Mapanlinlang na content at gawi
Dapat magpakita ang mga kontribusyon sa Google Maps ng totoong experience sa isang lugar o negosyo Hindi pinapayagan at aalisin ang Pekeng engagement.
Kasama rito ang:
- Content na hindi batay sa totoong experience at hindi tumpak na nagpapakita sa lokasyon o produktong pinag-uusapan.
- Content na na-post dahil sa insentibong inalok ng isang negosyo - gaya ng bayad, mga diskwento, mga libreng produkto at/o serbisyo.
- Kabilang dito ang content na na-post pagkatapos ng mga request para sa rebisyon o pag-aalis ng negatibong review kapalit ng insentibo.
- Content na na-post mula sa maraming account para manipulahin ang rating ng isang lugar.
- Content na na-post gamit ang isang emulator o iba pang serbisyo sa device tampering, binagong operating system, o iba pang paraan para gayahin ang tunay na engagement, manipulahin ang data ng sensor o mga resulta, o hadlangan o lituhin ang mga karaniwang pagpapatakbo.
Hindi namin pinapayagan ang mga merchant na:
- Udyukan o hikayatin ang pag-post ng content na hindi kumakatawan sa totoong experience.
- Mag-alok ng mga insentibo – gaya ng bayad, mga diskwento, mga libreng produkto at/o serbisyo - kapalit ng pag-post ng anumang review o rebisyon o pag-aalis ng negatibong review.
- Pigilan o ipagbawal ang mga negatibong review, o mamili ng hihingan ng mga positibong review sa mga customer
- Mag-post ng content sa lugar ng kakumpitensya para sirain ang reputasyon ng negosyo o produktong iyon.
Pinapayagan namin ang mga merchant na:
- Udyukan o hikayatin ang pag-post ng content na kumakatawan sa totoong experience, nang hindi nag-aalok ng mga insentibong gawin ito.
Ang paggamit sa Google Maps para linlangin ang iba ay hindi kaayon ng diwa ng paghahatid ng kapaki-pakinabang na impormasyon para tulungan ang mga user habang ine-explore nila ang mundo sa paligid nila. Huwag gamitin ang Google Maps para magpanggap na sinumang tao, grupo, o organisasyon.
Kasama rito ang:
- Content na na-post o ibinahagi para magpanggap bilang sinumang tao, grupo, o organisasyon.
- Content na nagpapanggap na na-verify na authoritative na source.
Pinapayagan namin ang content na naglalaman ng mga kahaliling pangalan para sa isang tao o organisasyon kung saan hindi sinusubukan ng content na manlinlang ng iba.
Ang mali, hindi tumpak, o mapanlinlang na impormasyon ay puwedeng magdulot ng malaking pinsala sa mga indibidwal, mga negosyo, at sa lipunan. Dahil dito, hindi namin pinapayagan ang mga user na mag-post ng maling impormasyon.
Kasama rito ang:
- Mapaminsalang content na naglalaman ng mapandaya o mapanlinlang na impormasyong pangkalusugan o medikal.
- Mapaminsalang content na naglalaman ng mapandaya o mapanlinlang na impormasyon tungkol sa mga prosesong nauugnay sa publiko.
- Mapaminsalang content ng mga event na dapat ibalita o magalang na talakayan na minanipula para mandaya o manlinlang ng mga user.
Pinapayagan namin ang content na mula sa mga nave-verify na authoritative na source.
Puwedeng maapektuhan ng mga mapanlinlang na impormasyon ang kalidad ng impormasyon sa Google Maps. Dahil dito, hindi namin pinapayagan ang mga indibidwal na gamitin ang Google Maps para manlinlang o mandaya ng iba, o gumawa ng mga misrepresentasyon.
Kasama rito ang:
- Mga peke o mapanlinlang na ulat tungkol sa paglalarawan o kalidad ng isang produkto o serbisyo.
- Pagbaluktot o pag-aalis sa mga katotohanan para i-scam ang ibang user.
- Pagbaluktot o pag-aalis ng impormasyon na posibleng magkaroon ng malaking epekto sa pagpapasya ng user.
- Content na batay sa salungatan ng interes.
- Pag-post ng content na nanlilinlang sa mga user para maghayag ng kumpidensyal na impormasyon, pag-download ng hindi gusto o nakakapinsalang software, o para mabitag sila ng phishing o baiting.
Hindi naaangkop na content at gawi
Hindi namin pinapayagan ang mga user na mag-post ng content para manligalig ng ibang tao o negosyo, o para himukin ang iba na makisali sa panliligalig.
Kasama rito ang:
- Content na naglalaman ng partikular na pagbabanta ng pananakit sa mga indibidwal o tinukoy na grupo ng mga tao kung saan matatakot ang isang makatuwirang tao para sa kanyang mental o pisikal na kaligtasan o kapakanan.
- Doxxing.
- Content na nagreresulta sa hindi inaasahang sekswalisasyon o objectification ng isang tao, kasama ang mga claim tungkol sa mga sekswal na aktibidad, sekswal na oryentasyon, o pagkakakilanlang pangkasarian ng isang tao.
Dinisenyo ang mga produkto ng Google Maps para tulungan ang mga user na i-navigate at i-explore ang mundo sa paligid nila. Sa Google, naniniwala kaming may karapatan ang lahat ng tao, anuman ang lahi, etnisidad, relihiyon, kapansanan, edad, nasyonalidad, status bilang beterano, sekswal na oryentasyon, kasarian, pagkakakilanlang pangkasarian, caste, o anupamang pinoprotektahang status, na mag-access ng impormasyon at makisali sa palitan nito nang hindi nakakatanggap ng mapoot na salita.
Huwag mag-post o magbahagi ng content na may anumang anyo ng mapoot na salita.
Kabilang dito ang:
- Mga direktang call to action para magsagawa ng karahasan laban sa mga pinoprotektahang indibidwal o grupo.
- Content na nagpapababa sa pagkatao, nangmamaliit, o nanghahamak ng mga indibidwal o grupo batay sa isang pinoprotektahang katangian.
Pinapayagan namin ang content na nagbabanggit ng pinoprotektahang indibidwal o grupo sa positibong paraan.
Ang Google Maps ay dapat maging isang lugar na may paggalang, kahit na may hindi pagkakasundo sa mga user. Dahil dito, hindi namin pinapayagan ang mga user na mag-post ng nakakapanakit na content.
Kasama rito ang:
- Paggamit ng mga produkto ng Google para atakihin ang ibang indibidwal o grupo.
- Content na malinaw at sinasadyang manukso.
- Mga hindi napatunayang paratang ng hindi etikal na gawi o kriminal na gawain.
Pinapayagan namin ang content na naglalarawan ng mga negatibong experience sa magalang na paraan.
Huwag mamahagi o mag-post ng personal na impormasyon nang walang pahintulot. Tinutukoy ang personal na impormasyon bilang impormasyong nalalapat sa isang buhay na nakikilalang tao at posibleng humantong ang paghahayag sa panganib na magkaroon ng pinsala kung makompromiso o magamit ito sa maling paraan. Kabilang dito ang:
- Content na naglalaman ng personal na impormasyon ng ibang tao na na-post nang wala siyang pahintulot tulad ng: buong pangalan/apelyido, mukha niya sa isang larawan o video, o iba pang impormasyong iniulat bilang na-post nang walang pahintulot.
- Impormasyong nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan at iba pang personal na impormasyon tungkol sa iyong sarili o sa iba kasama na ang pinansyal na impormasyon, impormasyong medikal, o impormasyon tungkol sa personal na pagkakakilanlan.
Pinapayagan namin ang mga merchant na mag-post ng impormasyon sa pakikipag-ugnayan na nauugnay sa kanilang negosyo kasama ang telepono, email, o mga social media handle.
Pinapayagan din namin ang buong pangalan ng isang indibidwal kung bahagi ito ng karaniwang kilala o ina-advertise na entity ng negosyo o kung isa siyang propesyonal na kilala ng publiko na nagsasagawa ng negosyo gamit ang pangalan niya.
Kung naniniwala kang na-post ang iyong personal na impormasyon nang wala kang pahintulot, sundin ang mga tagubiling ito para i-flag ang review.
Aalisin namin sa Google Maps ang content na naglalaman ng kabastusan at pagmumura.
Kasama rito ang:
- Content na gumagamit ng pagmumura o kabastusan para saktan ang ibang user o magdiin ng kritisismo.
Pinapayagan namin ang mga hindi nakakapanakit na paggamit ng mga salitang posibleng ituring na pagmumura sa ibang konteksto.
Ang Google Maps ay isang lugar para sa ligtas na pag-explore ng mundo sa paligid natin. Dahil dito, hindi namin pinapayagan ang explicit na sekswal na content.
Kasama rito ang:
- Pornograpiya o pagpapakita ng mga sekswal na aktibidad, ari, o fetish na naglalayong magbigay ng sekswal na kasiyahan.
- Content na may kasamang hubad na ari.
- Content na pumupuri o nagpo-promote ng pakikipagtalik sa hayop.
- Content na pumupuri o nagpo-promote ng explicit na sekswal na content o gawi.
Puwedeng naming payagan ang itinuturing na explicit na sekswal na content para sa layuning pang-edukasyon, pandokumentaryo, pang-agham, o pansining kung nauugnay ang content sa kawili-wiling lugar at may sapat na impormasyong ibinigay para maunawaan ng mga user ang konteksto.
Ang Google Maps ay isang lugar para makahanap ang mga user ng kapaki-pakinabang at naaangkop na impormasyon. Dahil dito, hindi namin pinapayagan ang content na may temang pang-adult.
Kasama rito ang:
- Non-explicit na pornograpiya o anumang content na nilayong magbigay ng sekswal na kasiyahan.
- Anumang content na nagpapakita ng sekswalisasyon sa mga bagay na walang buhay.
- Mga lantarang posisyon na may sekswal na pahiwatig kung saan ang indibidwal ay hubad, naka-blur, o kaunti lang ang damit.
- Hindi komersyal na content na nauugnay sa mga sex toy.
Puwede naming payagan ang content na itinuturing sa ibang paraan na may temang pang-adult para sa layuning pang-edukasyon, dokumentaryo, siyentipiko, o artistiko kung ang content ay nauugnay sa kawili-wiling lugar, at may sapat na impormasyong ibinigay para maunawaan ng mga user ang konteksto.
Puwede rin naming payagan ang mga indibidwal na kaunti lang ang damit kapag ipinakita ito sa hindi sexualized na paraan.
Puwede naming payagan ang isang lehitimong website ng negosyo na naglalaman ng content na may temang pang-adult kung nagbibigay ang negosyo ng mga may kaugnayang serbisyong pang-adult.
Sa Google Maps, nagsisikap kami para tiyaking magreresulta ang impormasyong ibinibigay namin sa isang positibong experience para sa mga gumagamit ng aming produkto. Dahil dito, hindi namin pinapayagan ang marahas o madugong content na nagsasangkot ng mga tao o hayop.
Kasama rito ang:
- Marahas o madugong content na nagsasangkot ng mga tao o hayop na nilalayong maging kagulat-gulat, makatawag-pansin, o walang katwiran.
- Graphic na karahasan na may kasamang napakaraming dugo, malulubhang pinsala, o pagkamatay ng mga hayop o tao.
- Content na naglalaman ng pagmamalupit sa hayop.
Para sa ilang produkto o serbisyong napapailalim sa mga kontrol at lokal na regulasyon, dapat kang sumunod sa ilang partikular na alituntunin kapag nagpo-post ng content. Ang ia-upload mong content ay hindi puwedeng magtampok ng mga call to action o alok para sa pagbebenta ng mga produkto o serbisyong napapailalim sa mga lokal na legal na regulasyon. Kasama rito ang, pero hindi limitado sa, alak, pagsusugal, mga baril, mga pangkalusugan at medikal na device, mga pinaghihigpitang gamot, mga serbisyo para sa nasa hustong gulang, at mga serbisyong pampinansyal.
Hindi dapat magpakita ang content ng:
- Mga link sa isang landing page kung saan posibleng bumili ng mga pinaghihigpitang produkto o serbisyo.
- Email address at/o mga numero ng telepono kung saan makikipag-ugnayan para sa pagbili ng mga pinaghihigpitang produkto.
- Mga pampromosyong alok para sa mga pinaghihigpitang produkto o serbisyo. Halimbawa, hindi ka dapat mag-upload ng content na nagpapakita ng mga deal, coupon, impormasyon ng pagpepresyo, o iba pang promosyon para sa isang pinaghihigpitang produkto o serbisyo.
Tandaang hindi kasama sa patakarang ito ang mga nagkataong pagsasalarawan ng mga produktong ito. Kasama sa mga halimbawa ang:
- Mga larawan ng mga menu.
- Mga larawan kung saan may mga inuming nakakalasing pero hindi ito ang pangunahing pinagtutuunan.
Ang Google Maps ay isang lugar para sa ligtas na pakikipag-ugnayan ng mga user sa isa't isa. Dahil dito, hindi namin pinapahintulutan ang mga user na mag-post ng mapanganib na content.
Kasama rito ang:
- Content na nagbibigay-daan o humihimok sa malubhang pisikal na pinsala sa kalusugan, kaligtasan, ari-arian, mga hayop, o sa kapaligiran.
- Content na nagpo-promote ng mga mapanganib na aktibidad na puwedeng magresulta sa malubhang pisikal na pinsala sa taong nagsasagawa ng aktibidad, sa mga taong nasa paligid niya, o sa mga hayop.
- Content na humihimok sa mga menor-de-edad na makilahok sa mga mapanganib na aktibidad o gumamit ng mga mapanganib na bagay.
- Content na nagbibigay-daan sa maling paggamit ng mga likas na mapanganib na bagay.
- Content na may tagubilin para sa paggawa o paghahanda ng mga mapanganib na bagay.
Pinapayagan namin ang pangkalahatang talakayan tungkol sa mga produkto, serbisyo, o aktibidad na puwedeng maging mapaminsala o mapanganib hangga't hindi naglalaman ang talakayan ng pagsusulong o mga direksyon ng mapaminsalang paggamit nito.
Hindi kami tumatanggap ng content na ilegal o nagpapakita ng ilegal na aktibidad.
Kasama rito ang:
- Mga larawan o anupamang content na lumalabag sa mga legal na karapatan ng kahit sino, kasama ang copyright. Para sa higit pang impormasyon o para maghain ng request sa DMCA, suriin ang aming mga pamamaraan sa copyright.
- Lahat ng koleksyon ng larawang nagpapakita ng sekswal na pang-aabuso at lahat ng content na nagpapakita ng mga bata sa sekswal na paraan.
- Content tungkol sa mga mapanganib o ilegal na gawain tulad ng: panggagahasa, pagbebenta ng lamang-loob ng tao, human trafficking.
- Mga ilegal na produkto at serbisyo: mga produktong galing sa mga nanganganib na hayop, mga ilegal na droga, mga inireresetang gamot na napupunta sa ilegal na merkado.
- Mga larawang nagpapakita ng malinaw o walang-batayang karahasan, o nagpapalaganap ng karahasan.
- Content na ginawa ng o para sa mga teroristang pangkat.
Para sa anupamang legal na isyu, pakipili ang tab na “Copyright o iba pang legal na isyu” sa feature na mag-ulat ng problema.
Sa Google Maps, hindi namin pinapayagan ang content na naglalagay ng mga bata sa panganib. Huwag gumawa, mag-post, o mamahagi ng content na nananamantala o nang-aabuso ng mga bata o gumamit ng mga produkto o serbisyo ng Google para maglagay ng mga bata sa panganib.
Kasama rito ang:
- Content na sekswal na nananamantala sa mga bata o nagpapakita sa kanila sa sekswal na paraan.
- Content na naglalaman ng mapanamantalang gawi, kumukunsinti, pumupuri, o nagpapakita sa mapanamantalang gawi sa positibong paraan.
- Content na naglalaman ng mga larawan ng mga pang-aabuso ng mga menor de edad o kumukunsinti, pumupuri, o nagpapakita sa pang-aabuso sa mga menor de edad sa positibong paraan.
- Content na nagpapakita ng kahubaran ng malinaw na mga menor de edad, kahit na hindi ito nabibilang sa mga kategorya sa itaas.
Aalisin namin ang lumalabag na content at magsasagawa kami ng naaangkop na pagkilos, kung saan puwedeng kasama ang pag-uulat sa mga nauugnay na awtoridad o tagapagpatupad ng batas, paglilimita sa access sa mga feature ng produkto, at pag-disable ng mga account.
Paano makakapag-ulat ng mga paglabag ang mga user?
- Para mag-ulat ng content sa isang produkto ng Google na posibleng manamantala ng bata, i-click ang Mag-ulat ng pang-aabuso. Kung may mahahanap kang content sa ibang lugar sa internet, direktang makipag-ugnayan sa naaangkop na ahensya sa iyong bansa.
- Kung naniniwala kang nasa panganib ang isang bata o nakakaranas ng pang-aabuso, pananamantala, o trafficking, makipag-ugnayan kaagad sa pulisya. Kung nakagawa ka na ng ulat sa pulisya at kailangan mo pa rin ng tulong, o may mga alalahanin ka na ang isang bata ay nanganganib o nanganib sa aming mga produkto o serbisyo, puwede mong iulat ang gawi sa Google.
Ipinagbabawal ng Google Maps ang content na nauugnay sa terorismo at ang paggamit ng serbisyong ito ng mga teroristang organisasyon para sa anumang layunin, kasama ang pangangalap ng miyembro.
Kasama rito ang:
- Content na nag-uudyok ng karahasan, nagsusulong ng mga gawain ng terorismo, o nagbubunyi sa mga pag-atake ng terorista.
- Content na ginawa ng o para sa mga teroristang pangkat.
Puwede naming payagan ang content na nauugnay sa terorismo para sa layuning pang-edukasyon, dokumentaryo, siyentipiko, o artistiko kung sapat ang impormasyong ibinigay para maunawaan ng mga user ang konteksto.
Mag-post lang ng content na batay sa iyong experience o mga tanong tungkol sa mga experience sa isang partikular na lokasyon.
Hindi namin pinapayagan ang content na naglalaman ng pangkalahatan, politikal, o panlipunang komentaryo o mga personal na reklamo.
Huwag mag-post ng content para sa mga layuning mag-advertise o mangalap.
Kasama rito ang:
- Pampromosyon o komersyal na content
- Pag-post ng mga email address, numero ng telepono, link sa social media, o link sa iba pang website sa iyong mga review
Hindi namin pinapayagan ang pag-post ng hindi malinaw na content sa Google Maps dahil binabawasan nito ang kapaki-pakinabang na impormasyon na ibinibigay ng Google Maps sa mga user nito.
Kasama rito ang:
- Pag-post ng content na walang kahulugan sa iba't ibang wika, tulad ng random na grupo ng mga character.
- Pag-post ng parehong content nang maraming beses mula sa parehong account o maraming account