Pamahalaan ang tagal ng paggamit ng iyong anak

Kapag gumawa ka ng Google Account para sa iyong anak gamit ang Family Link, puwede kang magtakda ng mga limitasyon sa tagal ng paggamit sa Android device o Chromebook niya. Puwede mong itakdang mag-lock ang Android device o Chromebook ng iyong anak pagkatapos niya itong gamitin sa loob ng partikular na tagal ng panahon o kapag sa tingin mo ay kailangan niya ng downtime.

Mahalaga: Hindi puwedeng lagyan ng mga limitasyon sa app ang mga system app. Puwede kang magtakda ng mga limitasyon para sa mga Android 7 device at mas bago.

Paano gumagana ang mga limitasyon sa tagal ng paggamit

Mahalaga: Mababago mo lang ang orasan sa device ng anak kapag na-disable mo ang mga limitasyon sa tagal ng paggamit.

Kapag nagtakda ka ng limitasyon para sa tagal ng paggamit ng iyong anak sa Android device o Chromebook niya, makakatanggap siya ng notification kapag:

  • Itinakda ang tagal ng paggamit sa unang pagkakataon (mga Android device lang).
  • Mala-lock na ang kanyang device.

Kapag naka-lock ang device, ang anak mo ay:

  • Hindi makakakita ng mga notification.
  • Hindi makakapag-unlock ng device o makakagamit ng anumang app - maliban sa mga app na itinalagang Mga app na palaging pinapayagan kapag na-enable mo ang Mga app na palaging pinapayagan.
  • Makakasagot ng mga tawag, at makakapag-tap sa Emergency para tumawag kung may plan para sa pagtawag ang device (mga Android phone lang).

Tip: Ang mga limitasyon ng oras ay nalalapat sa mga na-install na app sa lahat ng Android at ChromeOs device ng iyong anak.

Magtakda ng mga limitasyon sa tagal ng paggamit

Para pumunta sa mga setting ng account ng anak na huli mong binisita sa Family Link app, i-tap ang button sa ibaba:

Baguhin ang mga pang-araw-araw na limitasyon

Magtakda ng mga pang-araw-araw na limitasyon sa oras sa unang pagkakataon

  1. Buksan ang Family Link app Family Link.
  2. Piliin ang iyong anak.
  3. Sa gitnang bahagi sa ibaba, i-tap ang Mga Kontrol Controls.
  4. Sa ilalim ng “Pang-araw-araw na limitasyon,” i-tap ang I-set up.
  5. Piliin ang mga oras at minutong gusto mong itakda para sa limitasyon.

Baguhin ang limitasyon sa araw na ito sa pamamagitan ng device ng magulang

  1. Sa iyong device, buksan ang Family Link Family Link.
  2. Piliin ang iyong anak.
  3. Sa gitnang bahagi sa ibaba, i-tap ang Mga Kontrol Controls.
  4. Sa ilalim ng “Pang-araw-araw na limitasyon,” i-tap ang Baguhin para sa araw na ito.
  5. Piliin ang mga oras at minutong gusto mong itakda para sa limitasyon.
    • Puwede mo ring i-off ang limitasyon.
  6. I-tap ang Tapos na.

I-edit ang ligguhang iskedyul ng limitasyon sa pamamagitan ng device ng magulang

  1. Sa iyong device, buksan ang Family Link Family Link.
  2. Piliin ang iyong anak.
  3. Sa gitnang bahagi sa ibaba, i-tap ang Mga Kontrol Controls.
  4. Sa ilalim ng “Pang-araw-araw na limitasyon,” i-tap ang I-edit ang lingguhang iskedyul.
  5. Piliin ang mga araw kung kailan mo gustong limitahan ang tagal ng paggamit.
    • Puwede mo ring i-off ang lingguhang iskedyul.
  6. I-tap ang Tapos na.

Tip: Puwede mong i-edit ang lingguhang iskedyul at baguhin ang limitasyon sa anumang napiling araw. I-click ang ilapat din sa para ilapat ang limitasyon sa oras sa "lahat ng araw" o tuwing Lunes hanggang Biyernes.

Magtakda ng pang-araw-araw na limitasyon sa device ng iyong anak

  1. Sa device ng iyong anak, buksan ang Mga Setting Mga Setting.
    • Sa bersyon 8.1 (O) at mas bago ng Android, i-tap ang Digital Wellness at parental controls.
    • Sa iba pang bersyon ng Android, i-tap ang Google at pagkatapos ay Parental controls.
  2. Para makita ang mga kasalukuyang setting, i-tap ang Pang-araw-araw na limitasyon.
  3. Para ma-edit ang mga setting ng Pang-araw-araw na limitasyon, mag-sign in o gamitin ang iyong Access Code ng Magulang para ma-verify na isa kang magulang.

Tip: Ilalapat ang mga pang-araw-araw na limitasyon sa bawat Android device o Chromebook na ginagamit ng iyong anak. Halimbawa, kung magtatakda ka ng pang-araw-araw na limitasyong 2 oras, magkakaroon ng 2 oras ang anak mo sa bawat device.

Magtakda ng downtime

Para pumunta sa mga setting ng account ng anak na huli mong binisita sa Family Link app, i-tap ang button sa ibaba:

Magtakda ng downtime

I-set up ang downtime sa unang pagkakataon

  1. Buksan ang Family Link app Family Link.
  2. Piliin ang iyong anak.
  3. Sa gitnang bahagi sa ibaba, i-tap ang Mga Kontrol Controls.
  4. Sa ilalim ng “Downtime,” i-tap ang I-set up.
  5. Piliin ang mga oras at minutong gusto mong itakda para sa limitasyon.

Baguhin ang downtime para sa araw na ito

  1. Buksan ang Family Link app Family Link.
  2. Piliin ang iyong anak.
  3. Sa gitnang bahagi sa ibaba, i-tap ang Mga Kontrol Controls.
  4. Sa ilalim ng “Downtime,” i-tap ang Baguhin para sa araw na ito.
  5. Piliin ang mga araw kung kailan mo gustong magtakda ng downtime.

I-edit ang lingguhang iskedyul ng downtime

  1. Buksan ang Family Link app Family Link.
  2. Piliin ang iyong anak.
  3. Sa gitnang bahagi sa ibaba, i-tap ang Mga Kontrol Controls.
  4. Sa ilalim ng “Downtime,” i-tap ang I-edit ang lingguhang iskedyul.
  5. Piliin ang mga araw kung kailan mo gustong magtakda ng downtime.

Sa device ng iyong anak

  1. Sa device ng iyong anak, buksan ang Mga Setting Mga Setting.
    • Sa bersyon 8.1 (O) at mas bago ng Android, i-tap ang Digital Wellness at parental controls.
    • Sa iba pang bersyon ng Android, i-tap ang Google at pagkatapos ay Parental controls.
  2. Para tingnan ang mga kasalukuyang setting, i-tap ang Downtime.
  3. Para ma-edit ang mga setting ng Downtime, mag-sign in o gamitin ang iyong Access Code ng Magulang para ma-verify na isa kang magulang.
Limitahan ang tagal ng paggamit ng iyong anak para sa mga app
Kung gumagamit ang Android device ng iyong anak ng Android N (7.0) at mas bago, o ang kanyang Chromebook ng bersyon 83 at mas bago ng Chrome OS, puwede kang magtakda ng mga limitasyon sa oras sa mga app para mapamahalaan kung gaano katagal puwedeng gamitin ng anak mo ang isang partikular na app bawat araw.
  1. Buksan ang Family Link app Family Link.
  2. Piliin ang iyong anak.
  3. I-tap ang Mga Kontrol at pagkatapos ay Mga Limitasyon sa App.
  4. Piliin ang gusto mong App.
  5. I-tap ang Magtakda ng limitasyon Magtakda ng limitasyon
  6. Piliin ang tagal ng panahong gusto mong bigyan ng access ang iyong anak sa partikular na app. 
  7. I-tap ang Tapos na.

Mga Tip: 

  • Ang mga limitasyon ng oras ay nalalapat sa mga na-install na app sa lahat ng Android at ChromeOs device ng iyong anak.  
  • Hindi sinusuportahan ng functionality na limitasyon sa app ang mga system app. Puwede lang magtakda ng mga limitasyon para sa mga device na may Android N (7.0) at mas bago, at Chromebook na gumagamit ng bersyon 83 at mas bago ng Chrome OS.
Piliin ang iyong Mga app na palaging pinapayagan

Mahalaga: Sinusuportahan ang Mga app na palaging pinapayagan para sa mga batang naka-sign in sa mga Android 7+ device, maliban sa mga nagpapatakbo ng Google Kids Space. Alamin kung aling bersyon ng Android ang ginagamit ng iyong anak. Magagamit ang ilang system app na kinakailangan para mapatakbo ang telepono ng iyong anak kapag naka-lock ang telepono kung available ang Mga app na palaging pinapayagan. 

  1. Buksan ang Family Link app Family Link.
  2. Piliin ang iyong anak.
  3. I-tap ang Mga Kontrol at pagkatapos ayMga limitasyon sa app.
  4. Piliin ang gusto mong app.
  5. I-tap ang Palaging payagan always allow at pagkatapos ay Tapos na.
I-edit ang iyong Mga app na palaging pinapayagan
Mahalaga: Sinusuportahan lang ang Mga app na palaging pinapayagan para sa mga batang naka-sign in sa mga Android 7+ device, maliban sa mga nagpapatakbo ng Google Kids Space. Tingnan kung anong bersyon ng Android ang ginagamit ng iyong anak.
  1. Buksan ang Family Link app Family Link.
  2. Piliin ang iyong anak.
  3. I-tap ang Mga Kontrol at pagkatapos ayMga limitasyon sa app.
  4. Piliin ang gusto mong app.

Mula rito, puwede mong piliin ang opsyong:

  • Palaging payagan ang always allow.
  • Magtakda ng limitasyon sa oras Magtakda ng limitasyon.
  • Mag-block ng app I-block.

Mga Tip:

  • Ang mga app na Palaging pinapayagan ay hindi isinasama sa mga limitasyon sa tagal ng paggamit ng iyong anak at hindi na available pagkatapos ng downtime.
  • Kung ita-tap mo ang "I-lock," Hindi magiging available ang mga app na palaging pinapayagan, maliban na lang kung babaguhin mo ang setting na ito mula sa lock screen ng device.
    1. Piliin ang Mga Device at pagkatapos ay ang device na gusto mong i-update.
    2. I-tap ang Mga setting ng lock screen at pagkatapos ay Mga app na palaging pinapayagan.

I-update o i-off ang mga limitasyon sa tagal ng paggamit 

I-lock o i-unlock ang Android device o Chromebook ng iyong anak
  1. Buksan ang Family Link app Family Link.
  2. Piliin ang iyong anak.
  3. I-tap ang Mga Kontrol.
  4. Sa itaas, i-tap ang device ng iyong anak at pagkatapos ay I-lock o I-unlock.
Tip: Puwede mo ring gamitin ang iyong access code ng magulang sa Family Link para i-unlock ang Android device o Chromebook ng anak mo, kung hindi ito nakakonekta sa Internet.
Bigyan ang anak mo ng bonus na oras
Puwede mong hayaan ang iyong anak na gumugol ng mas maraming oras sa kanyang device sa araw nang hindi binabago ang kanyang pang-araw-araw na limitasyon o iskedyul ng downtime. Puwede kang magdagdag ng bonus na oras habang naka-lock o malapit nang i-lock ang Android device ng iyong anak.
  1. Buksan ang Family Link app Family Link.
  2. Piliin ang iyong anak.
  3. Sa gitnang bahagi sa ibaba, i-tap ang Mga Kontrol Controls.
  4. Sa itaas, piliin ang device ng iyong anak at pagkatapos ay Magbigay ng bonus na oras Bonus na oras.
  5. Piliin ang tagal ng bonus na oras na gusto mo.
  6. I-tap ang Idagdag.

Tip: Kapag naidagdag na ang bonus na oras, puwede itong baguhin o alisin. I-tap ulit ang Magbigay ng bonus na oras Bonus na oras para ma-access ang mga opsyon.

Baguhin ang mga limitasyon ng oras para sa mga app na ginagamit ng iyong anak
Para i-update ang limitasyon ng oras sa isang partikular na application: 
  1. Buksan ang Family Link app Family Link.
  2. Piliin ang iyong anak.
  3. I-tap ang Mga Kontrol at pagkatapos ay Mga limitasyon sa app at pagkatapos ay Piliin ang gusto mong app.
  4. I-tap ang Baguhin ang limitasyon sa app at pagkatapos ay Tapos na.
I-disable ang mga limitasyon sa tagal ng paggamit

Puwede mong i-disable ang mga limitasyon sa tagal ng paggamit mula sa Family Link app sa iyong device.

  1. Buksan ang Family Link app Family Link.
  2. Piliin ang iyong anak.
  3. I-tap ang Mga Kontrol at pagkatapos ay sa ilalim ng "Pang-araw-araw na Limitasyon" i-tap ang Baguhin para sa araw na ito.
  4. I-off ang mga pang-araw-araw na limitasyon para sa maraming araw:
    • I-tap ang I-edit ang lingguhang iskedyul.
    • I-off ang mga pang-araw-araw na limitasyon nang tuluyan at pagkatapos ay I-save.

Mga Tip:

  • Makokontrol man o hindi ng iyong anak ang mga setting ng kanyang sariling account, hindi mababago ang mismong mga setting. Inirerekomenda naming tiyakin ng mga magulang na tama ang mga setting pagkatapos nilang baguhin ang kontrol na ito.
  • Puwede mong pamahalaan ang account ng iyong anak kapag na-click mo ang pangalan ng iyong anak sa g.co/YourFamily.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16501819787962838726
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
108860
false
false