Mas matagal kaysa sa inaasahan ang pag-update ng Chromecast

Para magamit ang mga pinakabago at pinakamagandang feature na available sa Chromecast, baka kailangang i-update ang iyong device sa pinakabagong bersyon ng software. Puwedeng umabot nang hanggang 10 minuto ang pag-update.

Para matagumpay na mag-update, sundin ang mga hakbang sa ibaba:

  • Tiyaking naka-on ang iyong TV.
  • Tiyaking nakasaksak nang mabuti ang Chromecast sa HDMI input sa iyong TV.
  • Tiyaking nakasaksak nang mabuti sa power supply ang Chromecast, at tiyaking nakasaksak ang power supply.  

Tingnan sa iyong TV ang status ng pag-update.

Ini-install pa rin ang update sa TV

Kapag ini-install ang update, may lalabas na asul na screen sa TV na may spinner at % ng pag-usad na nakasulat sa dilaw sa tabi nito. Hintayin ang pag-install ng update.

Kapag tapos nang mag-update ang iyong Chromecast, makakatanggap ka ng mensaheng “Handa nang Mag-cast” sa TV at lalabas din ang Chromecast sa listahan ng device ng Google Home app.

Matagal na may nakalagay na mensaheng "Dina-download/kinukuha ang update"

Kung umuusad ang pag-download pero mabagal ang pag-usad nito, maglaan ng 20-30 minuto para sa pag-download. Posibleng mabagal lang ang iyong internet. Kung matagal na hindi uusad ang pag-download sa isang partikular na %, posibleng may problema sa mga setting ng iyong router. May alam na isyu sa ilang partikular na configuration ng router na puwedeng magpabagal sa mga pag-download. Matuto pa tungkol sa mga router na ito. 

Makipag-ugnayan sa amin

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
1661080774238699163
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
85561
false
false