Tip: Mga administrator ng Google Workspace lang ang makakagawa ng mga alyas sa email.
Puwedeng gumawa ang mga administrator ng Google Workspace ng mga alyas sa email para sa isang user para magawa nilang makapagpadala at makatanggap ng email mula sa ibang address sa iyong domain. Makikita sa artikulong ito ang pangkalahatang-ideya tungkol sa kung ano ang mga alyas sa email, kung saan ginagamit ang mga ito, at ang mga resource para sa kung paano idagdag ang mga ito.
Paano ito gumagana
Ang bawat user sa isang Google Workspace account ay may pangunahing address para sa pag-sign in sa kanyang account at pagtanggap ng mail. Kung gusto ng isang user ng isa pang email address, puwede kang gumawa ng alyas sa email para sa kanya.
Puwede kang magdagdag ng hanggang 30 alyas sa email para sa bawat user nang walang dagdag na bayad. Dapat patuloy na mag-sign in ang mga user sa kanilang Google Workspace account gamit ang kanilang pangunahing address, hindi ang kanilang alyas sa email.
Kailan ginagamit
Kapaki-pakinabang na paraan ang mga alyas sa email para matanggap ng mga indibidwal sa iisang lugar ang mail na ipinapadala sa ibang address. Halimbawa, kapaki-pakinabang ang mga alyas para sa mga kawani sa mga pagbebenta at suporta na gusto ng madaling tandaan at pampublikong email address. Puwede ka ring gumamit ng alyas sa email para makapagpadala ng mga email mula sa ibang address o alyas.
Magdagdag ng alyas sa email
Para magdagdag ng alyas sa email, dapat na isa kang administrator sa Google Workspace. Bisitahin ang Help Center ng Google Workspace para alamin kung paano magdagdag ng mga alyas sa email. Gumamit ng domain alias para mabigyan ang lahat ng nasa iyong account ng alyas sa email sa iba pang domain na pagmamay-ari mo.