.
- I-tap para i-on o i-off.