Paunang pag-troubleshoot
- Tiyaking nakasaksak ang Chromecast nang direkta sa power source. Gamitin ang power cord at adapter na kasama ng Chromecast.
- Tiyaking nakatakda ang TV sa parehong HDMI input kung saan nakasaksak ang Chromecast, halimbawa, HDMI 1 o HDMI 2.
- Kung itim na screen pa rin ang lumalabas sa TV, i-reboot ang iyong Chromecast: Bunutin ang power cord ng Chromecast maghintay nang isang minuto isaksak ulit ang cord.
- Tandaan: Tiyaking bunutin ang power cord, hindi ang HDMI cable na nakasaksak sa TV.
- Kung itim na screen pa rin ang lumalabas sa TV, alisin ang lahat ng HDMI device na nakasaksak sa TV, at pagkatapos ay bunutin ang power cord ng TV sa loob ng 30 minuto.
Mga susunod na hakbang
Kung itim pa rin ang iyong screen, sundin ang mga hakbang sa ibaba.
Chromecast na may Google TV
Itim na screen na may HDMI connection
Kung makaranas ka ng HDMI error sa iyong Chromecast na may Google TV, subukan ang mga hakbang na ito:
- Tiyaking mahigpit na nakakabit ang HDMI cable sa HDMI port ng TV.
- Subukan ang ibang HDMI input, halimbawa, HDMI 1 o HDMI 2.
- Gumamit ng compatible na HDMI extension cable.
- Tandaan: Para sa Chromecast na may Google TV (4K), dapat sinusuportahan ng extension cable ang 4K at HDMI 2.0.
- Kung makaranas ka ng HDMI error habang gumagamit ng partikular na application, tiyaking naka-update sa pinakabagong bersyon ang app.
- Tiyaking may pinakabagong bersyon ng firmware ang Chromecast mo.
- Tiyaking may pinakabagong bersyon ng firmware ang TV mo
Itim na screen na may HDCP connection
Kung makaranas ka ng HDCP error sa iyong Chromecast na may Google TV, subukan ang mga hakbang na ito:
- Bunutin ang Chromecast mo mula sa TV, AVR, o soundbar.
- I-reboot ang iyong Chromecast at ang TV, AVR o soundbar.
- Ikonekta ulit ang Chromecast. Tiyaking mahigpit na nakakabit ang koneksyon ng HDMI cable sa HDMI port ng TV.
- Tingnan kung matitingnan mo na ang sarili mong content.
Kung nagpapatuloy pa rin ang problema:
- Subukan ang ibang HDMI input, halimbawa, HDMI 1 o HDMI 2.
- Kung gumagamit ka ng HDMI switch, AVR, o soundbar, ikonekta ang Chromecast mo nang direkta sa iyong TV.
- Tiyaking may pinakabagong bersyon ng firmware ang Chromecast mo.
- Tiyaking may pinakabagong bersyon ng firmware ang TV mo
Anumang Chromecast device
Itim na screen at puting (hindi nagbi-blink o nagbi-blink) LED light- Ganap na i-shut down ang TV sa pamamagitan ng pag-off nito at pagdiskonekta ng power cord sa power source.
- Bunutin ang Chromecast sa HDMI port. Kung nasaksak ang Chromecast sa power source, bunutin ito.
- I-on ang TV, pagkatapos ay ikonekta ulit ang power source sa Chromecast device. Huwag ikabit ang Chromecast sa HDMI port sa TV.
- Maghintay nang 30 segundo.
- Ikabit ang Chromecast device sa isang HDMI port sa TV.
- Ilipat ang TV sa HDMI input kung saan nakakonekta ang Chromecast.
- Kung maraming port na available sa TV, subukan ang hakbang 1-6 sa ibang HDMI port
- Kung itim na screen pa rin ang lumalabas sa TV, subukan ang hakbang sa ibaba.
Kung mayroon ka pang TV na may HDMI display, subukang i-set up ang Chromecast sa TV na iyon.
Nagkakaproblema ka pa rin ba? Tulungan ang Chromecast team na mas maunawaan kung ano ang iyong nararanasan sa pamamagitan ng pagsagot sa maikling survey at feedback report na ito. Makakatulong ang iyong sagot sa pagsisiyasat at paghahanap ng solusyon ng aming mga engineer.
Subukan ang mga sumusunod na hakbang:
Gamitin ang power cord na kasama ng Chromecast- Patayin nang tuluyan ang TV (i-off at bunutin sa saksakan).
- Bunutin ang Chromecast sa HDMI port. Kung nasaksak ang Chromecast sa power source, bunutin ito.
- I-on ang TV at isaksak ulit ang Chromecast device pero huwag ikabit ang Chromecast sa HDMI port ng TV.
- Maghintay nang 30 segundo.
- Ikabit ang Chromecast device sa isang HDMI port sa TV.
- Ilipat ang TV sa HDMI input kung saan nakakonekta ang Chromecast.
- Kung itim na screen pa rin ang lumalabas sa TV, subukan ang hakbang sa ibaba.
Mahalaga:Huling hakbang dapat ang pag-factory reset.
Kapag nag-factory reset ka, ire-reset nito ang Chromecast device sa mga default na factory setting nito. Kakailanganin mong i-set up ang device, kumonekta ulit sa Wi-Fi, at i-set up ulit ang iyong mga setting ng Ambient Mode (kung naaangkop). Kung gumawa ka ng anumang pagbabago sa mga setting ng iyong router mula noong na-set up mo ang iyong Chromecast device, posible itong makaapekto sa kakayahan mong i-set up ulit ang device.
Puwede kang mag-factory reset sa iyong Chromecast gamit ang isa sa 2 paraang nakalista sa ibaba.
Mahalaga: Kapag ginawa ang pagkilos na ito, maki-clear ang iyong data at hindi na ito maa-undo.
Gamit ang Chromecast Voice Remote
- Sa kanang bahagi sa itaas ng iyong TV screen, piliin ang profile mo Mga Setting .
- Piliin ang System Tungkol Dito I-factory Reset.
Mula sa Chromecast device
- Habang nakakabit sa TV at nakabukas ang Chromecast, pindutin nang matagal ang button sa likod ng Chromecast. Dapat mag-blink nang dilaw ang LED.
- Kapag naging solid na puti ang LED light, bitawan ang button, at pagkatapos ay magre-reset ang Chromecast.
Mula sa Google Home app
Tandaan: Available lang ang opsyong ito kung may access ka pa rin sa network kung saan na-set up ang iyong Chromecast.
- Buksan ang Google Home app.
- I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang mga Setting Higit pa I-factory reset I-factory reset.
Mula sa Chromecast device
Habang nakakabit ang Chromecast sa TV, pindutin nang matagal ang button sa gilid ng Chromecast. Magsisimulang mag-blink nang orange ang LED. Kapag naging puti ang LED light, bitiwan ang button at magre-restart na ang Chromecast.
Mula sa Google Home app
Tandaan: Available lang ang opsyong ito kung may access ka pa rin sa network kung saan na-set up ang iyong Chromecast.
- Buksan ang Google Home app.
- I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang mga Setting Higit pa I-factory reset I-factory reset.
Mula sa Chromecast device
- Habang nakakabit ang Chromecast sa TV, pindutin ang button sa Chromecast device nang kahit 25 segundo o hanggang sa maging pula ang solid na LED na ilaw.
- Kapag naging patay-sindi na puti ang LED light, at namatay ang screen ng TV, bitawan ang button. Magre-restart ang device.
- Patayin nang tuluyan ang TV (i-off at bunutin sa saksakan).
- Bunutin ang Chromecast sa HDMI port. Kung nasaksak ang Chromecast sa power source, bunutin ito.
- I-on ang TV at isaksak ulit ang Chromecast device pero huwag ikabit ang Chromecast sa HDMI port ng TV.
- Maghintay nang 30 segundo.
- Ikabit ang Chromecast device sa isang HDMI port sa TV.
- Ilipat ang TV sa HDMI input kung saan nakakonekta ang Chromecast.
- Kung hindi ka pa rin nakakasagap ng signal, subukan ang hakbang sa ibaba.
Kung mayroon ka pang HDMI TV, subukang i-set up ang iyong Chromecast sa TV na iyon.
Nagkakaproblema ka pa rin ba? Tulungan ang Chromecast team na mas maunawaan kung ano ang iyong nararanasan sa pamamagitan ng pagsagot sa maikling survey at feedback report na ito. Makakatulong ang iyong sagot sa pagsisiyasat at paghahanap ng solusyon ng aming mga engineer.
Kung nasubukan mo nang paganahin ang Chromecast mula sa power source at USB port at hindi nakasindi ang LED light sa device:
- Tiyaking gumagana ang USB port para sa ibang device (Halimbawa: subukang ikabit ang iyong telepono sa saksakan o USB at tingnan kung nagcha-charge ito).
- Subukang i-on ang Chromecast mula sa ibang power source (Halimbawa: saksakan).
- Subukang gumamit ng power cord (USB-to-micro-USB cable at adapter) na iba sa power cord na kasama sa kahon ng Chromecast device.
"Chromecast...," na sinusundan ng umiikot na logo ng Chrome
I-off ang iyong TV
- Patayin nang tuluyan ang TV (i-off at bunutin sa saksakan).
- Bunutin ang Chromecast sa HDMI port. Kung nasaksak ang Chromecast sa power source, bunutin ito.
- I-on ang TV at isaksak ulit ang Chromecast device pero huwag ikabit ang Chromecast sa HDMI port ng TV.
- Maghintay nang 30 segundo.
- Ikabit ang Chromecast device sa isang HDMI port sa TV.
- Ilipat ang TV sa HDMI input kung saan nakakonekta ang Chromecast.
- Kung itim na screen pa rin ang lumalabas sa TV, subukan ang hakbang sa ibaba.
Subukan ang Chromecast sa ibang HDMI TV
Nagkakaproblema ka pa rin ba? Tulungan ang Chromecast team na mas maunawaan kung ano ang iyong nararanasan sa pamamagitan ng pagsagot sa maikling survey at feedback report na ito. Makakatulong ang iyong sagot sa pagsisiyasat at paghahanap ng solusyon ng aming mga engineer.
- Patayin nang tuluyan ang TV (i-off at bunutin sa saksakan).
- Bunutin ang Chromecast sa HDMI port at kung nakasaksak ang Chromecast, bunutin ito.
- I-on ang TV at isaksak ulit ang Chromecast device pero huwag ikabit ang Chromecast sa HDMI port ng TV.
- Maghintay nang 30 segundo.
- Ikabit ang Chromecast device sa isang HDMI port sa TV.
- Ilipat ang TV sa HDMI input kung saan nakakonekta ang Chromecast.
- Kung hindi ka pa rin nakakasagap ng signal, subukan ang hakbang sa ibaba.
Kung mayroon ka pang HDMI TV, subukang i-set up ang iyong Chromecast sa TV na iyon.
Nagkakaproblema ka pa rin ba? Tulungan ang Chromecast team na mas maunawaan kung ano ang iyong nararanasan sa pamamagitan ng pagsagot sa maikling survey at feedback report na ito. Makakatulong ang iyong sagot sa pagsisiyasat at paghahanap ng solusyon ng aming mga engineer.
Kung nagkakaproblema ka pa rin sa pag-set up ng iyong Chromecast, makipag-ugnayan sa Team ng Suporta ng Chromecast.