Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu

Pakikipag-ugnayan sa Suporta

Available anumang oras para sa iyo ang help center ng Google Domains. Bukod pa rito, maaari kang makipag-usap sa ahente ng suporta sa pamamagitan ng chat, telepono, o email.

Upang makipag-ugnayan sa suporta

  1. I-click ang link na Makipag-ugnayan sa Suporta sa ibaba ng screen ng Google Domains.

    O i-click ang link na Makipag-ugnayan sa Amin kanang column ng help center.

  2. Piliin ang Makipag-chat, Tumawag, o Mag-email.
    • Kung pipiliin mo ang Makipag-chat, isang kahon ang magpa-pop up na nagpapakita ng iyong posisyon sa queue, at magsisimula ang iyong session sa chat sa loob ng ilang sandali.

    • Sa pop-up dialog na Tumawag sa Amin o Mag-email sa Amin, ilagay ang iyong pangalan, numero ng telepono kung hihingin, at maikling buod ng isyu. Makakatulong ito sa ahente ng suporta na maging handa sa pagsagot ng iyong tanong.

  3. I-click ang Bumuo ng PIN upang gumawa ng suportang PIN. Ang suportang PIN ay code na sandaling magbibigay sa ahente ng suporta ng access sa iyong account nang hindi inilalantad ang iyong log in o password. May bisa lang ang mga suportang PIN sa loob ng 15 minuto.

    Maaari kang bumuo ng isa pang pin anumang oras sa pamamagitan ng pag-click sa link na Makipag-ugnayan sa Amin sa ibaba ng screen ng Google Domains

    Chat: Magsisimula sa loob nang ilang sandali ang iyong session sa chat sa isa sa aming mga ahente ng suporta.

    Telepono: Makakatanggap ka ng tawag sa telepono mula sa aming support center sa loob nang ilang sandali.

    Email: Kaagad kang makakatanggap ng naka-automate na pagkilala sa pamamagitan ng email. Isang email na tugon ang sa iyong isyu ang matatanggap mo sa ilang sandali.

Kapaki-pakinabang ba ang artikulong ito?
Paano namin mapapaganda ito?